K.S.A.I: CHAPTER THIRTY NINE

1 0 0
                                    

Hosea POV

"Tama ba 'tong gagawin naten?"

"Wala akong nakikitang mali sa ginagawa natin."

"Pero kapag nalaman---

"Gisingin mo s'ya."

Napakunot ang noo ko habang nakapikit ng may marinig akong mga ungas na nag-uusap malapit sa 'kin at pamilyar ang mga boses.

Hindi kaya nananaginip ako?

"Gumising kana d'yan kung gusto mong makita si king."

O_O

K-king?!

Dumilat kaagad ako at pinunasan ang labi ko at pati narin ang mga mata ko at nasilaw sa liwanag dala ng ilaw ng tumingala ako.

O_O

Bat may ilaw dito?

Teka...

Huli kong naaalala hinanap ko si Asher sa lugar namin.

Tapos.

Dumiretso ako sa tinutuluyan n'ya.

Tapos hindi ko s'ya nakita.

O_O

"Nakita ka naming tulog sa labas kaya binuhat kana---

"Hinawakan n'yo 'ko?!" Natahimik ako ng makita ko ang dalawang lalaking kaharap ko.

Si Jansen at si Ethan.

Nag-iwas ako ng tingin at pasimpleng sinipat ang tingin ng lugar na aking kinatatayuan.

Teka.

Nandito ba kami sa sala nila Asher?

Tama eto 'yon!

Hindi ako pwedeng magkamali dahil kahit isang beses pa lamang ako nakapasok dito sa loob alam ko 'to.

"Anong oras umuwi si Asher matapos n'yang maglagi sa inyo?"

O_O

A-asher.

Si Asher!

"N-nasan s'ya?! Alam n'yo ba kung nasan s'ya sabihin n'yo sa 'ken dahil kailangan ko s---

"Sagutin mo ako dahil ako ang nagtatanong!"

Tugdug.tugdug.

Napaatras ako dahil sa lakas at taas ng boses ni Jansen pati narin ang panlilisik ng mga mata nito sa 'kin.

"Sorry." Umamo ang muka nito pero bakas parin ang pagpipigil sa emosyong hindi ko matukoy sa kanya.

"M-mga nine pm, ngayon ako naman nasan s'ya pls dalhin n'yo ako sa kanya! Ayaw n'yang sagutin ang mga tawag at text ko, wala din s'ya sa lugar namin!" Ramdam ko ang pangingilid ng luha ko ngunit nakatingin lamang sila sa 'kin dalawa.

"Magagalit sa 'min ang tigre kapag pinapunta ka namin du'n."

O_O

Alam nga nila kung nasan si Asher!

"S-sinong tigre?"

"Si Winona."

Lunok!

"Pero dahil may karapatan ka sasabihin namin kung nasan s'ya."

Napapikit na lamang ako at nakaramdam ng pag-asa ngunit nawala ang saya at pananabik ko dahil sa huli nilang sinabi na nagpatigil ng mundong ginagalawan ko.

King student and I [COMPLETED]Where stories live. Discover now