Chapter 5

226 2 0
                                    

Jourdan's P.O.V:

"Gusto kong talunin si Ashwin"

kinunutan ko lang siya ng noo.

"Jourdan, Sa buong buhay ko Eto lang ang malinaw na gusto kong gawin." ramdam kong yung eagerness niya pero bakit?

"Bakit? Bakit gusto mong talunin si Ashwin?"

"Siya kasi yung hindi ko matalo-talo simula pa ng bata ako"

"Magkakilala kayo ni Ashwin? As in personally?" nagugulat ako sa mga revelation niya ah.

"Yeah, Bata pa kami nun nasa iisang village lang kami at dahil mas bata ako sa kanila saling-pusa lang ako kapag naglalaro sila ng basketball at siya yung laging kakampi ko ramdam ko na hindi naman talaga ko kasali dahil lahat ng atensyon nila na kay Ashwin kaya nung tumanda na ko ng konti lagi ko siyang hinahamon pero sabi ko nga diba hindi ko siya matalo-talo. Actually, Tuwing umuuwi ako galing sa States hinahamon ko siya pero hindi na niya tinutugon yun."

"Woaahh.. Ikaw pala yun. Ikaw yung sinasabi niya na balang-araw makakatalo sa kanya that's why I trained him" Tadhana nga naman oh.

"Coach please. Itrain mo ko na katulad ng kay Ashwin.Please."

Huminga ko ng malalim.

"Sige, but before that makipaglaban ka muna kay Ashwin. Tignan natin ang makakaya mo. Manunuod ako ng palihim." Tinignan ko yung relo ko.

"8:00 na. Tapos na din yung training nun. Tawagan mo siya. Eto yung number niya oh." Inabot ko sa kanya yung cellphone ko. Hindi ko dinelete yung number niya kasi kabisado ko din naman walang kwenta din.

"Wag mong magamit-gamit yang cellphone kong pantawag kukutusan kita. Oh siya, magpapaalam muna ko dun sa dalawa." at iniwan ko na siya.

------

Pumayag si Ashwin na makipagkita kay Kobe at sa dinami-dami ng court dito pa ulit. Katulad pa rin ng dati walang pumupunta dito. Kami lang. Medyo malayo ako sa kanila pero tanaw ko pa naman sila.

"Pabilisin natin to, Pagod ako sa training. Kapag nakashoot ka panalo ka na kapag nakashoot ako ng 5 panalo ko." medyo cold na sabi ni Ashwin. Bad Mood?

"Hindi ba masyadong madali yun para sakin?" reklamo ni Kobe.

"Hindi yun kasing dali ng inaakala mo. Umpisahan na natin to." pinasa na niya kay Kobe ang bola.

"Ikaw na mauna" sabi ni Ashwin.

Nagdribble na si Kobe. Tinatansa niya kung san siya lulusot pero halos lahat ng galawan niya bantay sarado siya ni Ashwin. Sinubukan ishoot ni Kobe ang bola kaso nablock agad siya ni Ashwin.

Napunta na kay Ashwin ang bola mabilis siyang nakalusot kay Kobe at nakashoot.

Sinubukan magfake ni Kobe kaso hindi kinagat ni Ashwin kaya tinuloy na lang niya ang pagshoot kaso sablay.

"Eto ang magandang fake" sabi ni Ashwin. Ishu-shoot ni Ashwin ang bola at hindi sinubukan iblock yun ni Kobe dahil nga daw fake yun pero tinuloy ni Ashwin ang pagshoot. at nakaka-2pts na siya.

Katulad ng inaasahan ni Ashwin. Nanalo siya at hindi nga nakashoot si Kobe.

"Humina ka ata ngayon Kobe ahh o sadyang lumakas lang ako. Palakas ka pa. Bawi ka na lang next time" at tinapik ni Ashwin ang balikat ni Kobe at nilayasan na niya ito.

Medyo nagtago ako dahil tumigil siya kung saan ako umiyak dati.

"Eto na ang huling punta ko dito Jourdan" at may nilapag siya dun sa may upuan at tuluyan na siyang umalis.

I Love You, Coach!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon