Chapter 37

108 0 0
                                    

Jourdan's P.O.V:

(A/N: It is more on interview guys. Di ko keri ang mga punchline ni Vice.)

Initroduce na kami ni Vice. Yung posisyon namin. Thom-Kobe-Me tas Vice Ashwin-Raven-Neil.

Nilabas ni Vice kung gano siya natutuwa sa mga audience niya na puro basketball player. Halos kalahati ata sakop ng SU at SNA eh tas yung kalahati mga fans na ng team.

Ininterview at nilandi niya yung lima at pinuri naman niya yung kagandahan ko at gano siya naiinggit sakin hanggang sa napunta na sa usapang love life to.

"May boyfriend ka?" Tanong sakin ni Vice. Umiling naman ako. Tas sunod niyang tinanong si Ashwin, tas si Raven, tas si Neil parehas na wala ang mga sagot nila tapos si Thom.

"I have a girlfriend. Actually, she's there." At tinuro niya si Anna na nasa audience. Kumaway naman si Anna na nahihiya pa.

"Maganda girlfriend mo ah! Eh ikaw Kobe, may girlfriend?" Umiling lang din si Kobe sa tanong ni Vice.

"Special Someone?" Tanong ulit ni Vice.

"Yeah. Special Someone." Tumatangong at nakangiting sagot ni Kobe. Nalungkot naman si Vice pero bumawi ulit ng tanong.

"Andito ba siya?" Tanong ulit ni Vice at hinanap pa niya sa audience.

"Yes." Sagot ulit ni Kobe. Ow Gosh. Sasabihin niya ba talaga na ako!! Haha. Assumera! Bakit? Ako naman talaga eh.

"Asan?" Tanong ulit ni Vice. Nagkatinginan kami ni Kobe tapos tumingin siya kay Vice tas tinuro niya ko.

"She's my special someone." Nagsigawan yung crowd at rinig na rinig ko yung boses ni Hazel. Napatakip na lang ako ng mukha tas si Vice napa-OMG tas may background music pa na Photograph. Hindi ko na alam kung kikiligin ako o mahihiya. Halo-halo na lahat ng nararamadaman ko.

"Totoo?" Hindi makapaniwalang sabi ni Vice tas tumango naman si Kobe.

"Sino nga ba hindi maiinlove na lalaki dito. Maganda na coach pa." Kumento ni Vice.

"Assistant Coach ka dati sa SNA." Sabi ni Vice nung humupa na yung sa amin ni Kobe.

"Yeah. Tito ko kasi yung head coach nila dati." Sabi ko tas flinash nila sa screen yung picture ni Tito.

"Nahawakan mo sila?" Tinuro ni Vice sila Ashwin

"Yes. Nagsimula ako 2nd year si Ashwin." Sabi ko.

"Edi close ka din sa kanila." Tanong ni Vice. Umoo naman ako.

"May nanligaw din sa inyo dito kay Jourdan." Tanong ni Vice kila Ash. Nagtinginan muna sila ni Neil bago sumagot.

"Yeah. Niligawan ko siya." Napanganga naman si Vice tas tumingin siya sakin.

"Ang ganda mo!!" Sabi sakin ni Vice. Tumawa lang naman ako. Sa totoo di na ko natutuwa. Gosh! Dadami Haters ko! De joke.

So, nagpatuloy na yung interview mabuti naman dahil sa lima na napunta yung usapan minsan binabanas niya kaming tatlo which is ang awkward.

Sumayaw din kami ng Nae Nae at nag-twerk it like Miley. Nagsample ding kumanta at mag-gitara si Raven. Magaling siyang mag-gitara kaso kung ano kinagaling niya sa gitara ganun din kasintunado yung boses niya. Grabe yung tawa nun ni Hazel kaya napansin din siya ni Vice.

Masayang natapos naman yung interview namin. Good Luck sa airing at baka pagtapos nun madami na kong haters! Ang dami kayang babaeng fan ni Kobe at Ashwin.

"Jourdan!" Tumingin naman ako sa tumawag sakin.

"Oh Ashwin? Bakit?"

"Kung hindi ka busy ngayon. Labas tayo. Libre ko."

"Sure, di ako tumatanggi sa libre" tumawa naman siya.

------------

"Kailangan mo pa ba talagang lumabas kasama ng Ashwin na yan?" Pangatlong tanong na yan ni Kobe. Nagpalit ako ng damit at si Ash naman kinuha yung kotse.

"Nakakahiya naman kung tatanggi ako di ba?" Sabi ko. Kinuha ko na yung bag ko para lumabas na sa dressing room. Nagpaalam na din ako kila Hazel at Mia na kasama din namin na pinapanuod yung pagtatalo namin ni Kobe. Akala ata nitong mga to nasa sinehan sila eh.

Wala na ding nagawa si Kobe sa pag-alis ko. Nagpunta kami sa kung saan parang picnic yung set up pero nanunuod kayo ng movie. One more chance pa yung palabas.

Medyo luma na yung palabas. Napanuod ko na to dati eh! Sino bang hindi nakakakilala kay Popoy at Basha di ba?

Natapos namin yung pelikula. May part na umiyak si Ashwin. Tawa lang ako ng tawa sa kanya yung ibang kasama namin tumitingin lang. Wala siyang reaksyon pero tumutulo yung luha. Haha! Pigil na pigil yung emosyon niya eh.

"Lakas mong tumawa kanina ah!" Sabi ni Ashwin. Tumawa naman ako ulit. Laugh trip talaga eh. Konti na lang hahagulgol na siya eh. Binangga naman niya ko sabay sigaw ng "Foul!"

"Ah. Gusto mo niyan ah! Tara oh! One on one" sabi ko. Buti na lang nagpalit ako ng damit.

Para kaming baliw di ba? Halos 10 na ng gabi papunta pa rin kami sa court kung san kami nagprapraktis ni Kobe para magbasketball.

"Naalala mo, dito kita laging natatalo!" Tumatawa kong sabi. Hilig na namin dati mag one on one nung nasa SNA pa ko.

"Pano madaya ka!" Sabi niya. Ang rules namin bawal niya kong hawakan ako ayos lang kahit yakapin ko pa siya.

"Simulan na natin oh?!" Sabi ko at nilapag ko na yung bag ko. Mabuti na lang laging may dalang bola si Ash sa kotse niya.

Si Ash ang unang mag-shu-shoot. Nagcross-over siya sabay shoot. Easy lang sa kanya.

"Ano ba yan! Humina ka na ata ah!" Pagmamayabang niya.

Ako naman may hawak ng bola tas natapik niya yung bola kaya gumulong to. Hinitak ko pa siya para maunahan ko siya sa bola kaso tumigil yung bola sa may paanan ni... Unti-unti pa kong tumingala.

"Kobe!" Pinulot niya yung bola at inabot sakin. Poker face lang siya.

"Pasensya kung nakasagabal ako ah." Pagkasabi niya nun nagwalk-out na siya.

"Saglit, Kobe!" Susundan ko sana siya kaso hinawakan ako ni Ashwin.

"Ako ang date mo ngayon" sabi niya.

"Pero Ash, kailangan kong sundan si Kobe." Nakita kong nasaktan si Ashwin sa sinabi ko.

"Huwag, huwag mo siyang sundan please. Kahit ngayon lang pagbigyan mo ko! Gusto ko magpaka-selfish! Ang daming beses kong hinayaang umalis ka sa tabi ko pero sana ngayon manatili ka naman sakin oh."

"Pero ginusto mo yun, Ash"

"Mahal mo na ba siya?" Natahimik ako sa tanong niya at sa katahimikan na yun tumulo na yung luha ni Ashwin.

"T*ng*n*! Ang sakit Joudan! Mahal pa rin kita! Oo, alam ko ako yung may gustong lumayo ka pero umaasa ko na pagtapos ng lintik na UAAP na to babalik tayo sa dati, na magiging tayo ulit. Buset! Pwede bang magpaka-selfish? Ako na lang, Jourdan, Ako na lang ulit." Parehas na kaming umiiyak ni Ashwin pero tumawa siya.

"Magagamit ko pa pala yung line ni Basha. Sige na, sundan mo na siya." Pinahiran na niya yung mga luha niya at binitiwan na niya ko at tumalikod na siya.

"Ashwin" yinakap ko siya mula sa likod.

"Sorry. Sorry." Umiiyak kong sabi halos hagulgol na nga eh. Sobrang laking pasasalamat ko sa kanya.

"Kahit ngayon lang please, magpaka-selfish ka! Pigilan mo ko ayos lang." Nararamdaman kong nagsisimula na ulit siyang umiyak.

"Pero mahal mo siya." Sabi niya

"Minahal di naman kita. Mas kailangan mo ko ngayon. Magkakabati din kami ni Kobe."

"At magiging kayo na." Malungkot niyang sabi. Ganun lang kami ng ilang minuto tas pinakawalan na niya ko.

"If we cannot be lovers, can we just be friends?" Sabi ko.

"Sure, friends but not right now. Mag-mo-move on muna ko."

I Love You, Coach!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon