K.S.A.I: CHAPTER FORTY ONE

1 0 0
                                    

Hosea POV

"Hindi karin ba makatulog?" Medyo nagulat ako dahil sa biglaang pagsulpot ni Winona sa tabi ko at habang may hawak na isang tasa at inabot 'yun sa 'kin.

Medyo naiilang ako dahil sa ginagawa n'ya ngunit kinuha ko 'yun at nakitang kape 'to.

"S-salamat sa pagligtas n'yo kay Asher." Nahihiya kong sambit sa kanya.

Kung hindi dahil sa kanila, may masama ulit na nangyari kay king beki.

"Ikaw ang sinisisi ko kung bakit nangyari sa kanya 'yan."

Tugdug.tugdug.

Lunok!

Hindi ako nakapagsalita at napayuko na lamang dahil....

Tama s'ya.

"Pero nangyari na, ang bagay na lang na magagawa natin ay mag-intay." Tama, mag-intay kung kailan s'ya gigising.

At bantayan upang protektahan habang hindi pa 'to gumigising.

Tumayo s'ya ngunit nanatiling nakatalikod sa 'kin.

"Kung gising lang s'ya at malaman n'ya ang ginagawa mo ngayon, siguradong mababakla 'yon." Natatawang sambit nito bago tuluyang iwan ako at maglaho sa dilim.

Ininom ko yung kape at inilapag 'yon sa mesa pagkatapos ay tinungo ang kwarto kung sa'n ko makikita si king beki.

Hanggang ngayon nanghihina parin ako t'wing nakikita ko parin s'ya na nakahiga at nakapikit.

Ramdam na ramdam ko ang kirot sa puso ko na para bang nilalamutak ng kung ano 'to.

Nang maisuot ko ang dapat na isuot pumasok kaagad ako sa loob ng isa pang kwarto kung sa'n nando'n si Asher.

Kinuha ko ang isang upuan at umupo matapos mailagay 'yon sa tabi ng kama n'ya.

Ramdam na ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko ng hawakan ko ang kanang kamay nito.

"P-pasalamat ka at nag-aral ako ng self-defense at dahil do'n hindi lang sarili ko ang naprotektahan ko kundi pati narin ikaw." Mahina kung sambit na sapat lamang upang kami lamang ang makarinig nito.

Napatingin ako sa maamo n'yang muka at napangiti.

"H-hindi ko kayang ibigay 'to sa 'yo ng gising ka, kaya ngayong wala kang malay nalang." Kaagad kong kinuha sa bulsa ko ang isang box at napangiti ng mapait dahil do'n.

Tumayo ako at kuminang ng bahagya sa dilim 'yon ng ilabas ko 'yon sa box nito.

"M-meow couple necklace 'yan, b-binili ko 'yan para sa 'tin." Gumagaralgal kong sambit.

Sobrang sakit isiping ang araw ng pagbili ko nito ang araw na pinaghandaan mo.

Ang araw na espesyal sa 'ting dalawa.

Ang araw na liligaya ka sana.

At.

Ang araw na rin 'yon..

Ang nakalimutan ko.

Yun din ang araw.

Na nangyari 'to sa 'yo.

"T-tignan mo oh bagay na bagay sa 'yo." Sabi ko matapos kong maingat na isuot 'yun sa leeg n'ya.

"Alam mo ba na kapag ang taong mahal mo o minamahal mo ang nagsuot sa 'yo ng kwintas ang pagmamahalan daw ay magtatagal at panghabambuhay."

"Kayat gumising kana d'yan ng maisuot mo narin sa 'kin 'to." Pinunasan ko muna ang mga luha kong patuloy parin sa pagbagsak at inilapit ko ang muka ko at binigyan s'ya ng isang halik sa noo.

King student and I [COMPLETED]Where stories live. Discover now