Chapter 35

104 0 0
                                    

Jourdan's P.O.V:

Naabutan ko si Kobe na nakaupo sa isa sa mga bench sa likod ng Arena. Wala namang mga taong pumupunta dito. Umupo ako sa tabi niya.

"Ayokong makipag usap sayo." Sabi niya agad. Natural na masungit si Kobe pero ngayon lang ako kinabahan sa pagsusungit niya.

"Kobe, sorry kung di ko sinabi sayo agad."

"Jourdan tama na! Ayoko na! Kahit ano namang gawin ko hindi ko naman siya matatalo di ba?!"

"Kobe, hindi yan totoo. Pinaghirapan mo to, natin. Ngayon ka pa ba susuko kung kelan malapit ka na? Kobe, hindi mo naman siya kailangan talunin mag-isa andito yung team. Laban na to ng buong team natin." Ginulo niya yung buhok niya sa sobrang frustrations niya at tumingin siya ulit sakin.

"Ganyan ka na ba kamanhid? Hindi ako sa basketball talo Jourdan, sayo! ilang beses ko ng sinabing gusto kita pero siya pa rin naman ang mahal mo di ba?"

"Gosh! Kobe!! Hindi to ngayon yung panahon para pagtalunan natin yung nararamdaman mo. Wag kang selfish! Hindi lang feelings mo yung nasasaktan ngayon isipin mo naman yung buong team! Kung matatalo tayo ngayon dahil sayo ano sa tingin mo mararamdaman nila?" Nag-soften naman na yung expression niya. Umiwas na siya ng tingin sakin at hinalamos yung mukha niya.

"Kobs, may tamang panahon para ayusin natin yung atin. Ngayon kasi coach mo ko." Mahinahon kong sabi. Bumuntong hininga ko bago ulit magsalita.

"Tapusin muna natin tong game. Huwag mo munang isipin yung feelings mo, mag-focus ka muna sa game. Sana maintindihan mo." Tinap ko yung shoulder niya bago ko umalis.

--------

Laro namin ang 3rd quarter. Nahabol namin yung 10 kalamangan ng SNA. Umariba yung mga 3pts ni Kram. Umayos na din yung laro ni Kobe at magandang nadidistribute ni Thom ang bola.

4th Quarter na. Lamang na kami ng 3pts, iba na ang determinado noh! Pinaupo muna ng coach ng SNA si Neil pati si Kurt pinalit niya yung dalawang player na bago lang sa SNA.

Hindi naman nakatulong yung pinasok nila naka-easy 4pts lang naman kami. Nag-time out sila at bago pa sila bumalik sa court may binulong yung Coach nila dun sa dalawa.

Dahil medyo intense parehas na kaming nakatayo nung coach ng SNA. Sinisigawan ko na yung team ko. Konti na lang malapit na kami sa tagumpay.

Shinoot ni Josiah ang bola pero sablay nakuha naman ni sub1 yung bola. Di ko alam kung namamalikmata ko pero tumingin siya sakin at binato niya yung bola ay mali pinasa niya dun kay sub2 dumaplis lang sa kamay niya kaya pa-outside na ngayon yung bola papunta sakin. Tinalon ni sub1 yung bola at mukang sakin siya babagsak. Napapikit na lang ako.

"Jourdaaann!" Naramdaman kong may yumakap sakin and then *Boogsh*. Wait, di kami bumagsak. Dinilat ko na yung mata ko si Kobe yung nakayakap sakin paghiwalay namin nakita kong nakahiga si Ashwin atsaka si sub1. Namimilipit sa sakit si Ash na nakahawak pa sa balikat niya. Napatakbo naman lahat ng teammate niya at tumawag na sila ng medics. Ilang minuto tumayo na si Ashwin pero hawak pa rin niya yung braso niya.

"Ashwin!" Napatingin siya sakin.

"Wag kang mag-alala ayos lang ako." Nakangiti niyang sabi sakin.

Pinanuod ko sa screen yung replay ng eksena. Nung pumikit ako tumakbo agad si Kobe at si Ashwin. Si Kobe niyakap ako habang si Ashwin binangga si sub1 kaya di samin tumama si sub1.

"Taray mo din noh! Dala-dalawa ang savior mo ah. Ikaw na talaga ang mahaba ang buhok!" Hanga na talaga ko sa kakayahan ni Hazel na sumulpot sulpot na hindi nararamdaman.

"Hayaan mo ipapasabi ko sa coach nila na ipadagan ka kay Neil. Tignan natin kung sino mauuna kila Caizer at Raven na iligtas ka!" Inirapan naman niya ko bumulong pa sa sarili rinig ko naman.

"Bat naman ako ililigtas ni Raven, eh wala ng pakielam yun sakin." Bumalik na siya dun sa may bench. Ewan ko ba dyan kay Hazel nagbibitter kay Raven eh si Caizer naman yung boyfriend tas kapag nilink mo sila kala mo ipis na diring-diri. Baliw din tong babaeng to eh.Sinundan ko nga tas binatukan ko.

"Bulong ka pa rinig naman! Bitter nito!" Inirapan naman niya ko ulit. Yun binatukan ko ulit tas di na kami nagpansinan kasi nagdiscuss pa ko sa SU ng play pagtapos ko magsalita nilapitan ko si Kobe.

"Ko--" nag-sshh siya at nakangiti na siya ngayon. Woaah! Ayos na ba kami?

"Sorry kung hindi ko na i-set aside yung nararamdaman ko sayo. Ayokong masaktan ka."

"Hindi kita papagalitan no! Gusto ko nga mag-thank you eh."

"Di naman ako yung nakaligtas sayo eh ayun oh" At nginuso pa niya si Ashwin.

"But still, you tried to" ngumiti na lang siya at ginulo yung buhok ko.

----------

Pangatlong beses na kami nagharap ng SNA at laging ganto ang nangyayari. Lamang kami ng 2. Last 15 seconds. Nasa SNA ang posession. Nagpasahan muna sila ng bola. Naapektuhan kanina ang laro ni Ashwin dahil sa braso niya pero nabalik din niya agad yung mood niya sa paglalaro. Speaking of Ashwin, nasa kanya ngayon yung bola. Ow shit! Nasa 3pt line siya! Ayan na naman sakto na naman lahat ng galaw niya at ngayon ay hindi na niya nilakasan yung pagbato ng bola.

"Waaahhhhh!!!" Tilian ng crowd. Nagdiwang ang mga taga-SNA lamang sila ngayon ng isa.

8 seconds na lang. Malas! Wala na kaming timeout! Hayy, tiwala na lang.

Si Josiah ang naglabas ng bola pinasa niya agad kay Thom. Mabilis naman naitawid ni Thom yung bola. 2 or 3 basta mashoot! Last 5 seconds pinasa ni Thom kay Kram na ngayon ay nasa 3pt line tinira niya ay wait fake! Pinasa niya kay Kobe na nasa loob ng ring and *bam*.

"Eenngkkk!!!!" Waahhh!!!! Kobe ended it with exclamation point. Dinunk ni Kobe yung bola at counted yun!!!! Nagsitakbuhan naman sa kanya yung mga player ko. We are the champions!!! Nag-sign of the cross ako and Thank You, G!!!

Lumapit na kami dun sa nagkakagulong team ko. Pagkakita sakin ni Kobe inakap niya ko at pinaikot-ikot pa!

"We won Jourdan! We won!" Masaya niyang sabi at humiwalay na siya sakin.

"I know!! Congrats to us!" Yayakapin pa sana ko ni Kobe pero pinigilan siya ni Raven.

"Group hug!" Sabi ni Raven. Ngayon sabay sabay na kaming nagsign of the cross with turo pa sa taas.

"Thank You, Lord!" Sabay sabay naming sabi.

Pagtapos nun nakipagkamay na kami sa mga SNA. Inuna ko muna yung coach nila na hindi matanggap yung pagkatalo niya at yung 2 sub niya na hindi makatingin sakin ng diretso. Kasunod na yung mga nakasama ko sa team dati, sunod naman sina Kurt at niyakap ko na sila and lastly, Ashwin.

"Congrats Jourdan" at nagyakapan kami.

"Thank You Ashwin. Andito ko dahil sayo. Salamat." At tinap ko yung back niya at tinap naman niya yung ulo ko bilang ganti.

"Oy, pakamay din kami oh!" Singit ni Hazel. Humiwalay naman na kami ni Ash sa isa't-isa. Kabute talaga tong si Hazel.

----------

"The History was made today!! After fighting for more than 60 years the Soldiers won this battle. Once again our UAAP's Men's Basketball Champion! The Syntax Soldiers!" Umulan na naman ng confetti. Isa-isa kaming sinabitan ng medal. Woah! My First ever medal!

"And now let's meet our Final's MVP!! He scored 24pts, 5 assists, 11 rebounds and 2 blocks. Our Final's MVP is none other than!!" Ayan naman yung drumroll -_-

"Kobe Perez!!" Binatukan at tinulak-tulak pa siya ng mga kateammate niya. Medyo brutal din tong team ko eh. Pagtapos niya tanggapin pinicturan lang siya tas group pic naman.

It's been a long journey for us to made it here. We deserve this and I deserve to have them.

"Jourdan made an amazing troop, Partner." sabi nung commentator. Nag-wiggle wiggle yung tenga ko oh!

I Love You, Coach!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon