Chapter 21

167 2 0
                                    

Hazel's POV:

Balik pasukan na naman! Hay! Part of me was sad dahil gigising na naman ako ng maaga but part of me was happy dahil makikita ko na ulit si Caizer!!!

And speaking of Caizer, kakausapin ko siya ngayon. Hindi kasi pwedeng iwan ko lagi yung practice ng team kaya magpapaalam ako sa kanya kung pede ilang oras lang ako magprapractice.

"Caizer!" Tawag ko sa kanya. Walang kuya. Close kami ano ba!

"Ano yun?" Gosh, napakahirap ng gagawin ko. Babawasan ko ang oras na makakasama ko siya. "Uy!" Hindi ko na nahalata na medyo natulala na naman ako sa kagwapuhan niya.

"Ahh.. Kasi ano.. Ahmm.. Pwede bang medyo bawasan yung oras ng practice ko. Kasi ano, hindi ko naman pedeng iwan yung basketball team."

"Sige. Basta still practice the songs." Tumango-tango naman ako.

"Caizer! Caizer!" Natatarantang pumunta samin si Jamie.

"Bakit?" Parehas kaming kinabahan sa reaksyon niya.

"Si Zac nadulas dun sa may hagdan. Nagi-iskateboard kasi. Nabalian tuloy siya ng buto"

"Ano! Asan siya?"

"Dinala na sa ospital."

"Tsk. Pano yan?" Sabi ko. Si Zac kasi ang gaganap bilang Troy sa play.

"Magpatawag ng meeting. Ngayon na!" Utos ni Caizer.

Nagtipon-tipon kami kasama ang mga artista at singer. Ang malas namin umpisa pa lang ng taon may naaksidente na agad. Pero okay na yun kesa naman maaksidente kung kelan malapit na.

"Alam niyo na yung nangyari kay Troy at mukang matagal bago siya makarecover." Panimula ni Caizer. "Kailangan natin makahanap ng bagong Troy. We need it as soon as possible."

"Wala na bang ibang nag-audition para sa role na Troy" suggestion ng isa samin.

"Unfortunately, sumakto ang mga nag-audition na lalaki sa play." Si Jamie na ang sumagot.

"I have a suggestion" sabi ni Trixie at tumayo siya. Bat parang kinakabahan ako sa sasabihin nitong higad na to.

"Hazel will help us. Hindi naman masama kung hihingi tayo ng konting tulong sa basketball team di ba?" At tumingin siya sakin at ngumiti. "You'll help naman di ba?"

Napatingin naman sila saking lahat. Bwisit tong higad na to basta para ikalalapit niya sa basketball team ang bilis paganahin ang utak! Sh*t may utak pala siya.

"Ano? Maasahan ka ba namin?" Tanong ni Jamie sakin. Ano ba naman yang tanong na yan.

"Ha? Eh. Kasi.." Pinutol ni Caizer ang sasabihin ko.

"Please."Putek naman oh bat ganyan siya makatitig?!

"Okay, hintayin niyo ko" unti-unti naman napangiti si Caizer. Gosh! My heart is melting.

"Go Girl!" Bigla na lang ako nabadtrip ng marinig ko yung babaeng higad na yun! At nginisian pa ko.

Bakit hindi na lang siya yung nalaglag sa hagdan?!

---------
Jourdan's POV:

Katulad ng nakagawian namin ni Mia. Nagpapakahirap ang team habang kami nagchichikahan.

Katulad ko nagkaroon din siya ng regalo mula sa unknown sender.

"Hindi kaya si Kram yun?" Hinala ko.

"Siguro, wala naman kasing magreregalo ng christmas gift na New Year na di ba?" Tinignan ko naman siya ng 'Uy Umaasang' look.

"Tigilan mo nga ako sa ganyang tingin!" Irita niyang sabi. Natawa naman ako pero naging serious ulit kami.

"Eh ikaw? Sigurado ka bang si Ashwin nagbigay nun." Nagkibit-balikat lang ako. "Ano naman kung siya yung nagbigay nun? For sure, nakokonsensya lang yun."

"Hmm.. Nakokonsensya nga ba o he's still care?"

"Ewan, hindi ko alam. Ang weird niya kasi nung dati kinomfort niya ko tapos naging cold siya tas ngayon niregaluhan niya ko. Putek naman! Laro ba to?!" Unti-unti naman lumalakas ang boses ko kaya napapatingin yung mga player.

"Uy JM, kalma nga! Uso ang mag-iwan ng sama ng loob ngayong New Year."

"Sorry, hindi ako nakikisunod sa uso eh"

"Joouurdann!!" Kahit nasa labas pa lang yung sumisigaw alam ko ng si Hazel yun and I'm right ito siya ngayon inaalog ako.

"Ano ba!" Irita kong sigaw sa kanya, tumigil naman siya.

"Umayos ka bad trip si JM ngayon" banta ni Mia sa kanya. Sinamaan ko naman siya ng tingin at nagpeace sign naman siya.

"Problema mo ba?" Irita kong sabi.

Kwinento niya yung pagkadapa ni Zac hanggang sa hypnotizing please "daw" ni Caizer.

Hmm.. Kung iisipin talaga si Kram talaga ang fit para dun kasi medyo kumakanta siya pero alam naman nating may Hidden Desire si Trixie kay Kram.

"Sige, ibibigay ko si Raven" sabi ko.

"Bakit hindi si Kram?" Sabi ni Mia

"Gosh, nagkakalabuan na nga kayo tas gusto mo pa siyang ilapit kay Trixie!" Pinapagalitan ko na naman si Mia. Umiling-iling naman ako at tinignan ko yung team.

"Water break!!" Sigaw ko sa kanila at tinawag ko si Raven. Lumapit naman siya at dahil likas na chismoso si Kobe sumunod din siya.

"Ba--" hindi pa natatapos mag-salita si Raven hinatak na agad siya ni Hazel.

"Anong meron dun?" Tanong ni Kobe. Di na lang namin siya pinansin.

------
Hazel's POV:

"Huy, san mo ba ko dadalhin ha?" Tanong ni Raven.

"Basta!" Matino din pala tong kausap. Hindi na umangal hanggang sa dumating kami sa Auditorium.

"Anong gagawin ko dito?" Takang-taka niyang tanong.

Binuksan ko na ang pinto at parang nagliwanag ang mga mukha nila ng makita si Raven.

"Hazel" lumapit sakin si my loves.

"He will be the replacement for Zac"

"Ano!" Gulantang na sabi ni Raven.

"Please, napag-usapan na namin ni Jourdan, Sorry." Nakayuko kong sabi. Alam kong banas siya ni hindi ko man lang kasi kwinento bigla ko na lang siya hinitak.

"Thank you" sabi ni Caizer pero tinitigan lang siya ni Raven.

"I'll do it" napangiti naman ako! Gusto ko siyang yakapin kaso andito si Caizer eh. Baka mag-selos!

"But I have one condition" lahat kami napakunot ang noo. Hay Naku Raven! Ang arti!

"Ano?" Tanong ni Caizer bigla naman tumingin sakin tong si Raven at binalik ulit kay Caizer

"Gusto ko si Hazel ang partner ko. Wala ng iba" napapanga naman ako sa sinabi niya. Sh*t, a-ako?

"Hazel or nothing" ngiting pusa ang loko!

Pero Oh my gosh, Ako na ba talaga si Gabriella?! Well, mas maganda naman talaga ko kay Trixie kaya mas bagay ako dun. Pero wait, papayag kaya si my loves?

"Sige. Si Hazel na ang bagong Gabriella"

Its me na!!! Feel na feel ko na ang pagiging Vanessa Hudgens but wait? Ang Zac Efron ko si Raven. Yay, Its eewweee!!!

I Love You, Coach!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon