Hosea POV
"Nang maisuot kona sa 'yo." Hindi na 'ko nagdalawang isip na lingunin s'ya at mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko ng makitang nakatingin s'ya sa 'kin.
Hindi ko alam kung pa'no n'ya nalamang ako ang nagsuot nu'n sa kanya at ang kapareho nu'n dahil hindi pa s'ya nagkakamalay ng mga oras na isuot ko sa kanya 'yon.
-_-
Ang mga kaibigan n'ya.
"Pero bago 'yun sumunod ka muna sa 'kin." Nagtataka man ngunit sumunod ako sa paglalakad n'ya ngunit nanatiling nasa likuran n'ya.
Huminto ako ng huminto rin 'to sa pinakadulong bahagi ng mga nanunuod sa stage at napanganga ako ng mahawi ang daan ng mapansin nila si Asher.
Pinag-iisipan ko kung susunod parin ako tulad ng sinabi n'ya dahil ang lahat ng mga mata ay nakatuon sa 'ming dalawa na binigyan nila ng daan.
"Ang mga teacher ay dapat pinapanuod n'yo rin." Nakayuko akong sumunod kay Asher dahil sa hiyang nararamdaman ko ngayon habang nakasunod sa kanyang maglakad.
Pakiramdam ko napakaespesyal ko ngayon dahil sa mga taong binigyan kami ng daan ngunit ang paningin ay nasa sa 'min parin.
Akala ko magbubulungan sila dahil sa nakikita nila ngunit parang walang gustong magtangkang magsalita tungkol kay King at gawan 'to ng issue dahil kapag nahuli n'ya ang gumawa nu'n parang nilagay na n'ya ang isa n'yang paa sa hukay.
Ngayon ko lang napagtantong maraming gumagalang kay king at rumerespetong estudyante.
"Hosea dito!"
O_O
Nanlaki ang mata ko ng makita ang mga co-teachers kong third year na nasa unahan at may sari-sariling upuan.
Nahihiya akong nagtungo sa tabi ni Aiko at ni Khei at binigyan ko ng makahulugang tingin si Aiko ng nakaupo ako dahil para ba 'tong nang-aasar sa kanyang nasaksihan.
Inilibot ko ang aking paningin ngunit hindi kona nakita ang kaninang sinusundan ko.
Nandito kami sa unahan at nasa likuran naman namin ang halos lahat ng mga estudyanteng nanunuod.
Napansin ko rin na wala dito ang principal dahil kanina kopa s'ya hindi nakikita bagay na nakakapagtaka.
Kaagad kong kinuha ang phone ko ng maramdaman kong mag vibrate 'to sa bulsa ko kayat ganun nalang ang gulat ko ng mabasa ang isang text message.
King beki: "Umayos ka nakikita kita."
Napakaduga bat ba palaging nanggugulat ang mokong na 'yun?
Nagmumuka tuloy s'yang stalker ko na palaging alam ang bawat kilos ko.
"Ano bang meron?" Mahina kong bulong kay Aiko na nasa kaliwa ko ngunit magsasalita pa lamang sana 'to ng biglang maghiyawan ang mga estudyante at rinig na rinig ang intro ng kantang kung di ako nagkakamali ay 'sugar by maroon 5.'
"Sasayaw na s'ya!"
"Hoy yung mga ulo n'yo ang lalaki!"
"Tabe hindi ko makita!"
"Hoy magsilayas kayo may nanunuod dito sa dulo!"
"Tumabi ka!"
"Tabi nga d'yan, ano ba?!"
"I'm hurting, baby, I'm broken down
I need your loving, loving."Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Asher na nasa stage at kasalukuyang sumasayaw.
YOU ARE READING
King student and I [COMPLETED]
RandomNote: There is no law when it becomes to me.... "WAGGG!!!" Napatingin kaagad ako sa likod ko at may nakita kong babaeng estudyante na nakaupo sa sahig... Kaagad ko yung nilapitan at nakarinig ako ng mga bulung-bulungan... 'Hay mga chismosa't chismos...