Hosea POV
Pareho kaming napatingin sa pintuan ng bumukas 'to at niluwal nun si lola.
"Gising kana pala apo, kamusta ang pakiramdam mo?" Itinago ko sa likod ang hawak ko at ngumiti kay lola.
May gusto akong alamin at malaman tungkol sa hoodie na 'to.
"Ayos naho ang pakiramdam ko lola Lily pasensya napo kung nag-alala kayo." Tumingin ako kay Asher na seryoso lamang na nakikinig sa 'min ni lola.
"Sigurado ka apo? mabuti nalang at nakita ka ni Asher at kaagad kang binuhat dito sa kwarto mo."
Tugdug.tugdug.
S-sya ang nagbuhat sa 'kin.
Napansin n'ya siguro na naiwan n'ya ang bag n'ya kung kayat bumalik 'to.
"Maiwan kona muna kayo, sabay na kayong bumaba para makapag-hapunan na." Humarap ako kay Asher ng makalabas si lola at nainis dahil nagkukutkot na 'to ng tenga n'ya gamit ang hinliliit n'ya.
"H-hindi mopa sinasagot ang tanong ko."
"Mabuti pang kumain kana para makabawi ka ng lakas." Hindi kona s'ya kailangang palabasin dahil nauna na 'tong lumabas ng kwarto at tinignan muna ang hoodie at lumabas narin ng maitago ko 'to.
"Anak kamusta ang pakiramdam mo hindi kaba nahihilo?!" Niyakap ko pabalik si mom ng makalapit ako at ngumiti sa kanya ng bumitaw ako.
"Sumakit lang ho yung ulo ko kanina pero ayos naman na po 'ko." Inalalayan pa 'ko ni mom na makaupo at pinagsandukan ako.
"Mabuti na lamang at bumalik si Asher kung hindi, hindi pa namin malalamang nahimatay ka sa labas." Seryosong sambit ni dad kayat bahagya akong yumuko at pasimpleng tumingin kay Asher na wala man lamang pakielam sa nangyayari sa paligid n'ya.
"Asher magpakabusog ka d'yan at matagal karing hindi nakabalik dito sa bahay." Ang dating lawak ng ngiti nito kapag kinakausap s'ya ni mom ay napalitan na lamang ng simpleng pagtango.
Nakita ko ring ang pangungunot ng noo ni dad dahil sa panibagong Asher na nakikita n'ya ngayon.
"Excuse, sasagutin ko lang ho." Napatingin silang tatlo sa 'kin ng tumayo si Asher at maglakad palayo habang hawak ang phone nito kung kayat huminga muna ako ng malalim.
"B-bukod sa gumaling s'ya... b-bumalik nadin ang alaala n'ya na matagal nawala sa kanya." Wala sa sarili kong paliwanag sa kanila. Hindi kona matandaan pero alam kong nasabi ko sa kanila ang nangyari kay Asher nu'n.
"Diba dapat maging masaya ka?" Napailing na lamang ako habang nakangiti ng mapait dahil sa sinabi ni dad.
Masaya ako,oo pero hindi ko alam kung ano pang kulang at inaantay ko.
"Pasensya naho pero hindi nako makakasabay kumain dahil kailangan ko nahong umalis, magandang gabi ho sa inyo." Hindi man nila sabihin ngunit tumayo ako at nanatili sa likod n'ya habang naglalakad 'to palabas.
"Dito nalang 'wag kanang lumabas." Nanatili akong nakatingin ng seryoso sa kanya.
"Hindi mopa sinasagot ang tanong ko, nagkita naba tayo nuon?" Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit gustong gusto kong sabihin n'ya na s'ya nga ang taong 'yun.
Ang taong nagligtas sa 'kin sa mga 'yon.
"Mga ilang araw---"
"Bakit ba hindi mo sagutin ang tanong ko!" Nainis ako lalo ng makuha n'ya pang tumawa kahit na nakikita n'ya ang mga ugat sa leeg ko dahil sa lakas ng sigaw ko.
YOU ARE READING
King student and I [COMPLETED]
RandomNote: There is no law when it becomes to me.... "WAGGG!!!" Napatingin kaagad ako sa likod ko at may nakita kong babaeng estudyante na nakaupo sa sahig... Kaagad ko yung nilapitan at nakarinig ako ng mga bulung-bulungan... 'Hay mga chismosa't chismos...