Hosea POV
"Iba talaga kapag libre." Nag tawanan sila dahil sa sinabi ni Maam Krisia habang kumakain... Kakauwian lang kase namin at dito na kami sa Wyoming restaurant dumiretso...
"Maam Hosea kelan mo sasagutin si sir gwapo?" Natawa ako ng magkantyawan sila matapos itanong 'yun ni Maam Robyn na animoy kinikilig kilig pa... Tinignan ko si Hexikiel at ngumisi naman sya ng nakakaloko dahil dun... Ang tawag kase ng mga co-teachers ko na babae sa kanya ay sir gwapo... Bukod daw sa ubod ng bango mukang mabait pa daw... Yeah kasama namin sya ngayon, hindi ko inaasahang pupunta sya kanina sa rebels highschool para lang sunduin ako at nagprisinta sya na manlibre na kasama ang mga co-teachers ko.
"Oo nga naman Maam Hosea alam mo bang bagay na bagay kayo bukod sa sobra kang maganda at may manliligaw ka na gwapo, talagang swerte." Napatingin uli ako kay Hexikiel dahil masyado ng lumalaki yung ulo dahil sa mga papuri at mga sinasabi ng co-teachers ko...
"Look, boto sila sa 'kin." Inismiran ko lang si Hexikiel dahil dun... Kung ano-ano pang pinag-usapan namin habang kumakain pero madalas parin ang pambubugaw nila sa 'kin kay Hexikiel...
"Sir gwapo ikaw na ang bahala dyan kay Maam Hosea, mauna na kami." Kinawayan ko pa sila at tinanaw na makalayo sa pwesto namin...
"Let's go?" Napakunot yung noo ko dahil sa narinig ko...
"Uuwi na 'ko." Tatawa-tawa kong sabi...
"I know, ihahatid na kita sa inyo dahil gabi na baka mapano kapa." Tinignan ko yung motor ko na nakaparada at mukhang nakuha naman nya ang ibig kong sabihin...
"Ipapahatid ko nalang 'yan sa bahay nyo." Nakangiti akong tumango-tango at inalalayan nya 'kong makasakay sa kotse nya at nang sumakay narin sya sinimulan na nya 'yung paandarin...
"Nakakatuwa yung mga co-teachers mo." Nakangiti at may halong pang-aasar na sabi nya...
"Tuwang-tuwa ka naman sa mga sinasabi nila." Pinasadahan nya pa 'ko ng tingin at ibinalik uli yung atensyon dun sa pagmamaneho...
"Syempre naman dahil bukod sa totoo ang sinasabi nila alam kong balang araw mangyayari din 'yung mga 'yun." Lakas talaga ng kompyansa nito sa sarili nya...
"Kamusta nga pala yung batang umaaligid sa 'yo?" Nung una nagtaka pa 'ko sa sinasabi nya pero kalaunan nakuha ko din kaagad 'yun...
"Hindi parin tumitigil." Tatawa-tawa ngunit seryoso kong sabi... Ngayon ko lang naalala na hindi ko sya nakita kaninang uwian na ngayon lamang uli nangyari... Sana eto na ang simula ng pagtigil nya sa mga ginagawa nyang kalokohan at kahibangan...
"He knows that we have a relationship? Bakit hindi parin sya tumitigil?" Naalala ko na naman yung time na sinabi kong may relasyon kami ni Hexikiel sa harap nya, kahit ang totoo ay wala dahil nanliligaw pa lamang si Hexikiel sa 'kin...
"Nababaliw na kase sya." Sabi ko habang naaalala 'yung mga ginagawa at ginawa nyang kahibangan...
"Kanino sa 'yo?" Napahinto ako at hindi nakaimik dahil sa biglaang pagtatanong ni Hexikiel... Hindi ko halos sya matignan ngayon dahil sa pagkaseryoso nya magmaneho matapos itanong ang bagay na 'yun...
"Pati ba naman bata pinagseselosan." Mahinang bulong ko habang umayos ng upo sa kotse dahil nararamdaman kong nag-iba ang ihip ng hangin...
"What?!" Nagulat naman ako dahil sa sigaw ni Hexikiel...
"Ang tinde rin ng tenga mo, talagang narinig mo pa 'yon?" Tatawa-tawa kong asik... Para naman mawala ang pagkailang sa pagitan naming dalawa...
YOU ARE READING
King student and I [COMPLETED]
RandomNote: There is no law when it becomes to me.... "WAGGG!!!" Napatingin kaagad ako sa likod ko at may nakita kong babaeng estudyante na nakaupo sa sahig... Kaagad ko yung nilapitan at nakarinig ako ng mga bulung-bulungan... 'Hay mga chismosa't chismos...