Hosea POV
'Ano bang klaseng parking lot to?! Parang imbakan ng mga basura tsk.tsk'
"Kayo po ba si Ma'am Hosea?" Tumango lang ako sa gwardyang lumapit sa 'kin.
"Oo, itatatanong ko lang kung pwedeng magpark sa loob ng school."
"Ahh opo pwedeng-pwede sumunod lang po kayo sa 'kin." Sabi nung gwardya at nagpatiunang maglakad kaagad ko namang sinundan 'yun habang nakasakay sa motor ko.
'Rebels highschool.'
Basa ko sa isip ko ng makita ko yung nakasulat sa itaas ng gate.
Nakita ko yung iilang mga motor sa loob at kaagad ko yung pinarada sa bakante, tinanggal ko yung helmet ko at inayos yung buhok kong nagulo.
"Puta chix!"
"Oo nga no."
"Baka fourth year!"
"Bobo tanungin na lang natin."
"Wag na baka matupalpal ka lang, ityura pa lang masungit na e."
'Kalalaking mga tao napakakaiingay.'
Hindi ko na 'yun pinansin at inayos ko na yung mga gagamitin ko at nilock ko yung motor ko at bumaba na dun.
I saw a lot of students. The men were wearing earrings and chains around their necks. Tsk, mukang mga aso. Yung mga babae naman mayroong mga simple lang meron din namang may mas siga pa sa lalaki kung makaporma. Estudyante ba talaga 'tong mga 'to?
"Oh my ghad look, the king!"
"Bakit may benda s'ya sa ulo?!"
"Tara na ggo, sapakin pa tayo n'yan!"
Tsk.tsk.
"Waggg!" Napatingin kaagad ako sa likod ko dahil sa matinis na sigaw na 'yun at may nakita kong babaeng estudyante na nakaupo sa sahig, kaagad ko yung nilapitan at nakarinig ako ng mga bulung-bulungan.
'Hay mga chismosa't chismoso'
"W-wag mo 'kong sasaktan, maawa ka." Bakit parang takot na takot sya sa lalaking estudyante na may benda sa ulo habang nakatayo sa harap namin.
'Mukang magiging mahirap ang pagtuturo ko dito ah. Tsk.tsk'
"GO TO THE GUIDANCE OFFICE, NOW!" Halos tumahimik ang lahat ng nakapaligid at nakiki-isyoso na mga estudyante dahil sa sinigaw ko habang nakatingin dun sa lalaking estudyante na may benda sa ulo, halata naman dito ang gulat at pangungunot ng noo nito.
"Nako umalis na tayo sinigawan nya si King."
"Humanda sya kahit babae sya."
"Ayokong madamay kaya bahala kayo dyan."
Mukang marami-raming nakakatakot sa lalaking may benda na 'to sa ulo.
"T-teka miss tinatanong ko lang sya." Tinignan ko yung babaeng nakaupo at bakas ang takot sa kanya nito.
"Sino ka?" Tanong ko sa kanya pero nagtaka ko ng mag-isip sya.
'Nananadya ba 'to?!'
"E-ewan?" Wala sa sarili nyang sagot.
"Guys anong nangyayari kay King?"
"Hindi naman kaya nantirtrip sya?"
"Bakit hindi nya kilala yung sarili nya?"
"All of you go back to your rooms, NOW!" Sigaw ko at kahit hindi pa nila 'ko kilala wala silang nagawa kundi sumunod...
"Miss alam mo ba kung sino ko?" Hindi ko alam kung anong meron sa ulo nito at parang may pagkasaltik e.
YOU ARE READING
King student and I [COMPLETED]
RandomNote: There is no law when it becomes to me.... "WAGGG!!!" Napatingin kaagad ako sa likod ko at may nakita kong babaeng estudyante na nakaupo sa sahig... Kaagad ko yung nilapitan at nakarinig ako ng mga bulung-bulungan... 'Hay mga chismosa't chismos...