Chapter 14

153 2 0
                                    

Jourdan's POV:

Bago magsimula ang laban inorient ko muna ang team sa locker room.

"Ok team, Malakas agad yung makakalaban natin. Let stick on your true position muna kapag kinailangan natin saka tayo magpapalit-palit ok?" tumango naman sila. Halata sa mga muka nila ang pagkakaba.

"Wag kayong maintimidate sa kalaban. They don't know what underdogs can do."

Dahil maaga kami nakapunta dito sa venue pinagchill ko muna sila at napansin ko yung sugat sa ilalim na labi ni Raven. Tsk. May hinala na ko kung san yun galing. Nilapitan ko siya.

"Oy Raven! Ano nangyari dyan sa labi mo?"bago ko pa maitanong sumulpot agad si Hazel at hinawakan pa ang baba ni Raven.

"Tsk. Ano ba?" iritang sabi ni Raven at hinawi yung kamay niya.

"Nagaway ba kayo ng kuya mo?" singit ko sa kanila.

"Hala! Bakit?" concern na sabi ni Hazel. Hindi siya concern tsismosa lang talaga siya.

"Dahil ba sakin?" tanong ko sa kanya.

"Ha? Hindi naman talaga ikaw ahmm.. Ano.." at napakamot na siya sa ulo niya.

"Sorry" at sumeryoso na din si Raven at si Hazel nag-disappearing act na.

"No Need to say sorry. Away namin yun at saka bati na kami." at ngumiti siya. "Hindi naman kami katulad ng mga babaeng pinapaabot pa ng matagal" dugtong niya at ngumiti ako ng pilit sa kanya.

"Sige na, mukang mas kailangan ka ng lalabs mo" at tinuro niya si Kobe na nakaheadset pero nakatulala naman.

"Si--" letse nagdisappearing act din si Raven. Nasabi ko na bang bagay talaga sila ni Hazel?

Bago ko pa problemahin ang Kabute Couple ay nilapitan ko na si Kobe. Umupo ako sa tabi niya at hindi niya ko napansin kaya binunggo ko siya at sumigaw.

"Foul!" lumingon na siya sakin at tinanggal na niya yung headset niya.

"Ano ba?!" irita niyang sabi sakin.

"Ang cute mong kabahan!" masaya kong sabi.

"Ha? Sinong kinakabahan? Ako? Hindi ahh" guilty niyang sabi at napatawa naman ako.

"May nalalaman ka pang First time ko sa UAAP pero di ko first time magbasketball" at ginaya ko pa yung boses niya at tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Alam mo na kung ano itsura mo kahapon" tagsungit na naman si Kobe.

"Oyaahh! Hindi naman ako tagsungit kahapon di katulad mo." at hindi na niya ko kinibo.

"Huwag ka nga kasing kabahan! Pano pa kita magiging pillar niyan kung mas kabado ka pa sakin." at slowmo pa siyang humarap sakin at nginitian ko lang siya.

-----------

"Let's meet the starters. Point guard, Thomas Frey. Shooting guard, Raven Chua....." pinapakilala na ng announcer ang first five ng bawat team at ang nakakagulat ang first five ng kabila ay hindi sila Ashwin kundi mga bench warmers nila. Minamaliit ba nila kami? Well, hindi ko din naman dapat sila maliitin.

Nagjumpball na si Kram at ang bench player ng SNA na si Hans. Katulad ng inaasahan ko samin napunta ang possesion.

Si Thom ang may hawak ng bola at nalagpasan niya yung una niyang bantay pero nabantayan ulit siya ng ibang player pinasa niya kay Raven na nasa ilalim lang ng ring at nakashoot na agad.

Rookie ang may hawak ng bola ngayon at bantay niya si Chris, one of our senior player. Magdradrive sana tong si Rookie para malagpasan si Chris kaso hindi niya napansin si Kobe sa gilid niya kaya naistealan  siya at ayun fastbreak. Another 2pts na naman samin.

At ewan ko ba dito sa mga bench player na dapat sila ang first five ay wala lang pakielam sa nangyayari sa game. Hindi ko na nga namalayan na 10 na agad ang lamang namin and actually nacoconcious na nga ako eh dahil yung original first five eh sakin nakatingin at hindi sa court. Wait, 4 lang pala yung nakatingin dahil si Mr.MVP nila ay nakacoldface lang at nanunuod ng laban pero hindi niya pinapagalitan ang mga player at pati yung coach nila walang magawa.

"Yung totoo? Si Ashwin lang ba talaga ang ex mo? Bakit parang buong team sayo lang nakatingin?" sabi ni Hazel.

"Alam mo Hazel, hindi ko alam kung bobo ka o tanga. Malamang lahat yan may atraso sa kanya noh!" hard na sabi ni Mia.

"Ang high blood mo ngayon! Porket LQ lang kayo ni Papa Kram ah" pambabanas ni Hazel at sinabutan naman siya ni Mia.

"Hoy hindi porket nagkamoment kayo ni Caizer ang yabang mo na! Hayaan mo last mo na yun" ganti naman ni Mia.

"Magsitigil nga kayo dyan! Kanina sakin nakatingin ngayon sa inyo na!" at tumingin sila sa kabilang side ng court at nakatingin nga sakanila sila Gian na nakakunot pa ang noo. Napayuko naman sila bigla.

Malapit na matapos ang 2nd Quarter at pinagpahinga ko muna yung mga player ko at nagpasok din ako ng bench at hindi pa rin pumapasok yung mythical 5. Yeah, ang first five ng St. Nicolas ay ang mythical 5 last year. Halos 20 na rin ang lamang namin at yung coach nila banas na banas na. Hmm.. Sa tingin ko may binabalak tong mga player na to at nagmamatigas sila sa coach nila.

"Sh*t" at napatingin naman sakin yung mga player ko.

"Coach, lamang tayo. Huwag kang kabado" pabirong sabi ni Thom.

"Sa tingin niyo hindi talaga papasok yang limang yan. Pagtapos ng half time o kaya sa 4th Quarter maglalaro na yang mga yan"

"Gandang strategy!" kumento ni Hazel at umiling ako.

"Hindi strategy yun Hazel, mas tamang sabihing pagmamayabang"

Hindi plano ng coach nila yun mismong sila ang gumawa ng laro nila ngayon.

Eennggkk.. Hudyat na tapos na ang 2nd quarter. Sabay sabay kaming pumumasok papuntang locker room at nakita ko si Ashwin na hinarang si Kobe.

"See you sa 4th quarter" sabi ni Ashwin at tinapik pa sa balikat si Kobe at ngumisi.

Bago pa mabanas si Kobe ay nilapitan ko na sila medyo binangga ko si Ashwin at inakbayan ko si Kobe at hinitak ko na diretso sa locker room na hindi hinaharap si Ashwin.

"Huwag mong pansinin yun." pero hindi lang siya kumibo at umupo na siya kasama ng mga ibang player.

"Listen. Marahil maglalaro na sa 3rd quarter ang mga star player ng SNA kung hindi naman kailangan na natin mag-ipon pa ng mas maraming points para pagpasok ng 4th quarter mahirapan na silang habulin yun. Ang maglalaro muna sa sa 3rd quarter ay sila Kram, Josiah, Raven, Carl and Thom and time after time magsasub tayo para magpaghandaan pa ng mga energy niyo ang mas malaking kalaban" at hinayaan ko muna sila magpahinga at kinuha ko yung cellphone ko para isearch yung bago nilang coach.

"Larry Gonzales" at ang galing talaga ng google! Nakakapagtaka kasi si Tito kahit bench player o rookie ang isalang niya. Hindi naman natatambakan ng halos 30 na. Basa.. Basa.. Basa... So, sa star player pala siya nagfofocus. Ibig sabihin lang nun sa 5 niya lang binuhos ang atensyon niya at ang problema niya hindi pa siya sinusunod nung lima.

Halata naman na ayaw nila ngayon dito kay Mr. Larry napapansin ko kasi tuwing magta-timeout at pinapagalitan niya yung mga player parang wala lang sila naririnig at pansin ko kanina pa niya gusto ipasok yung 5 ayaw lang siyang sundin.

Ano ba gusto nilang patunayan? Na sa sobrang galing nila kaya nilang humabol kahit 4th quarter na. Sh*t! I never imagined they will be like this. Sobrang mahangin. Mas lalo lang tuloy akong nanggigil sa kanila.

Hintayin lang natin. Sisiguraduhin ko sa susunod na laban natin 1st quarter pa lang matataranta na kayo. As I see my players performances today, Hindi malabong mangyari yun but I'm not closing my door for our 1st win on our 1st game.

----------
Author's Note:

Pagpasensyahan. Out of stock ng imagination dito. Haha XD. Di pa ko ulit nakapanuod ng PBA at looking forward ako sa NBA sa ch.23. lol.

I Love You, Coach!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon