Hosea POV
~FLASHBACK~
"Inom inom di naman kaya." Naiinis kong sabi at kahit na walang kausap ay patuloy parin sa pagsasalita.
"Hinayupak ka pag nagising ka talaga mamaya, nako!" Dagdag kopa, lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi n'ya.
"Ano masaya kana?! tignan mo kung anong oras na oh!" Sinampal kopa ng mahina yung muka n'ya dahil dun.
Makaganti man lang.
"Ayan tamo pawis na pawis ka tapos kapag nagkasakit ka sa 'kin ang sisi ng mga magulang mo!" Hindi ko maintindihan kung bakit ako kinakabahan, iniisip ko palang na ako ang magpapalit sa kanya ng damit naiinis na 'ko.
Humugot muna 'ko ng pagkalalim-lalim na hininga at ramdam ko ang ilang beses kong paglunok-lunok ng laway ko at padabog na tumayo mula sa pagkakaupo.
"Hayop ka umayos ka nga!" Sigaw ko sa kanya, umupo ulit ako sa tabi n'ya at nang hawakan ko yung laylayan nung damit n'ya dadalawang daliri lang ang ginamit ko at habang ginagawa ko yun ay nakapikit akong itinataas 'yon.
Isakal ko kaya tong damit n'ya sa kanya?!
"Huuuuu! grabe natapos den!" Proud kong sabi dahil hindi ko alam kung ilang oras bago ko matanggal 'yun sa katawan n'ya, nanlaki yung dalawa kong mata ng tumambad sa 'kin si Asher na walang suot pang itaas.
O_O
"T-teka namatay ba yung aircon?!" Sigaw ko uli habang pinapaypayan yung muka ko gamit ang kamay ko.
Sa'n ba s'ya nagtatrabaho? sa gym?!
Kinuha ko yung planggana na naglalaman ng tubig at pinigaan ko yung bimpo at inuna kong punasan yung muka n'ya.
Nakakatuwa lang na kahit pawis na pawis na s'ya wala man lang kakaibang amoy ang nagpaparamdam dito.
Napahinto ako sa pagpupunas nung muka n'ya ng makita ko yung maayos n'yang muka at kitang kita ang pagkaaliwalas nito.
Syempre tulog.
Sinunod ko yung leeg n'ya at itinaas ko yung kaliwang braso n'ya at pinunasan 'yun.
"Grabe yung braso mo parang bato, napakatigas." Sinunod ko naman yung kanan n'yang braso at napakunot yung noo ko ng may makita ako na kung anong kulay itim don.
Balat bato? nunal?
O_O
"Yuck! Kadertdert mo kulugo ba 'yan?!" Initya ko kaagad sa muka n'ya yung hawak kong bimpo na kanina kong pinamumunas sa kanya pero napahinto ako sa pag aalkohol ng makita ko uli yung itim sa kanang braso n'ya.
Nilapitan ko 'yun at syempre ginawa kong gloves yung bimpo at hinawakan ko 'yun at tinitigan...
"Letter A?" Basa ko dun ng malinawan ako, ano naman kaya yung letter A na yon?
O_O
Letter A?! as in?! what the heck?!
Hindi mali ako, papanong magiging A 'yung iniisip ko e king beki nga pala 'to.
A?
Stands for his name?
Pabagsak kong ibinaba yung braso n'ya at napalunok uli ako at ramdam ko ang pagkabog ng puso ko, may aircon dito sa kwarto ko pero bakit nararamdaman kong pinagpapawisan ako.
Search ko nga kung pa'no hindi mailang sa mga nakikita na bago sa paningin.
Hindi n'yo ko masisisi dahil eto ang unang beses kong mag-asikaso sa lasing.
YOU ARE READING
King student and I [COMPLETED]
RandomNote: There is no law when it becomes to me.... "WAGGG!!!" Napatingin kaagad ako sa likod ko at may nakita kong babaeng estudyante na nakaupo sa sahig... Kaagad ko yung nilapitan at nakarinig ako ng mga bulung-bulungan... 'Hay mga chismosa't chismos...