Chapter 13

150 3 0
                                    

Raven's POV

Umuwi na ko sa bahay kesa naman marinig ko yung mga tili ni Hazel at para makaiwas na din sa mga palo niya.

Nakaupo ako ngayon sa sala. Wala pa sila kuya kaya solo ko to ngayon Siguro naguusap pa yung team nila tungkol kay Jourdan.

"Raven!" napatingin naman ako sa kuya kong galit na galit na lumapit sakin at hinawakan yung damit ko dahilan para mapatayo ako.

"Bakit hindi mo sinabi sakin na si Jourdan ang coach niyo!" galit niyang sabi tinulak ko siya.

"Ano naman sayo" halatang nagulat siya ng tinulak ko siya.

"Eh g*g* ka pala eh!" at sinuntok niya ko.

"Ako pa to g*g* eh kayo nga tong nang g*g*" at sinuntok ko din siya.

"P*t* Raven wala kang alam!" at nagsusuntukan na kami at yung mga maid nagpapanic na at pinipigilan kami.

"Gian, Raven!" napatigil kami ni Kuya ng marinig namin ang boses ng tatay namin.

"Ano ba! hindi na kayo mga bata para magaway ng ganyan" sabi naman ni Mama.

"Sorry." sabay naman sabi kila Mama.

"Huwag kayong magsorry sakin. Magsorry kayo sa isa't isa" utos ni Mama samin.

"Sorry" sabi namin sa isa't isa.

"Oh, magyakapan na kayo kung hindi wala kayong allowance!" banta ni Papa kaya ginawa na namin kahit labag sa kalooban namin.

"So nice naman ng mga anak ko. Kiss naman" sweet na sabi ni Mama.

"Ma!" angal namin. Kadiri kaya.

Napatawa na lang sila at dumiretso sa taas. Binalingan ko naman yung maid.

"Pakisabi na lang pumunta ko kila Kram dun kamo ko matutulog" at umakyat na ko.

"Raven" mahinahon na tawag sakin ni Kuya pero diretso pa rin ako.

-------------

Ashwin's POV:

Para kong tangang nakaupo dito sa lapag ng court sa gym namin. Siguro galit na galit na sakin ngayon si Jourdan. Napatawa na lang ako ng mapakla.

P*t* naman!  Kahit anong tanggi ko sa sarili ko mahal ko pa rin si Jourdan. Ang hirap makita siya nasa ibang team. Wala eh para sa kanya din naman.

(Flashback)

Kakatapos lang namin magpractice ng team at pinaiwan ako ni Coach may sasabihin daw siya sakin.

"Ashwin, gusto kong hiwalayan mo si Jourdan" nagulat ako sa sinabi niya.

"Coach naman. Bakit? May ginawa ba kong masama? Hindi ba maganda ang performance ko kanina?" naguguluhan kong sabi at umiling lang siya.

"Jourdan really has the talent. Gusto kong gumawa na siya ng pangalan niya at magsolo. Hindi yung palagi na lang siya nasa side ko at ikaw ang magtataboy sa kanya" umiling ako sa kanya.

"Co.." pinutol na niya ka agad ako.

"Kung mahal mo talaga si Jourdan, gagawin mo ang sinabi ko" at tinapik niya ko sa balikat at umalis na siya.

Naisip ko rin na pangarap talaga ni Jourdan na magcoach ng sarili niyang team lagi niya yun sinasabi sakin pero wala siyang lakas ng loob lumayo sa tito niya.

Dahil dun kinausap ko yung team. Hindi naman kasi mapapaalis si Jourdan na dahil lang sakin. Sinabi ko sa kanila yung tungkol kay coach at sa plano ko.

I Love You, Coach!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon