K.S.A.I: CHAPTER TEN

2 0 0
                                    

Hosea POV

Pagpasok na pagpasok ko palang sa room nagsitahimikan na sila at lahat na ay nakaupo, nagpalinga-linga ako at nakita ko si Asher na nagsusulat ng kung ano-ano.

"Lahat kayo pumunta na sa labas dahil mag pe-present na kayo ng speech choir nyo." Sigaw ko at nag ayos na nung gamit ko sa table...

"King labas na daw." Pasimple akong tumingin sa pwesto nila ng marinig ko 'yun at bumalik ako sa ginagawa ko ng tumayo si Asher at walang tingin-tingin na lumabas ng room kasama si Ethan at Jansen.

"P-pumasok kana, gabi na." Napahawak ako sa ulo ko dahil dun, magmula ng sinabi n'ya 'yun nung sabado ng gabi hindi na 'ko makatulog ng maayos nun. 

Nandon s'ya at malamang sa malamang nakita n'ya kami ni Hexikiel, alam kong 'sya yung nakita kong naka-bike nung gabing 'yun. 

Nakatalikod man s'ya pero nakilala ko parin s'ya, inayos kona yung sarili ko at napagpasyahan ng lumabas at maupo sa isang upuan na nandon at nakita ko na hati ang buong section sa dalawa.

"Group one, mauna na kayo." Hindi na 'ko nagulat ng umupo si Asher sa isang tabi at sundan s'ya ng mga kagroup n'ya at tahimik na nanunuod, habang pine-perform ng group 1 yung kanila pinagmamasdan ko kung lahat ba nakikipagparticipation. 

Napatango-tango ako sa pinapakita nila, magaling sila. Maayos naman kahit papa'no pero wala pa 'kong nakikita na pu-pwedeng ilaban sa first section ng third year. Nagpalakpakan sila ng matapos ang kanilang grupo at iniskoran ko naman 'yun...

"Okay group t-

"Seven, the seven ages of man by William Shakespeare!" Nagulat ako dahil tatawagin ko palang sana sila pero nasa harapan kona kaagad sila, kitang-kita ang kagandahan ng kanilang suot dahil hindi ito katulad ng mga iba na nakita kona mga puro kulay itim na shirt at leggings sa mga babae at sa lalaki naman ay slocks na itim tapos shirt na itim. 

Kase sa kanila halo ang kulay nun, kalahating black at white na shirt. 

Yung mga lalaki naka-itim na slocks na butas-butas at yung mga babae naman nakapalda na itim na lagpas hanggang tuhod, whoaw kita namin ang pagdami ng taong nanunuod sa kanila.

"Sighing like furnace, with, with a woeful ballad. Made to his, made to his mistress' eyebrow. Then, a soldier... Fulllllllll of strange, strage of fulllllll... Oaths and bearded like a pard, Jealous in honor, sudden and, and quick in quarrel, Seaking the bubble reputation." Manghang-mangha ako sa lakas at paghina ng mga boses nila na sapat lamang para marinig namin, hindi ko pinahalatang nagulat ako ng si Asher na yung nasa pinakaunahan dahilan para magkaharap kami. 

Seryoso lamang s'ya habang nagbibigkas s'ya ng mga linya at minsan pa ay pakanta, dun ko s'ya natitigan ng maayos dahil sa seryoso n'yang muka na hindi ko nakasanayan.

O_O

Muntik na 'kong mahulog dito sa kinauupuan ko ng makita ko yung ginawa n'ya, teka kinindatan nya ba 'ko?! pasimple akong tumingin sa likod ko pero walang tao dun...

So ako nga?!

Napabalik lang ako sa ulirat ng makarinig ako ng malakas na malakas na pagsasalubungan ng mga palad, isang mainit at malakas na palakpakan at dun ko lamang namalayang tapos na sila Asher.

Shit umayos ka! 

Ramdam ko kase ang panginginig ng kamay at mga daliri ko habang sinusulat ko yung score ng group 2.

"O-okay magsipag ayos na kayo at natuwa ako dahil sa kagalingan n'yo lalo na ang group two!" Naghiyawan at nagkantyawan ang lahat dahil sa sinigaw ko.

King student and I [COMPLETED]Where stories live. Discover now