K.S.A.I: CHAPTER TWENTY SIX

1 0 0
                                    

Asher POV

"N-nurse kamusta na po sila?" Nag-aalalang tanong ko sa nurse na nag checheck ngayon sa mga kasamahan/kaklase ko...

"Maayos na ang kalagayan nila, dahil sa tinamo nilang mga sugat kailangan nilang makapagpahinga ng maayos." Paliwanag nung nurse at napagpasyahan ng lumabas...

Tinanaw ko 'yung mga kasama ko at kahit ayos na sila e kitang-kita at sariwang sariwa 'yung tinamo nila bagay na hindi ko matitigan ng matagal...

Mas lalo pa 'kong naawa dahil wala man lamang bumisita o pumuntang mga magulang nila dito dahil lahat daw 'to ay may mga trabahong inaasikaso kaya tinawagan naman nung mga 'yun ang mga doktor at nilagay naman nila sa private room matapos gamutin...

Tumingin ako sa orasan at naupo sa upuan... Pinag-iisipan ko kung bakit parang may mali sa mga nangyayare...

Kahapon lamang maayos kaming magkakasama habang nag eensayo para sa intrams, pero maski ako nagulat kagabi ng ibalita sa gc namin at sabihing nasa ospital daw sila...

Hindi ko alam kung nagkataon lamang 'to o talagang napakamalas ko lang talaga na tao... Kung kelan naman maglalaro na kami ngayon, tyaka pa nangyari ang bagay na 'to...

Napatikwas ako ng marinig kong nag ring 'yung ringtone ko at kaagad na sinagot ng makitang tumatawag si Winona...

"Hoy wala kana bang balak humabol?!" Nasapo ko na lamang 'yung noo ko dahil dun... Naririnig ko pa sa kabilang linya ang napakalalakas na mga sigawan bagay na nag-uudyok sa 'king marinig 'yun ng personal dala ng kuryosidad...

"Winona kritikal ang lagay ng mga kasamahan ko hindi ko sila kailangang iwanan dito, nakausap kona sila Jansen at sang-ayon naman sila sa 'kin." Napabuntong hininga ako matapos kong sabihin 'yun... Mahalaga 'tong laro na 'to pero mas mahalaga ang bantayan ko ang mga kasamahan ko...

"Asher naman sa tingin mo matutuwa 'yang mga kasamahan mo kung malaman nilang hindi ka makapaglaro ng dahil sa pagbabantay sa kanila? Sa tingin mo matutuwa sila na kapag nagising sila bumungad kaagad sa kanila na talo ang Section nyo? Sa tingin mo matutuwa sila na natalo kayo ng dahil sa hindi sila nakapaglaro at inundayan mo pa?" Tila ba may kung anong martilyo ang pumukpok sa ulo ko dahil sa sinabi ni Winona at dahan-dahang tumayo...

Tama si Winona... Mahirap ang naging ensayo namin at ilang oras at araw din ang ginugol namin... Pero di naman namin alam na magkakaganito pala...

Kailangan kong maipanalo ang laro para kapag ka gising nila may magandang balita akong maibabalita sa kanila...

Tumingin ako sa kanila at ibinalik 'yung atensyon dun sa phone ko...

"Aabot pa ba 'ko?"

...

"Oh my ghad look who's here!!! Kyahhh King is here!!!" Napalunok ako ng maghiyawan 'yung mga tao na nandito ngayon at kada hakbang ko ay ang pagsabay sa pag dagundong ng puso ko dahil sa kabang nararamdaman ko dahil diko alam kung umabot ba 'ko o nahuli na 'ko...

"Tumawag ng time out para sa Team King! Owww sandali nakikita nyo ba ang nakikita ko?! Tila kiniliti ang mga babae at hindi magkandamayaw ng makita ang King ng rebel high! Nandito na ang King!" Nakabibinging sigaw nung mc at nung tignan ko 'to ay nag thumbs up pa sya sa 'kin...

"Kyahhh King!"

"Iuwi mo 'ko ngayon na!"

"Mas lalo syang gumwapo sa suot nyang jacket!"

"Wala ba syang tiga punas ng pawis?! Itabi nyo ako na, kyahhh!"

"Go papa King!"

Napakamot ako sa batok ko dahil samutsaring mga sigawan ng mga nadaraanan kong mga babae na purong mga papuri ang sinasabi sa 'kin pero ganun paman hindi ako nakaligtas sa mga manunuod na lalaki na matatalim ang tingin sa 'kin... Isang ngiti lamang 'yung naipakita ko ng makita ang magkapatid... Bakit nakatulala si Winona?

King student and I [COMPLETED]Where stories live. Discover now