Asher POV
Dismiss
Dismiss
Recess
"King okay ka lang?" Tanong ni Jansen sa 'kin.
Ayoko na silang istorbohin at maabala pa.
"Oo nga kanina ka pa wala sa sarili may problema ba?" Umiling lang ako at naupo na sa upuan at katulad kahapon nakabibinging katahimikan dito sa loob ng cafeteria.
"Hindi ako gutom kayo na lang." Hindi pa sila pabor sa sinabi ko pero wala na din silang nagawa at iniwan na 'ko dito sa puwesto namin para bumili ng makakain nila.
Ano batong pagsubok na nangyayari sa 'kin?
Sa'n na 'ko titira? Ilang oras na lamang at ilang subject na lamang mag-uuwian na, nasapo ko nalang ng dalawa kong kamay ang muka ko dahil sa kakaisip sa mga bagay na dapat kong pagtuunan ng pansin.
"Sa'n yung hayop na 'yun?!"
"Winona alam mo namang bawal mag-ingay dito sa cafeteria."
"Wala kong pakielam Neo ang tinatanong ko kung nasan ang King na 'yun?" Kahit narinig ko 'yun hindi ko na pinansin 'yun, hay walang katapusang problema na mahirap solusyonan.
Nakarinig din ako ng bulong-bulungan at tanging paglutang lamang ng isip ko ang nagaganap ngayon pero naririnig ko parin naman yung mga 'yun kahit papano.
Napatayo kaagad ako sa gulat ng biglang may maramdaman akong malamig na kung ano sa ulo pababa ng katawan ko...
"Oh my ghad did you see what the woman did to the king?!"
"If I'm with that woman I'll run away."
"Ginagalit nya si King."
"Humanda na syang makalbo."
"Baka kamo di na sya makalabas ng buhay."
"Anong ginawa mo sa kapatid ko?!" Napakunot yung noo ko dahil sa pagsigaw ng nasa harap kong babae at bakas sa mga mata nya ang bumabalantay na galit dito.
"Miss, hindi kita kilala." Hindi ko alam kung anong mali sa sinabi ko dahil nagulat s'ya at silang mga nakapaligid sa 'min.
"Talagang dimo ko kilala! Ako kilalang kilala kita, pero kahit ikaw pa ang tinatawag at kinakatakutan na King dito wala kong pakielam! Sumagot ka anong ginawa mo sa kapatid ko?!" Galit na galit na sigaw nito sa 'kin.
"Winona tama na." Napatingin ako sa tabi nung sumugod na babae sa 'kin at nakita ko yung tinulungan ko kanina sa cr naming mga lalaki.
Teka magkapatid sila?
"Hinde! nakita mo ba yang mga pasa ng kapatid ko?! Ikaw ang may gawa nyan no?!" Sigaw na naman nya sa 'kin.
"Anong nangyayari dito?!" Kahit hindi ako lumingon alam kong si Ethan 'to.
"Winona?! What mess are you doing here? Isn't it that king doesn't want anything noisy here inside the cafeteria!" - Jansen.
"Hoy wala kong pakielam sa kung sino 'yan dahil tignan mo ang ginawa nya sa kapatid ko!" Nanlaki ang mata ko ng may dalawang pagkalaki-laking lalaki na humawak sa dalawang braso nung babaeng sumugod sa 'kin at nagpupumiglas naman ito at wala namang magawa yung tinulungan ko kanina dahil itinutulak sya nung iba pa.
"Hoy babae gusto mo bang may kalagyan ka?!" Naramdaman ko ang bumalantay na takot sa buong sistema ko ng marinig ko ang tawanan nila na mala demonyo...
![](https://img.wattpad.com/cover/269143922-288-k570633.jpg)
YOU ARE READING
King student and I [COMPLETED]
Ngẫu nhiênNote: There is no law when it becomes to me.... "WAGGG!!!" Napatingin kaagad ako sa likod ko at may nakita kong babaeng estudyante na nakaupo sa sahig... Kaagad ko yung nilapitan at nakarinig ako ng mga bulung-bulungan... 'Hay mga chismosa't chismos...