Hosea POV
"Eto idala mo kay king para matignan n'ya."
"Wala si king ngayon umalis s'ya!" Kung hindi kopa napansing nakatingin silang lahat sa 'kin hindi kopa maiisip ang aking sinabi.
Halos manlamig ang pawis ko dahil lahat ng co-teachers ko sa third year nagtatakang nakatingin sa 'kin dahil narin sa sinigaw ko.
Maski ang inuutusan ni ma'am Robyn na estudyante e napahinto rin.
"Pa'no mo namang nalamang wala pa si king du'n? 'Wag mo sabihing--- ikaw ah." Halos magdasal na 'ko dahil sa pagkakantyawan nila sa 'kin na kesyo daw nagkakamabutihan na daw kami ni king.
Taenang!
Hindi lang medyo haha, pero hindi parin dapat nila malaman!
"Ma'am Robyn s'ya ang adviser ni king kaya malamang nagpaalam si king sa kanya." Kung hindi dahil sa sinabi ni Aiko hindi na 'ko makakaligtas sa mga halo-halong pag-iisip nila ng kung ano-ano.
Isang pilit na ngiti lamang ang isinagot ko ng mag peace sign sila sa 'kin at napalunok ng makitang pinandidilatan ako ng mata ni Aiko at tatawa-tawa naman si Khei sa 'kin ng magawi ang paningin ko sa pwesto nila.
Hehe sori medyo iniisip ko lang naman kase s'ya haha.
Habang tinutuloy naman nila ang kani-kanilang ginagawa ako naman ay nangalumbaba habang nakatingin sa kung sa'n.
Tatlong araw narin mula ng umalis s'ya at hindi ko s'ya makita.
Natutuwa ako na nalulungkot din.
Natutuwa ako kase kahit pa pa'no kahit alam kong nasa ganun s'yang sitwasyon na kahit nasa burol s'ya ng itinuturing n'yang ama hindi n'ya parin ako nakakalimutan at hindi lilipas ang araw na hindi kami magkakausap sa phone.
Kapansin-pansin rin ang wala n'yang buhay kung magsalita na napansin ko t'wing magkausap kami pero hindi ko s'ya masisisi at hindi ko magawang magalit sa kanya dahil sa pinagdaraanan n'ya ngayon.
Wala 'kong magawa kahit na gusto kong sumama sa kanya at damayan s'ya pero katulad ng sinabi n'ya hindi ko p'wedeng iwanan ang mga estudyante ko.
Estudyante ko rin naman s'ya pero s'ya yung pinakaespesyal sa lahat kaya dapat hindi korin s'ya iwan kaso malurit s'ya at hindi naman ako mananalo sa kanya.
Mamaya pa naman ang susunod kong pagtuturo kung kayat kailangan ko munang ipahinga ang sarili ko.
Asher POV
Kung nabubuhay kapa ngayon siguradong magwawala ka dahil wala na ang makapal mong balbas dahil inahit nila.
Pero hindi ko ipagkakailang mas ayos ang ityura mo kung wala yang makapal mong balbas.
Bata palang ako....
Galit na galit ako sa mga magulang ko dahil sa pag-iwan nila sa 'kin.
Andaming katanungan na gumugulo sa 'king isipan at gustong gusto kong makuhanan ng kasagutan.
Isa na sa mga 'yon ang tanong na.
'Bakit n'yo pako isinilang kung iiwan n'yo lang rin naman?'
Pero.
Ikaw....
Isa ka sa mga dahilan kung bakit hindi kona sila hinanap pa....
Pinaramdam mo sa 'kin na para bang ikaw ang aking ama.
Pero dahil sa pagkawala ng alaala ko.
Nagsisisi ako dahil hindi ko man lang nasulit ang mga araw at napuntahan ka para sana magsaya.
![](https://img.wattpad.com/cover/269143922-288-k570633.jpg)
YOU ARE READING
King student and I [COMPLETED]
RandomNote: There is no law when it becomes to me.... "WAGGG!!!" Napatingin kaagad ako sa likod ko at may nakita kong babaeng estudyante na nakaupo sa sahig... Kaagad ko yung nilapitan at nakarinig ako ng mga bulung-bulungan... 'Hay mga chismosa't chismos...