Asher POV
"Mag toothbrush ka ng maayos." Seryosong sabi ko sa kanya na tatawa-tawa n'ya namang sinunod.
Kinuha n'ya ang sipilyo at nilagyan ng toothpaste, matapos magmumumog humarap s'ya sa 'kin habang kinukuskos yung ngipin n'ya.
"Bakit ba puro ang ngipin mo kinukuskos mo? Dun sa labi tyaka sa dila dapat." Pinigilan kong pagtaasan s'ya ng boses dahil kahit naiinis ako hindi ko kayang sigaw sigawan ang mahal ko.
Kahit na may kasalanan s'ya sa 'kin.
Kasalukuyan kase kaming nandito sa bahay nila miss ganda dahil dito ako matutulog ngayong gabi.
Matapos n'ya kong paliwanagan kanina tungkol sa nangyari naniwala kaagad ako.
Tulad ng sabi ko may tiwala ako sa kanya....
Sa mga sinasabi n'ya.
Kung sakali mang magsinungaling s'ya...
Paniniwalaan ko parin s'ya kahit ikasasakit ko pa.
"D-dika mag-2-toothbrush?" Napabalik ako sa huwisyo at nakitang tapos na s'ya at nakatingin sa 'kin habang pinupunasan yung bibig n'ya.
"Tapos na 'ko." Aalis na sana ako sa pagkakatayo ko dito sa pintuan ng cr ng kwarto ni miss ganda kaya lang napahinto ako ng hawakan n'ya yung kamay ko kaya't pinigilan kong mapangiti dahil kailangan munang umarte haha.
"H-hindi kana galit sa 'kin?"
Pang fiftyfive times na n'yang tinatanong 'yan magmula palang kanina hanggang ngayon.
"Hindi." Pagkasabi ko nun tumalikod na 'ko at iniwan s'ya pero sa diko malamang dahilan parang namalikmata ako at nakita ang ngiti n'ya.
"Dito ako sa sofa mo, d'yan ka sa kama mo." Tahimik lamang s'yang pinagmasdan akong ayusin ang tutulugan ko at kita ko ang pagkilos n'ya sa gilid ng mga mata ko.
"A-asher labas tayo bukas." Simpleng tango lamang ang isinagot ko sa kanya.
"Kapag uwian mo aantayin kita duon sa lugar natin." Katulad kanina tumango lamang ako.
Hanggang ngayon nanghihina parin, pakiramdam ko babagsak ang katawan ko at gusto kona lamang muna itulog 'tong nararamdaman ko.
"Asher naman kausapin mo 'ko!" Tumingin ako sa kanya dahil sa lakas ng sigaw n'ya at nakitang namumula ang mga pisngi n'ya.
"Sabi mo di kana galit tapos ngayon halos puro tango ka nalang ano ba 'ko sa 'yo hangin?!" Nilapitan ko s'ya at ginulo ang buhok.
"Galit parin ako." Nag-iwas s'ya ng tingin dahil sa sinabi ko sa kanya.
"Asher so---
"Galit ako dahil naka toothbrush kana tas hindi mo tinuloy yung binabalak mo kanina du'n sa michiforest." Nung una napakunot yung noo n'ya at ilang sandali---
"Ahhh! Ano ba bat mo sinasabi 'yan?!" Natawa ko ng tumalon s'ya sa kama n'ya at nagtalukbong ng unan sa muka at parang lumpiang nagpagulong-gulong sa kumot n'ya.
"M-mali ka ng iniisip dahil hindi naman talaga kita hahalikan, dapat ano--- oo tama--- 'yun nga inilapit ko yung muka ko dahil bubulong ako sa 'yo. Napaka ashumero mo ha hindi maganda 'yan dahil---
"Mas maganda ka." Para s'yang batang tumango-tango habang nakangiti.
Ngunit hindi nakalagpas sa 'kin ang pamumula ng pisngi n'ya.
"Good night miss ganda ko." Tumalikod na 'ko at nahiga sa sofa, pinatay n'ya muna yung ilaw at nahiga narin sa kama n'ya.
Madilim man ngunit dahil sa sinag ng buwan naaaninag ko parin ang kisameng kulay puti dahil nakatihaya ako ngayon.
YOU ARE READING
King student and I [COMPLETED]
DiversosNote: There is no law when it becomes to me.... "WAGGG!!!" Napatingin kaagad ako sa likod ko at may nakita kong babaeng estudyante na nakaupo sa sahig... Kaagad ko yung nilapitan at nakarinig ako ng mga bulung-bulungan... 'Hay mga chismosa't chismos...