Winona POV
"Winona alam mo bang kabastusan ang ginagawa mo?!" Hindi ko sila tinignan niisa dahil nanatili akong nakatingin sa gurang na babaeng sinusunod nila.
"Hindi nababagay sa 'yo ang upuan nayan dahil wala ka namang ginagawa." Hihirit sana ang iilang mga teacher ngunit sinenyasan lang sila ng principal gamit ang kanyang kamay.
"Hindi rin nababagay sa 'yo ang section mo." Napangisi ako dahil sa pabalik na sagot sa 'kin nito. Tinignan ko isa-isa ang mga teacher na nandito na halatang hindi nagustuhan ang ginagawa ko.
Wala din akong pakielam kung nandito ang pinakamamahal na babae ni Asher.
"Alam mong may magagawa ka sa mga nangyayari." Pinigilan kong gumawa ng hakbang ng tumawa 'to sa 'kin.
Hindi ka nakakatuwa gurang.
"Tungkol ba 'to sa kaibigan mo? Para sabihin ko sa 'yo ginusto n'ya 'yon nasan na ang pagiging king---
Kasabay ng paghampas ko ng malakas sa mesa n'ya ang pagsigaw nilang lahat sa pangalan ko na may halong pagbabanta ngunit wala nanatili ang nanlilisik kong mga mata habang nakikipagsabayan sa gurang na 'to ng titigan.
"Sana pala tinuloy kona ang pagpapatalsik ko sa 'yo dito." Tumalikod ako at ilang hakbang pa lamang ay huminto na 'ko ngunit nakatalikod sa kanila.
"Huwag mong pangaraping bumalik ang alaala n'ya dahil sinisigurado kong ikaw ang uunahin n'ya." Padabog kong binagsak ang pintuan ng makalabas ako at kaagad na inayos ang sarili ng makababa ako dahil nakita kong nag-aantay na sila sa 'kin.
"Winona okay kalang?" Natahimik si Asher ng sagutin ko s'ya ng ako-pa-talaga-tinanong-mo-n'yan-look.
"Magpahinga ka sa bahay ngayon." Seryosong saad ko.
"Pero may trabaho---
"Basta sinabi ko sumunod ka! Jansen ihatid mo 'yan sa bahay." Simpleng tango lamang ang sinagot nito at nauna na 'kong maglakad sa kanila palabas ng gate.
Asher POV
"Iniisip mo parin ba kung bakit ganon ang inasta ni Winona?" Napatango ako dahil narin sa tinanong ni Jansen habang nagdadrive ng kotse n'ya. Nito kaseng mga nakaraang araw e para bang palagi na lang mainit yung ulo n'ya sa 'kin.
"Nag-aalala lang 'yon sa 'yo." Nanatili akong tahimik dahil sa sinabi ni Jansen.
Dahil sa lalim ng iniisip ko hindi kona namalayang ang takbo ng oras at ang nasa paligid hanggang sa makauwi si Jansen ng maihatid na n'ya ako. Kaagad akong nagbihis at kinuha yung phone ko.
;Miss ganda nakauwi na 'ko sori kung dikita naantay ingat ka sa pag-uwi.
Kaagad ko yung sinend at kaagad na nahiga sa kama, huli ko ng mamalayang nilalamon ako ng dilim dahil sa kapaguran.
Ethan POV
"Ate mali yung ginawa mo dahil pag-iinitan tayo ng mga teacher lalo na ng gurang na 'yon!" Nanatili akong tahimik na nakikinig sa pagtatalo ng dalawa habang nagmamaneho dahil away nila 'yan.
"Anong mali duon?! Mas mali sila dahil kunsintidor sila! Wala kong pakielam kung pag-initan nila akong lahat dahil kaya ko silang palitan lahat!" Pinigilan kong matawa dahil galit na galit si Winona sa principal haha. Pag ang tigre ginalit lintik lang ang walang ganti.
Kung ano-ano pang pinagtalunan nila pero ang paningin ko ay nasa harapan lamang.
"Aray! Kung may balak kang magpakamatay 'wag mo kaming idamay!" Malakas na sigaw ni Winona ng biglang iliko ko sa kaliwa ang minamaneho at kaagad na binilisan.
YOU ARE READING
King student and I [COMPLETED]
RandomNote: There is no law when it becomes to me.... "WAGGG!!!" Napatingin kaagad ako sa likod ko at may nakita kong babaeng estudyante na nakaupo sa sahig... Kaagad ko yung nilapitan at nakarinig ako ng mga bulung-bulungan... 'Hay mga chismosa't chismos...