Chapter 29

94 2 0
                                    

Jourdan's POV

Alam ko na medyo awkward to pero I don't care. I want to cry! Wala akong pakielam kung si Ashwin man tong katabi ko.

My tito is dying!! Ayoko siyang mamatay! Siya yung naging tatay ko nung iniwan kami ni Mama ng magaling kong ama.

Nag-vibrate yung cellphone ko. Agad ko naman tinignan yung message baka si tita yun. Pero hindi galing kay tita ang text. Its from Kobe.

"Everything will be fine. Trust G."

I smiled. Kobe never fails to comfort me. Yeah, I just need to trust God that my Tito will be alright.

Lahat ng nasa van ay halos tahimik lang. Siguro kaya hindi nila ko kinocomfort kasi kailangan din nila yun ngayon.

"Guys, let us pray that nothing will happen to Tito." Sabi ko.

Sinunod naman nila ko katulad ko gusto din nila umiyak pero ayaw nila.

Hindi na namin napansin yung sobrang bilis ng pagpapatakbo ng van dahil pagtapos namin magdasal andito na kami agad sa ospital.

Bakit kaya hindi ako tinawagan ni tita? No, No, No, don't think negative Jourdan!

Napatakbo na kami lahat sa kwarto ni Tito. Pagbukas namin ng pinto bumungad samin ang mga lobo?

"Surprise!" Sabi ni Tita at ni TITO!!!

Napanganga kaming anim. Hindi namin alam kung maiinis o matutuwa kami sa prank nila.

"Coach!!" Agad naman sumugod yung apat kay Tito at niyakap. Naiwan kami ni Ashwin dito sa tapat ng pinto.

Yung kaninang luhang pinipigilan nila eh ngayon ay nagsitulo na.

Napangiti naman ako na medyo teary-eyed. Mahal talaga nila si Tito at ewan siguro minahal din naman nila ko kahit papaano di ba?

Tinignan ko si Ashwin at nagulat ako dahil nakatingin din siya sakin.

"Jourdan, Ashwin!" Tawag samin ni Tito. Napaiwas naman kami agad ng tingin sa isa't isa.

"Kayo na ulit?" Tanong ni Tito at kumunot pa yung noo niya.

"Hindi po Tito!" Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"I miss you so much" bulong ko sa kanya at humiwalay na ko sa pagkakayakap.

"Bakit hindi niyo po sinabi kaagad sakin?" Humarap ako kay Tita at nagpout pa.

"Alam ko kasing may laro ka ngayon ayoko namang guluhin ka." Sabi ni Tita. Nginitian ko naman siya. Ayoko naman manira ng moment.

"Talaga Jourdan! So, Naglalaro ka na ngayon?"

Surprised na tanong ni Tito. Medyo slow din eh.

"Hindi Tito! Nagco-coach po ako sa SU ngayon at pasok na po kami sa Finals!!" Masaya kong ibalita to kay Tito. For the first time nakaabot ako ng Finals. On my own.

"Oh really?! Congrats! Nagbunga din pala" sabi ni Tito. Masaya ko kasi masaya siya kahit sa SU ako nag-coach.

"Thank You Tito, the best kasi ang mentor ko eh" at kinindatan ko pa siya.

Pero teka lang, parang nanahimik yung 5 dito oh!

--------
Raven's POV:

Nandito kami ngayon sa may restaurant para icelebrate yung pagpasok namin sa Finals pero nag-aalala din kami kay Jourdan baka napano na yung tito nun.

Napansin ko si Kobe na panay labas at tago ng cellphone niya. Panay tingin kung may nagtext.

"Bakit aligaga ka dyan?" Tanong ko sa kanya.

"Wala. Nag-aalala lang ako sa Tito ni Jourdan"

"Weh? O baka nag-aalala ka kasi kasama niya si Ashwin" singit ni Hazel. Katabi siya ni Kobe at ako pinagitnaan ako ng magkapatid na Perez.

Sasagot sana si Kobe kaso nag-vibrate yung cellphone niya at yung akin din galing kay Jourdan ang text nung akin.

"Hey! Gising na si Tito at prank lang ni Tita yung kanina. Try ko makasunod. Thanks Guys!"

"Uy Guys, gising na daw Tito ni Jourdan" sabi ni Hazel samin.

"Kakabasa nga lang namin" sarcastic na sabi ni Kobe. Disappointed kasi GM yung pinadala sa kanya.

"Awtsu. GM pala yun"  sabi ni Hazel with matching pout pa.

Napangiti naman ako sa reaksyon niya.

"Gusto mo na siya ulit?" Bulong sakin ni Kram.

"Hindi ah" sabi ko. Nagkibit-balikat na lang si Kram.

Yeah. Nagkagusto na ko kay Hazel. Unang kita ko pa lang sa kanya pero naturn-off ako agad. Ang kulit at ang ingay niya kasi and we only end up as friends.

Pero hindi ko talaga siya mahindian. Natuto ko mag-gitara dahil sa kanya. Lagi kasi sa bahay ang workplace namin kapag may project. Unang punta nila naghahanap siya ng gitara sa bahay at hindi ko alam kung bakit kinabukasan bumili agad ako.

Nung hindi pa dumadating si Mia lagi kami ang partner kapag may groupings pero walang something dun.

At sa play kahit ayoko pumayag ako at dun nagbago ang lahat. It turns out na hinahanap ko yung kakulitan niya at yung ingay niya.

Paminsan minsan kasi si Caizer lang ang kinakausap niya. Nung una akala ko naiinis ako pero yeah alam niyo na yun.

At tama rin nun si Jourdan. Binili ko talaga yung tickets sa concert ni Ed para samin.

"Hi Guys!" Bati ni Caizer samin. Wait bakit siya nandito?

"Sorry for interruption pero kailangan ko lang ng interview sa inyo para sa newspaper natin" paliwanag niya.

"Sure! Gusto mo sumabay ka na din samin kumain" sino pa ba mag-sasabi nun kundi si Hazel

"No, Thanks. Kailangan ko lang ng article talaga."

"Ito naman. Sige na, I insist." May hawak hawak pa sa kamay tong si Hazel. Hindi talaga siya pang Maria Clara.

"Dito ka na maupo oh!" Sabi ni Kobe na nakangiting pusa sakin at lumipat siya sa tabi ni Josiah. Pambanas talaga to kahit kelan eh.

Nag-tanong si Caizer ng mga pangkaraniwang tanong. Anong pakiramdam na nakapasok kami sa Finals. Tinanong din niya kung may mga special someone kami. Syempre active dun si Kram at si Thom.

Tinanong din niya kung nasan si Jourdan at pagtapos nun si Caizer naman ang ininterview ni Mia.

"Ikaw Caizer, may special someone ka na ba?" Tanong ni Mia at tinitigan naman siya ng masama ni Hazel.

"Gagawan niyo din ba ko ng article?" Biro niya.

"Ito naman. Sige na, oo o hindi lang. Hindi ko na itatanong kung sino" pilit ni Mia. Napatawa naman si Caizer.

"Yes, I have pero hindi pa niya alam at sana huwag naman niya kong bastedin." At tumingin siya kay Hazel at ngumiti. Nakita ko namang namula siya.

Si Hazel ba yung tinutukoy niya? What the! Wala na kong laban. Maybe it's time to let go.

I Love You, Coach!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon