Chapter 28

114 3 0
                                    

Jourdan's POV:

Sa dami-daming araw na maiiwan ko yung ID ko ngayon pa!

Ewan ko ba dun sa mga guard sa UAAP ayaw magpapasok pag walang ID. Yeah, tried and tested na namin yun. Last time kasi hindi nakapasok si Hazel sa court.

Kaya heto ko ngayon papunta pa lang sa Araneta kasama ko si Kobe. Sinamahan niya ko kunin yung ID ko eh.

"Tara, MRT!" Hinila ko na agad si Kobe at pumila sa ticketan.

"Ano ka ba! Punuan ngayon" reklamo ni Kobe.

"Ano ka din ba! Malelate na tayo baka madisqualified pa tayo. Ikaw sisisihin ko!" Nanahimik naman siya.

Pagtapos namin bumili tumakbo kaagad kami sa tren. Hindi naman masyadong siksikan pero okyupado na yung mga upuan.

Ang sama naman ng tingin ni Kobe sa mga nakaupong lalaki.

"Oh di ba? Nakakairita ang mga hindi gentleman" bulong ko sa kanya.

"Humawak ka na nga lang dyan." Masungit niyang sabi.

Umandar na kami medyo naout of balance lang ako ng konti pero nabalik ko din ang posture ko buti di nakita ni Kobe.

Nagkasiksikan na sa unang station na hinintuan namin. Si Kobe nasa side ko katabi na niya agad yung pinto ako naman katabi ko tong lalaki.

Mukang manyakis tong isang to ah! Nakahawak ako sa handrails at buset pinatong ba naman yung kamay niya sa kamay ko. Inalis ko naman agad yung kamay ko at tinignan ko siya ng masama at ang bwisit kinindatan pa ko. Sakto naman dumadagdag pa yung mga pasahero. Sh*t, lalapit siya sakin. Hala! Ano gagawin ko? Sisipain ko ba o tatapakan ko yung paa niya? Napapikit na lang ako.

Nagulat ako may humatak sakin. Sasapakin ko na ba? Pagdilat ko mas lalo akong nagulat dahil nasa harap na ko ni Kobe ngayon at nakasandal na ko sa pinto.

"Ano tinitingin-tingin mo dyan?" Masungit niyang sabi bago ko pa siya sagutin umandar na ulit yung tren at naout of balance na naman ako and this time hindi ko na balance ang sarili ko at napayakap ako sa kanya at hinawakan niya ko sa bewang

"Lampa."

"Lampa ka dyan! Coach mo  ko uy." Inis kong sabi at humiwalay ako sa kanya.

"Asan ba kasi yung hand rails?" Lumingon-lingon ako nakita ko na naman yung lalaking manyak.

"Lika nga kasi dito!" Sabi ni Kobe. Niyakap niya yung kanang braso niya sakin habang yung isa nakahawak sa hand rails.

"Baka ka kasi matumba ka, mafall ka pa sa iba" Ano daw?! Bakit bigla akong kinilig.

"Leche! Chansing ka din eh noh!" Para di ako mahalatang kinikilig lol. Kung icocompare mo naman si Kobe dun sa lalaki di hamak na gwapo to noh!

Napatingin naman ako sa gwapo niyang mukha. *Dug* *Dug* *Dug*

Ok. Pasabi nga kay Heart na huwag siyang maingay

"Andito na tayo!" Huh? Ang bilis naman?

Tinanggal niya yung yakap niya at hinatak na niya ko palabas.

"Nabitin ka noh!" Tukso niya sakin. Namula naman ako.

"Che, bilisan mo na lang tumakbo! Late na tayo."

"Kundi nga lang tayo late nasapak ko na yung lalaki kanina"

----------

Thanks God! Sakto pagdating namin magsisimula na. 1st game kami vs SJU kasunod namin SNA vs NU. This is the Final Four at mamaya baka last 2 teams na lang.

I Love You, Coach!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon