Chapter 1

376 4 0
                                    

Jourdan's POV:

1st day ko ngayon sa Syntax University. 3rd year BSA student na ko. Dito walang nakakakilala sakin hindi katulad sa St. Nicolas na kasama ko sa pinagkakaguluhan.

Tahimik lang akong nakaupo sa medyo dulo ng classroom habang ang iba ay medyo maiingay na kasi magkakakilala na sila. Ako na out of place.

"Hi! Transferee?" Bati sakin ng isang babae na malawak na malawak ang ngiti. Tinanguan ko naman siya.

"Hazel Concio nga pala, and you are?"

"Jourdan Miller" at nakipagshake hands siya sakin at umupo siya sa tabi ko.

"So, San ka galing na school?" tanong niya sakin.

"St. Nicolas Academy" at pagkasabi ko nun lalong lumiwanag ang mukha niya.

"OMG! Ang galing galing ng Basketball team nila!! Tas ang gwapo gwapo pa nila!! Specially Ashwin! Close ba kayo?" Excited na sabi niya at nagulat ako sa tanong niya.

"Ahmm.. Hindi!" medyo guilty ko pang sabi!

"Ayy.. Personal ba? Sorry!" Pshh.. masyado bang halata!

"Hoy! May iniintriga ka na naman ahh" - nagulat ako dahil may biglang bumatok sa kanya.

"Aray naman, Mia!" at hinaplos pa niya ang ulo na tinamaan.

Tinignan ko kung sinong Mia ba yun at nanlaki ang mga mata ko dahil ang Mia yun ay ang Bestfriend ko dati.

"JM!!!!" sigaw niya at bigla akong niyakap ng sobrang higpit at tumalon talon pa.

"Ano ba! Mia, hindi na ko makahinga" at binitawan niya ko at humarap siya sakin na medyo humupa na ang pagkagulat.

"So kelan ka pa nandito sa Pilipinas ha?" medyo cold kong sabi. Nakakapagtampo naman kasi simula ng pumunta siya sa London eh naputol na ang komunikasyon namin. Chat pa naman ako ng chat sa kanya.

"Last Year pa! May pasalubong nga ako sayo ehh. Natago ko pa yun ng one year ahh!" medyo hyper niyang sabi.

"Hindi mo man lang ako minessage or Pinuntahan. Halos 5 taon tayong hindi nagusap!" halatang may tampo ko sa kanya sa tono ng pananalita ko.

"Kasi naman kasi JM, Nahack yung FB ko tas ang famous famous mo na. Nagbago ka ng FB account tas inaadd ko naman ayaw kasi masyado ka ng maraming Friend Request and By the way lumipat kaya kayo ng bahay" paliwanag niya nga naman marami talagang gustong makiclose skin dun.

"Hello! I'm here" sabi ni Hazel at kumaway kaway pa siya samin.

"Ayy! Nameet mo naman na si Hazel diba? Hazel, Jourdan nga pala but I call her JM short for Jourdan Miller. Bestfriend ko bago ko umalis ng Pilipinas." pakilala niya sakin kay Hazel.

"Sa St. Nicolas ka daw galing?" tanong sakin ni Mia.

"Yeah." walang kalatoy latoy kong sagot.

"May nasagap nga pala kong balita sayo. Nalink ka daw kay Ashwin Mendez ahh! Grabe, buti na lang kilala kita ang dami kayang naghahanap ng pangalan mo. Totoo ba yun? Kwento na dali!" excited niyang sabi at tinignan ko naman siya ng walang gana.

"Ahh.. Kaya ka pala guilty kanina ex ka pala!" sabi ni Hazel at tinignan ko naman siya ng masama.

"Sorry!" at nagpeace sign pa siya.

"So, Ex mo nga?! Dali na parang others naman ako" sabi ni Mia at nagpout pa siya.

"Tsk. Pero huwag niyong sasabihin ahh" at tinignan ko naman ng masama si Hazel.

"Promise!" sabi niya at tinaas pa ang kanang kamay.

"Ganto kasi yun eh, yung coach nila Tito ko then that time I really love basketball at naturuan na niya ko tungkol sa pagcocoach. Kaya nung nagcollege ako dun na ko pumasok. One time nanuod ako ng practice game laban sa ibang bansang team. Nakapwesto ko nun sa may bench at napansin ko agad si Ashwin kasi naman kasi ang gwapo niya at ang hot pa! Aside dun, Nasense ko na may potential siya na maging ace player. So, ayun pinanuod ko yung laban at inoobserbahan ko yung bawat galaw ng mga players. Parehas magaling yung 2 team kaya ayun umabot ng clutch tas nafouled out na nun yung star player nila eh si Tito pa naman may panic disorder kaya nga laging malaki ang lamang nila. kaya ayun umepal na ko bago pa atakihin si Tito. Umikot ang play na ginawa ko kay Ashwin sa kasamaang palad nanalo ang team namin at ayun ang naging tulay para maging parte ako ng team nila at dun din sumikat si Ashwin. Nanligaw siya sakin at sinagot ko naman. Akala ko totoo yung sweetness na pinapakita niya pero hindi pala pinagpustahan lang pala nila ko tas para daw masuggest ko na mas madaming play ang ibigay sa kanya at yung iba naman para di na ko mapunta sa iba"

"So, anong plano mo?" nag-aalalang tanong ni Mia sakin.

"Makagraduate ng tahimik." sabi ko

"No evil plans?" tanong ni Mia sakin na parang gusto niya ata may gawin akong masama.

"Try our Basketball team, malay mo ikaw pala ang susi para sa 1st championship ng Syntax Soldiers" sabi ni Hazel na kumikinang ang mga mata.

"Hoy!" napasigaw kami dahil may bigla na lang may nagsalita. Napalingon naman ako sa nagsalita at hinahampas na siya nung dalawa.

"Tsk. Raven Epal!" sabi ni Hazel at inirapan niya si Raven.

Oww.. Shete naman oh!! Nakalimutan kong dito nag-aaral ang kapatid ni Gian.

"Hi, Transferee ka?" may pagaalinlangan na tanong sakin ni Raven muka atang namumukaan niya ko. Awkward akong tumango sa kanya.

"Raven, Si Jourdan Bestfriend ko , Jm, Siguro kilala mo na siya, Si Raven kasi ang Team Captain ngayon ng Syntax Soldiers at medyo famous siya. Gwapings eh" sabi ni Mia

"You look familiar." at tinignan niya ko ng mabuti at biglang lumiwanag ang muka niya.

"Tama! Ikaw yung girlfriend ni Kuya Ashwin. Andito ba siya?"

"Wala! At please lang, wag mong sabihin sa kuya mong andito ko."

"Ok. Madali akong kausap no"

"By the way Raven, Nagresign daw yung coach niyo." tanong ni Mia.

"Oo. Nag-apply dun sa may St. Nicolas." parang may hinanakit sa tono ng boses niya.

"Bakit?" sabay na sabi nung dalawa at tinignan ako. Nagkibit-balikat ako.

"Naaksidente kasi yung coach nila at hanggang ngayon nasa ospital pa at sabi sa balita comatose daw." paliwanag ni Raven.

Nangyari yun nung bakasyon. Kakatapos lang ng training nila buti na lang wala na ko nun sa St. Nicolas.

"Hala, Jourdan! Alam mo na ba yun?" concern na tanong ni Hazel sakin.

"Bakit kailangan niyang malaman?" curious na tanong ni Raven. Tsk. Lagot sakin to si Hazel.

"Ha? Eh, Wala lang bakit ba!" sabi ni Hazel na medyo natataranta.

"Tsk. Wag na nga yan ang pagusapan natin!" iritadong sabi ni Mia para makalusot si Hazel.

"Pano si Kram lang naman ang gusto mong pagusapan" tukso ni Raven at tumawa siya. Pinagpapalo naman siya ni Mia.

"Sino si Kram?" mahinahon na sabi ko pero may pagbabanta sa tono ko kapag di niya sinabi.

"Ha! I'll explain!" depensa agad ni Mia.

I Love You, Coach!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon