K.S.A.I: CHAPTER THREE

3 0 0
                                    

Asher POV

"Hindi natin pwedeng iwanan sya dito!" Napakunot yung noo ko ng marinig ko yun ng makapasok ako sa bahay ni ate Marie. Papasok na sana ko ng kwarto ko pero...

"Alam ko 'yun pero kailangan nating bantayan si mama." 

"Sa 'n pupunta o titira si Asher kung umalis tayo?! Sige nga?!"

"Naiintindihan kong mahirap pero pu-pwede natin syang iwan sa mga kumpare ko." 

"Per-

"Wag nyo ho 'kong alalahanin, marami napo akong naabala sa inyo." Seryoso kong sabi na nagpahinto sa kanila at bakas ang gulat marahil hindi nila alam na nandito na 'ko.

"Asher iho hindi ganun kadali sa 'min na umalis at iwan ka dito." Paliwanag ni ate Marie at kaagad nya kong hinila paupo sa isang upuang bangko.

"Ate Marie hindi nyo lang po alam kung ga'no ako kasaya ng binigyan ako ng pangalawang buhay, pasensya na po kung nahihirapan kayo na iwan ako sa ganitong sitwasyon. Pero 'wag po kayong mag-alala, hindi po 'ko gagawa ng alam kong mali o makakasakit sa kapwa ko. Eto po ako buhay na buhay, humihinga ng maayos. Nandito lamang ho pero po kailangan kayo ng mama n'yo at mas kailangan n'ya po kayo ngayon. Naiintindihan ko naman po na mahirap sa inyo pero ako po kase yung nahihirapan lalo't alam ko po na ako yung dahilan para 'wag po kayong makapunta sa nanay nyo." Hindi ko alam pero kumirot yung dibdib ko at parang kinakapos ng hininga dahil sa sinabi ko at pinigilan kong maiyak ng yakapin n'ya ako at yung asawa naman n'ya ay nanatiling nakatayo habang nakatingin sa 'min.

"A-asher pero pa'no ka? Sa'n ka titira?" Umiiyak at nag-aalalang tanong ni ate Marie.

"Madami pong paraan dun, 'wag nyo na po akong alalahanin. Kelan nga ho pala ang alis nyo?" Alanganin kong tanong at nagsisimula naring kabahan.

"B-bukas na ang alis namin." Nagpilit ako ng ngiti at hinawakan ko yung kamay ni ate Marie bagay na ikinagulat nya.

"Masaya po ako dahil tinulungan n'yo po 'ko at inalagaan ng mga panahong mangyari sa 'kin 'to, hindi ko man ho naaalala kung anong pinagsamahan natin pero nararamdaman ko po na importante kayo sa 'kin." 

"Asher naman e pa'no ko maaatim na umalis kung ganyan ka?" Natawa ko dahil dun...

"Mas panatag po ang loob ko ng nagpaalam po kayo sa 'kin kesa po umuwi ako at madatnan ko pong wala na kayo." Dun na bumagsak yung kanina ko pang mga luha na pinipigilan ko...

Hindi ko alam pero naiisip ko pa lang na mag-iisa ako parang ang hirap kaagad.

Tama, tama lang ang sinabi mo.

Sino ba 'ko para pigilan silang umalis at ipagkait ang nanay nila na kailangan sila?

Ilang saglit nagpaalam na sila na mag-aayos lamang sila ng mga gamit nila at nagpaalam naman ako sa kanila na aalis ako at magpapahangin lamang sa labas, pinigilan pa nila ko dahil baka daw maligaw ako pero sabi ko hindi ako lalayo kaya naman pinayagan nila 'ko, bumalik na lang daw ako bago maghapunan.

"King, tagay!" 

"Inom tayo, king!" Kinawayan ko lamang sila at sinenyasang magpakasaya lamang sila sa kanilang pag-iinuman.

Takte pati mga lasinggero kilala ako.

Ganto ba 'ko kasikat para may madaanan lamang ako tapos may kakaway-kaway sa 'kin tapos yung babati ng 'King', gan'yan tayo. ganun tayo. 

Iniisip ko sa'n na 'ko titira kapag umalis na sila bukas? Ayoko naman kila Ethan at Jansen dahil nahihiya ako at ayoko na sila pang maabala.

Bahala na.

King student and I [COMPLETED]Where stories live. Discover now