Prologue: K.S.A.I

32 0 0
                                    

Asher POV

"AHHHHH!!!!" Napatayo kaagad ako habang habol yung hininga ko... Napapitlag ako ng makarinig ako ng tawanan...

'Shit nasa klase pala ko.'

"Sige tumawa kayo mamaya tatanggalan ko kayo ng mga ngipin." Dahil dun nagsitahimikan sila...

'Aba seryoso ako... Tignan nyong muntik na 'kong bangungutin tapos tatawa-tawa pa sila... Naglakad ako at napapikit ako ng maramdaman ko yung init ng araw na sumasalubong sa muka ko...

"SINONG MAY SABING SUMIGAW KA?!" Kinutkut ko pa yung loob ng tenga ko gamit ang hinliliit ko dahil sa sigaw ni MaamJudith atyaka ko inamoy yun.

'Mhhhmmm bango paamoy ko nga 'to sa kanya.'

"Wala po Maam." Humihikab ko pang sagot habang nag-i-Istretching.

'Para palaging malakas ang buto at muscle.'

"Anong wala po maam?!" Tamo to teacher hindi makuha yung sinabi ko.

"Wala pong nagsabi sa 'kin na sumigaw ako." Dahil sa sinabi ko nag tawanan ang buong klase at napatahimik lang sila ng hampasin ni maam ng pagkalakas lakas  yung teachers table gamit yung kamay nya.

'Sakit lang ng kamay abot nya nyan.'

"Pilosopo ka talaga no?!" Umiling-iling ako.

"Tinanong mo 'ko kung sino yung nagsabing sumigaw ako, sinagot kita na wala. Syempre walang nagsabi sa 'kin dahil tulog ako at kagigising ko lang. Walang problema sa sagot ko, pangunawa mo lang 'yun at wala na 'kong pakielam dun." Halos magpalakpakan silang lahat dahil sa sinabi ko na labis na humaplos sa puso ko.

'Bibihira ako palakpakan ng mga hinayupak na 'to.'

'Dyan ata ko magaling sa pagdedebate.'

"Inistorbo mo na ang klase ko at ngayon binabastos mo pa 'ko!"

"It's not my fault."

*Evil smile*

"WWOOOOOO ENGLISH 2.0!"

"Iba talaga si King!"

"Shatup!" Mas lalo silang natawa ng isigaw ko 'yun na may halong panggagaya sa accent ni maam Judith.

"Get out!" Kaagad kong binitbit yung bag ko at naglakad pero huminto ako sa harap nya at kitang-kita ko yung muka nyang pulang-pula.

"Namumula ka ah, kinikilig ka siguro sa 'kin." Napatakbo ako ng initya nya sa 'kin yung librong pagkakapal-kapal.

'Hindi na bago sa 'kin yung mga ganyang eksena.'

'Expert at immune na 'to men!'

Halos lahat ng nadaraanan kong room na mayroong tahimik na nagkaklase ay napapatingin sa 'kin.

'Mainggit kayo mauuna kong umuwi senyo takits na lang bukas batchmates.'

"Akin na 'to." Wala ng nagawa yung babae nung agawin ko mula sa kamay nya yung inumin nyang galing canteen.

'Wala kong pambili neto kaya hablot na lang.'

"Mukang pinapauwi ka na naman ng maaga ah?" Natatawang tanong nung gwardya habang binubuksan yung gate.

"Anong gusto mo mag-stay ako dito kasama ka?" Sarkastiko kong sabi at kaagad lumabas.

'Nakita na mang-aasar pa.'

Tinanaw ko pa yung pinanggalingan ko at napangiti ako ng makita ko yung mga estudyante na purong mga seryoso sa mga tinuturo sa kanila.

'Sige galingan nyo balatuan nyo na lang ako kapag ubod na kayo ng mga yaman, NYAHAHAHAHAHAH.'

King student and I [COMPLETED]Where stories live. Discover now