Chapter 40

91 0 0
                                    

Jourdan's POV:

Magkikita na kami ulit ni Kobe. Halos isang linggo ko din siyang hindi kinausap. Sinasanay ko lang yung sarili ko na wala siya sa tabi ko.

And I made up my decision. Tinawagan ko na yung Coach na tumawag sakin and I said yes. Irerelease ko na si Kobe sa team.

Pagkapasok ko pa lang sa cafe, tumayo na agad si Kobe nung makita ako. Mukang maaga siyang dumating.

"Thank God. Pumayag ka ding kausapin ako." Umupo na kami agad. Seryoso lang ako habang siya halatang mong alalang-alala na sa nangyayari.

"Ano bang pumapasok sa utak mo at ayaw mo kong pansinin?" Tanong niya agad sakin.

"Kinausap ko na yung Coach na nagaalok sayo sa UCLA. Pumayag na ko sa gusto nila. Maglalaro ka sa NCAA, Kobe." Sabi ko. Nalukot naman agad yung mukha niya.

"Ano?! Kaya ba iniiwasan mo ko? Wag mong sabihing hihiwalayan mo na ko." Hinawakan niya yung kamay ko. "Jourdan naman! Ok lang sakin di ako makapaglaro sa America eh huwag ka lang mawala sakin." Parang naiiyak niyang sabi.

"Kobe, hindi naman ako makikipaghiwalay sayo eh. Tayo pa din naman kahit pumunta ka pa ng states." Sabi ko.

"Eh bakit mo ko iniiwasan?" Tanong niya.

"Sinasanay ko lang yung sarili ko kung wala ka na." Pagkasabi ko nun pinitik niya ko sa noo.

"Aray ah!" Angal ko. Hinaplos-haplos niya muna yung noo saka hinalikan.

"Bakit ka ba nagdedesisyon mag-isa sa pag-alis ko? At imbis na sulitin natin yung mga araw na magkasama tayo iniwasan mo pa ko." Pagalit niya sakin. Nagpout lang ako sa kanya.

"Ayos lang ba talaga sayo na umalis ako?" Seryoso niyang tanong .

"Oo naman. Narealize ko na pwede naman maging tayo habang tinutupad mo yung pangarap mo. Masyado lang ako paranoid at saka sabi dun sa binabasa kong libro. True love allowed each person to follow their own path knowing that they will never lose touch with their Soulmate."

"Edi True Love na pala to?" Tanong niya sakin.

"Bakit hindi pa ba sayo?" Response ko agad. Napaisip pa siya. Hinampas ko tuloy siya. Tumawa naman siya agad.

"Joke lang. Higit pa sa true love ang nararamdaman ko para sayo."

"Ang corny niyo!" Singit nung babaeng nasa likod namin.

"Sorry, inggit lang yan." Sabi nung kaibigan niya.

Natawa na lang kami ni Kobe.

-----------

Sa susunod na araw na ang alis ni Kobe papuntang LA. Kesa magmukmok ako pumunta kami ng Star City! EK sana kaso malayo daw.

"Selfie!" Sabi ko agad. Nakagawian na namin ni Kobe magpicture lagi. Feeling ko parehas na kami nagiging vain.

"Ang panget ko dyan burahin mo." Sabi ni Kobe. Sabi ko sa inyo vain siya eh.

"Eh maganda ko dyan eh" sabi ko. Sorry mas vain ako.

Wala na siya nagawa. So, yun naglaro muna siya ng Basketball dun sa labas at nanalo kami ng malaking teddy bear!

Sunod nun pumasok kami kay Peter Pan. Wala lang. Naglakad lakad lang kami. Nilamig lang ako sa loob at nagakapan lang kami. Ayos lang magPDA. Konti lang naman yung tao eh.

Sunod naman naming ginawa eh sumakay sa rides. Una sa may wild river, sunod sa Star Flyer tapos ngayon nasa Star Frisbee kami.

"Waahhhh!!!" Sigaw namin parehas habang magkaholding hands.

I Love You, Coach!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon