Hosea POV
"Who is that woman with you Mr. Cutler?" Pagtatanong ng lumapit sa 'ming matanda na sa tingin ko ay mas matanda pa sa lolo ko.
"She is the only daughter of Mr. Filcollin." Hexikiel's answer to that old man.
Nag pilit ako ng ngiti ng halikan n'ya yung likod ng palad ko at naramdaman ko ring humigpit yung hawak ni Hexikiel sa bewang ko.
Kung mahal mopa ang ngipin mo ipagpatuloy mo yang ginagawa mo.
"I'm sorry I didn't know that Mr. Filcollin had a gorgeous daughter by the way I'm Mr. Hernandez your father partner in a business." I nodded, pasalamat ako ng may kumausap na iba dito kay tanda.
"Are you okay?" Nakangiting tumango ako ng itanong 'yun ni Hexikiel at bakas sa muka n'ya ang pag-aalala.
"Tito." Napatingin kaagad ako sa likod ko at napangiti din kalaunan
"Dad happy birthday, Ulit." Natawa naman s'ya dahil dun...
"Kanina mo pa 'ko binabati pag gising mo." Natatawang sabi ni Dad, totoo 'yun dahil paggising ko sinalubong ko kaagad s'ya ng halik sa pisngi na may kasamang yakap.
"Hexikiel ikaw na munang bahala sa anak ko." Isang simpleng pag tango lamang 'yung sinagot ni Hexikiel.
"Dad si Mom?" I ask.
"Oo nga pala balikan ko muna yung Mom mo dahil kanina pang may mga umaaligid dun." Natawa naman kami ni Hexikiel ng sabihin 'yun ni Dad at dali-daling umalis para hanapin si Mom.
Nang maupo kami ni Hexikiel ay nailang ako sa mga tingin na ipinukol n'ya sa 'kin kaya naman nilingon ko 'to.
"Ano na naman ba? Baka matunaw ako n'yan ah haha." Napapailing s'yang natawa at pagkaraan ay nag-iwas ng tingin at sumipsip nung iniinom n'yang wine.
"Ang ganda mo kase." Dun naman ako natawa, kanina pa s'ya ganyan ng ganyan sa 'kin e pang ilan naba n'ya 'yan?
Sabagay pati nga matanda nag-aala bata e.
"Bakit wala 'yata si Aiko at Khei?" Napatingin naman ako kay Hexikiel dahil dun at ngumiti.
I miss them.
"May ginagawa sila sa Palawan, babawi nalang daw sila." Aiko at Khei ay mga kaibigan ko, mag syota yung dalawang 'yun at parehas lang na busy sa mga trabaho nila kaya madalang na kami magkita o magkasama-sama.
"E yung bata?" Shit, I remember I'm not give it to him a invitation!
Hinawakan kong mahigpit yung pouch ko dahil nandon yung notes na iniwan ni Asher sa study table ko.
Nakaramdam ako ng guilt sa sarili ko dahil hindi ko man lang nasabi sa kanya ang bagay na 'to kagabi.
"Hindi-
"Ayun s'ya oh." Napahinto ako sa pagsasalita at nung una nagtataka pa 'ko sa sinabi ni Hexikiel at nang kalaunan ay tumingin rin dun sa tinitignan n'ya.
O_O
Tugdug.tugdug.
K-king beki.
Hindi ko maintindihan kung bakit gusto kong tumayo at pumunta sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko dahil naalala kong nandito pala sa tabi ko si Hexikiel na ngayoy nakatingin sa 'kin na animoy sinisimpatya at inaabangan kung may gagawin ba 'kong pagkilos.
"I forgot to give a invitation to him." Pag-amin ko kay Hexikiel upang mawala ang mabigat na awrang hindi ko matukoy kung anong klase.
"Halika puntahan natin s'ya." Wala na 'kong nagawa ng hilain n'ya 'ko at hindi ko malaman ang kinikilos ko dahil habang papalapit ako sa pwesto n'ya ay inaayos ko yung buhok ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/269143922-288-k570633.jpg)
YOU ARE READING
King student and I [COMPLETED]
NezařaditelnéNote: There is no law when it becomes to me.... "WAGGG!!!" Napatingin kaagad ako sa likod ko at may nakita kong babaeng estudyante na nakaupo sa sahig... Kaagad ko yung nilapitan at nakarinig ako ng mga bulung-bulungan... 'Hay mga chismosa't chismos...