Hosea POV
"Ibinaba ni Gomez ang bola--- wala sablay si tanga!" Malakas na sigaw ng kelengkoy na fourth year assistant na ngayo'y nag-e-emc sa mga manlalaro ng basketball kaya naman yung mga kapwa nya kamag-aral ay walang humpay kakatawa sa bawat isinisigaw nya...
"So kapag nanalo yung isa sa lahat first year is kakalabanin nila yung mananalo sa second year?" Simpleng tango lamang 'yung sinagot ni Sir Fergus ng itanong ko 'yun habang katabi ko syang nanunuod ng mga naglalaro ngayong mga second year...
Hindi ko sinasadyang mapatingin sa may di kalayuang pwesto mula dito sa kinauupuan namin at nakita ang mga pamilyar na muka... Nag-iwas ako ng tingin ng makitang tumingin din si Winona sa 'kin... Hindi sila kumpleto... Wala akong nakitang Asher...
Kinuha ko yung phone ko at kaagad ding binulsa 'yon ng makitang walang anumang notification duon...
Kanina pa 'ko nandito pero ni anino nya ay wala pa 'kong nakikita at bagay na kagabi pa bumabagabag at hindi magpatulog ng maayos sa 'kin... Wala naman akong dapat ikahingi ng tawad... Dahil isa 'to sa mga bagay na dapat nyang maramdaman para itigil na nya ang kahibangan na 'yon...
Napatingin ang kapwa ko mga guro ng tumayo ako ngunit hindi ko sila binalingan ng atensyon ko ng maglakad ako palayo sa kanila... Hindi ko alam pero mas gusto ko munang maglakad-lakad sa ngayon... Huminto ako sa isang silid at kaagad na tinakpan yung ilong ko dahil sa gabundok na alikabok ang sumalubong sa 'kin...
'Teka ngayon ko lamang nakita ang silid na 'to.'
Saglitan kong nilibot ang paningin ko ngunit mga basura lamang at mga lumang mga gamit ang nandito sa loob na pinamamahayan na ng mga gagamba at gabundok na alikabok...
Handa na sana akong maglakad palabas ngunit kaagad ding napakunot yung noo ko ng may matapakan akong kung ano sa ibaba at nang tignan ko 'yun at kunin ay pinagpagan ko 'yun dahil sa bumabalot na alikabok duon...
'Isang picture frame.'
O_O
Kinusot-kusot ko pa yung mata ko ng makita ang medyo maliit na lalaki na nasa edad 11-14 ata na daig pa ang isang manok dahil sa buhok nitong nakataas at yung mga hikaw nya sa tenga habang nakangiti at nakaakbay sa maganda babae...
'Teka hindi ako pwedeng magkamali si Asher ang lalaking 'to pero sino naman ang magandang babaeng 'to?'
"Bukas na ang laban boss." Kaagad akong nagtago sa isang sulok habang pigil ang hininga ng marinig ang hindi pamilyar sa 'kin na mga boses na nagmumula sa labas ng silid na 'to...
"Alam nyo na siguro ang gagawin nyo ngayon." Napakunot yung noo ko ng mag tawanan sila... Nababaliw naba sila? Anong nakakatawa dun?
Hindi dahil sa ubod ako ng Ganda kaya nagtatago ako ngayon sa kanila kundi dahil ayoko lang magpakita lalo na ngayong may mahalaga ata silang pinag-uusapan pa 'no nalang pag nalaman nilang may nakarinig pala sa kanila edi tapos ako...
"Boss kami na ang bahala sa mga 'yon sisiguraduhin naming hindi sila makakalakad at pipiliing mamahinga na lamang sa ospital HAHAHAHA."
-_-
Anak ng tokwa naman oh... Gusto ko silang makita pero hindi ko magawa dahil isang maling kilos ko lamang siguradong baka mauna pa 'ko mamahinga...
"Puro ka kayabangan kilos na!" Mas lalo pa 'kong nagtago duon sa isang sulok at kaagad na tumayo ng wala ng marinig na anumang yabag ng mga paa marahil ay nakaalis na sila...
Hindi sa nakikielam ako pero kailangan kong makielam dahil isa akong guro at isa sa mga kapakanan ko ang bantayan ang mga mag-aaral at ingatan sila pero anong magagawa ko kung hindi sila paaawat sa mga ugaling nakasanayan nila...
![](https://img.wattpad.com/cover/269143922-288-k570633.jpg)
YOU ARE READING
King student and I [COMPLETED]
RandomNote: There is no law when it becomes to me.... "WAGGG!!!" Napatingin kaagad ako sa likod ko at may nakita kong babaeng estudyante na nakaupo sa sahig... Kaagad ko yung nilapitan at nakarinig ako ng mga bulung-bulungan... 'Hay mga chismosa't chismos...