Chapter 7

168 3 1
                                    

Jourdan's POV:

Pagkatapos ng kadramahan ko kagahapon balik kami sa intense training.

"Sige dikitan mo, itaas mo yang kamay mo" sabi ko sa isang bench player na bantay ni Kobe. Magkalaban kasi ngayon ang mga bench players at first 5. Kailangan ko din naman palakasin ang bench ko.

"JM! Lumabas na yung sched ng laban!" sigaw ni Mia sakin.

Active kasi tong si Mia bukod sa basketball kasama din siya sa newspaper team dito sa Syntax siya ang kumukuha ng picture buti na lang napunta siya sa mga sports.

Next week na kasi ang opening ng UAAP at hindi pa namin alam kung sino ang makakalaban namin. Siguro isa sa mga article ang sched ng mga laban

Binigyan niya ko ng kopya. Binasa ko at nanlaki ang mata ko. Alam kong magkakalaban din kami pero hindi ganto kaaga.

"St. Nicolas ang una natin makakalaban" sabi ni Mia.

"What!! St. Nicolas agad!" may lahi talagang kabute tong si Hazel eh pasulpot-sulpot na lang bigla.

Napatigil naman yung mga player dahil narinig yung usapan namin. Wala na ko nagawa pinalapit ko na lang sila.

"Next week the day after the opening sasabak na tayo sa unang game natin at ang una natin makakalaban ay ang SNA Knights." ramdam kong kinabahan sila pati rin naman ako.

"Makakalaban naman talaga natin sila, Napaaga lang. Alam kong kinakabahan kayo pero mas maganda na yun" tumango naman sila at pinag-Water Break ko muna sila.

"Hayy! Buti naman wala yung babaeng higad" sabi ni Kobe.

Nagtataka ko kung magkapatid ba si Kram at si Kobe kasi kung anong kinagentleman ni Kram siyang kinabastos ni Kobe.

"Coach, Alam kong gwapo ko pero huwag mo naman akong titigan" at nginitian ko siya ng sarcastic.

"Nagtataka lang ako ang gwapo naman ni Kram pero bakit ang panget mo?" at takang taka talaga yung mukha ko at inirapan niya lang ako at tumalikod. Natawa naman ako para kasi siyang bakla!

Hinabol ko naman siya at tinalon ko pa yung batok niya para maakbayan siya kaya medyo nakayuko siya at ginulo ko ang buhok niya.

"Joke lang." at tumatawa lang ako at siya naiimbyerna na.

"AYYIIIEEE!!!" sigaw ng buong team at nakatingin pala sila samin.

"Taray! Fixing a broken hearted ang peg?" hirit ni Hazel at pinokerface ko lang siya.

"Naku, Kobe huwag mong sasaktan yang si JM! Malalagot ka sakin" sabi ni Mia at nag-ayyyiee na naman sila

"Teka nga lang,Ayyiee ayyiie kayo dyan! Magsitigil kayo ah!" sabi ko sa kanila at tumingin ako kay Kobe.

"Magsitigil kayo kinikilig na si Kobe!" sabi ko at nagtawanan  kami at ayyiee pa rin ang buong team at si Kobe namumula at tinanggal niya yung braso ko sa leeg niya.

"Psh." at tumalikod siya samin.

"Pikon naman toh!" natatawa kong sabi pero di niya ko pinansin at diretso lang siya sa paglalakad.

"Oh siya! Tigilan na natin to. Naiinggit si Kram tsaka si Mia eh!" pagkasabi ko nun namula agad yung 2 at ang magaling kong team ay nag-ayyyiieee na naman.

Napa-iling na lang ako para kaming high school na nagtutuksuhan lang.

"Parehas kasing pakipot eh" komento ni Hazel at pinalo agad siya ni Mia at sinabihan ng "Che!"

Iniwan ko muna yung nagbabanasan kong team at nilapitan ko si Kobe na nasa bench.

"Oy, banas ka agad!" sabi ko sa kanya pero seryoso pa rin siya at di niya ko sinagot at tinitigan niya lang ako na nakakatunaw.

I Love You, Coach!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon