Nakapikit man ang dalawa kong mata nagtagumpay naman akong mahawakan yung phone ko na kanina pa gumigising sa mahimbing kong pagkakatulog!
Singkit ang mga mata ko dahil sa ilaw na nagmumula sa phone ko kung kaya't pinindot ko 'to at itinapat sa tenga...
"H-hello kung sino kang manok ka, wala pang alas kwatro para manggising ka." Inaantok kong ani dahil nararamdaman kong malapit na ulit bumigay ang mga mata ko...
"Pwes labasin mo 'ko dito kung ayaw mong tukain kita dyan."
O_O
Napabangon kaagad ako sa gulat ng marinig ko ang boses na nagmumula sa kabilang linya...
'Teka pati ba naman sa panaginip naririnig ko ang boses n'ya?! Aba aba matindi talaga ang epekto ni miss ganda sa 'kin!'
Dali-dali kong kinuha yung phone ko na nabitawan ko sa pagkakagulat at kaagad na itinapat uli sa tenga ko 'yun...
"Ayaw mo 'kong makita? Ituloy mo yang tulog mo at wag kana sanang magising."
LUNOK!
Grabe si miss ganda nga talaga 'to at hindi 'to panaginip wahhh!
Kaagad akong dumungaw sa veranda at nakitang sumakay na s'ya ng motor n'ya na nakaparada sa gilid ng kalye...
'Shete nandito nga s'ya at paalis na s'ya!'
Hindi ko na inisip ang matatamo ko dahil tinalon kona kaagad ang veranda at laking tuwa ko ng wala namang nabali sa mga buto ko dahil sa ginawa kong walangyang buwis buhay...
Nang buksan ko yung gate e kaagad naman akong nagpalinga-linga ng makitang wala na s'ya sa kaninang pwesto n'ya...
"Bobo mo naman kase Asher e sinabing nandyan nga s'ya sa labas dipa naniwala, 'yan wala na nilayasan kana!" Napahinto ako sa pagkaldag nung ulo ko ng makita ang anino ko na nagmumula sa liwanag na nasa likuran ko... Tek-
O_O
"Good morning." Nagulat s'ya ng yakapin ko s'ya dahil sa tuwang nararamdaman ko ngayong nandito s'ya ng ganitong kaaga sa harap ko...
"Ambango-bango naman ng miss ganda 'ko' talagang pinaghandaan ang pagpunta sa 'kin." Inilayo n'ya yung ulo ko sa kanya at tinignan...
"Manyakis, layo dahil muka kang aso na singhot ng singhot." Napalayo ako sa kanya at nanatili sa kinakatayuan...
"Good morning too miss ganda ko, alam kong namimiss mona 'ko pero bat dimo man lang sinabi na pupunta ka at ganto pa kaaga? Edi sana nakaligo't nakaayos na 'ko." Tinignan ko yung suot ko at nakitang nakapantulog pa 'ko...
"Oks naman yang suot mo ah bagay naman sa 'yo yang Sofia the first ah." Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil talagang nakikita ko na natutuwa s'ya sa suot ko ngayon...
'Si Neo ang nagpahiram nito sa 'kin at nung nakita naman ni Winona tuwang-tuwa s'ya at nung balak kong hubarin 'to e binantaan n'ya ko na di daw ako kakain kaya naman para sa tummy ko at kahit labag sa apdo ko sinuot ko ang lintik na 'to.'
Tinignan ko naman yung suot n'ya at nakitang naka leather jacket sya na mas lalong nagpaangat sa kagandahan n'ya.'
"Talagang pinaghandaan mo ang pagpunta sa 'kin bukod sa suot mo tas sa aga ng pagpunta mo." Kaagad kong tinignan ang ityura ko sa side mirror ng motor n'ya dahil baka mamaya may laway at mga muta pa pala 'ko nakakahiya...
"Tama na 'yan, dimo na kailangang mag-ayos." Napangiti naman ako dahil sa sinabi n'ya...
'Tama na 'yan, dimo na kailangang mag-ayos.' Dahil matagal ka ng gwapo NYAHAHAHAHA.
YOU ARE READING
King student and I [COMPLETED]
AléatoireNote: There is no law when it becomes to me.... "WAGGG!!!" Napatingin kaagad ako sa likod ko at may nakita kong babaeng estudyante na nakaupo sa sahig... Kaagad ko yung nilapitan at nakarinig ako ng mga bulung-bulungan... 'Hay mga chismosa't chismos...