Asher POV
"Anong ginagawa mo dito?!" Napabalingkwas ako at kaagad na napatayo dahil sa sigaw na umalingawngaw sa sulok ng kwarto na 'to.
"N-nandito ka na pala." Mahina kong sabi dala ng kaantukan ko.
Hala, nakatulog pala 'ko sa kwarto nya.
Kaagad kong kinusot yung mata ko at pinagpagan yung hinigaan ko na kama at inayos yung unan na ginamit ko.
Hala paktay magagalit na naman sya sa 'kin.
"Bakit ka nandito sa kwarto ko?!" Bakas ang galit sa tono ng pagsigaw n'ya at padabog na kinuha yung unan na hawak ko at hinarap ako.
"T-teka-
"Sagutin mo ang tanong ko bakit ka nandito sa kwarto ko?! at talagang ang kapal ng muka mo pumasok kana nga humiga kapa sa kama ko!" Napayuko ako dahil ayokong nakikita syang magalit sa 'kin.
Ayaw ko kase na magalit at nagagalit sya sa 'kin.
"S-sorry kung pumasok ako dito ng walang pahintulot mo, sa kaka-
"Alis." Napatulala ako sa kanya dahil sa sinabi nya.
Teka magpapaliwanag pa 'ko.
"Hindi ko alam kung bingi ka o tanga, sabi ko alis!"
"S-Sige lalabas na 'ko ng kwarto mo." Utal-utal kong sabi at kaagad na binitbit yung bag ko.
"Anong lalabas ng kwarto?! Layas!" Sigaw nito.
"H-huh?" Nagtataka kong tanong.
"Lumayas ka sa bahay namin!" Nabitawan ko naman yung bag ko at hinarap sya pero napayuko lamang ako dahil ayokong makipagtalo at lumabas na lamang ng mapulot ko yung bag ko.
"Oh Asher-
"T-tita maraming salamat po sa pagtanggap n'yo sa 'kin ngayong araw na 'to, mauna napo 'ko." Nagpilit ako ng ngiti at kitang-kita ko yung pagtataka at pag-aalala sa muka nito.
"Iho sumabay kana sa 'ming maghapunan." Napatingin ako kay Tito na kapapasok lamang ng bahay.
Gustuhin ko man ho pero ayoko namang magalit lalo sa 'kin ang anak nyo, sasagot sana 'ko pero napatingin kaming lahat sa labas ng marinig namin yung doorbell na tumunog.
Nagpaalam saglit si Tita at ilang saglit lamang na nawala s'ya at nanlaki yung mata ko ng makita si Tita at kasama nyang pumasok yung...
O_O
yung lalaking kasamang kumain ni miss ganda kanina, humanap kaagad ako ng matataguan at napangiti ako ng makita ko yung p'wedeng pagtaguan ko.
"Tita sino ho yun?"
O_O
Gusto kong isipin na hindi ako yung tinutukoy nung lalaking 'yun pero kitang-kita naman kase na ako ang tinutukoy nya, anong gagawin ko?!
"Hoy ako dapat ang kasabay nyang nag recess kanina pero bakit ka umentra?!" Sigaw ko at kaagad syang sinugod at dinagukan.
"Hoy akin s'ya kaya lumayo ka sa kanya!" Kaagad ko syang sinuntok at inundayan ng tadyak.
Napailing-iling ako dahil sa pagiging malikot ng utak ko, mali yung mga 'yun, abnoy.
Dahan-dahan akong humarap sa kanya at nagulat ako at labis ang pagtataka ko ng umatras s'ya at mapaupo na para bang takot na takot...
Teka wala pa 'kong ginagawa.
May nakakatakot ba sa muka ko?
Ano bang ginawa ko humarap lang naman ako ah.
YOU ARE READING
King student and I [COMPLETED]
RandomNote: There is no law when it becomes to me.... "WAGGG!!!" Napatingin kaagad ako sa likod ko at may nakita kong babaeng estudyante na nakaupo sa sahig... Kaagad ko yung nilapitan at nakarinig ako ng mga bulung-bulungan... 'Hay mga chismosa't chismos...