Chapter 23

137 2 0
                                    

Jourdan's POV:

Game day!!!! Kalaban namin ngayon ang Noble University na ka-tie namin sa 2nd place sa standings at last 2 games na lang pilian na ng Final 4! Kapag napanalo namin ang last 2 games may twice-to-beat advantage kami pero kahit 1 panalo lang pasok na kami kaso pag-natalo kami ng 2 beses medyo tagilid na kami nun.

Anyways, isa si Romeo sa mga player ng NU at halos 2 araw na ding magka-away si Kram at si Mia. As in parang strangers sila ngayon! Well, sinabi na samin ni Mia yung nangyari sa kanila. Ang masasabi ko lang parehas silang tanga at manhid. Pinsan kaya nila Kram yung babae nung nakaraan! Nakwento ni Kobe. Late kasi ang mokong! Di tuloy napigilan si Mia.

Sana naman hindi maapektuhan ang tampuhan nila ang laro ni Kram. We need to win! May dapat pa kaming talunin.

Nagsimula na yung laban. Isa si Romeo sa mga starters at medyo pambanas pa ko dahil si Kram ang pinili kong bantay niya. Wala naman siyang ginawang nakakasakit laban kay Romeo.

Maganda ang laban. Halos gitgitan lang kami ng score. Wala nga lang sa mood si Kram. Wala pa siyang points at isang rebound pa lang ang nagagawa niya. Unlike Raven, siya ata ang top scorer ngayon sa game. Inspired ata ang lolo mo! Pansin ko mas close na sila ni Hazel ngayon. Luma-loveteam lang.

Natapos na ang 1st half ng laban. Lamang kami ng lima. 46-41. Medyo nahirapan kami. Magaling ang NU pero mas magaling kami. Syempre sino pa ba maniniwala sa team namin kundi ako na kanilang coach.

------
Kram's POV:

Lumabas muna ko sa locker room namin para makaiwas muna kay Mia. Medyo awkward pa din kasi.

Pumunta ko sa wala masyadong tao. Gusto ko ng katahimikan sa buhay kaso imbis na makahanap ako ng kapayapaan lalo pa ko nabanas.

Nakita ko si Romeo may kasamang babae at ang g*g* sayang-saya sa buhay niya. May hawak hawak pa ng kamay. Pero teka lang, Pano si Mia? Masasaktan yun pag-nalaman niya to. G*g* ka talaga Romeo! Gusto ko siya sugurin kaso baka ma-eject ako sa game. Bwisit!

Bumalik na lang agad ako sa locker room since malapit na matapos ang half time. Naupo lang ako sa tabi at napatitig na lang ako kay Mia na kausap ngayon ni Hazel. Kaya ko bang makitang nasasaktan ka?

"Miss mo na noh!" Biglang sulpot ni Jourdan sa tabi ko. Nginitian ko lang siya.

"Di maganda ang laro mo. Distracted ka?" Seryoso siya. Nagsasalita siya ngayon bilang Coach.

"Sorry." Yan lang ang nasabi ko. Tinapik naman niya ko sa balikat.

"Pag-tapos ng game mag-usap kayo." At umalis na siya. That's what I like about Jourdan, she's not only my coach but she's also my friend.

Magsisimula na yung 3rd Quarter ng kumaway tong si Mia kay Romeo at ang lawak pa ng ngiti niya ah. T*ng *n* niloloko ka lang niyan. Biglang uminit yung ulo ko.

Samin ang unang possesion ng bola. Naka-tres ka-agad si Josiah. Umangat sa 8 yung lamang namin. Ako ang bantay ni Romeo. Pinasa sa kanya yung bola at ishu-shoot niya pero binutata ko kaso napalakas yung palo ko at sa pulso niya tumama. Na-foul tuloy ako bwisit! Pero imbis na mag-sorry ako binangga ko pa siya.

Nang sa kanila ulit ang bola at siya na naman ang mag-shushoot napatid siya sa katawan ko at bumagsak siya sa lapag.

Tumayo siya agad at tinulak ako.

"Ano bang problema mo ha!" Galit niyang sabi. Tinulak ko din siya.

"Ikaw! G*g* ka! Niloloko mo si Mia!" Galit ko ding sigaw sa kanya. Inismirkan niya lang ako. Nasapak ko nga.

I Love You, Coach!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon