K.S.A.I: CHAPTER FOURTY NINE

3 0 0
                                    

Hosea POV

"Oy may dayo!"

"Kanina pa sila d'yan e."

"Mukang maangas yung isa, banatan kaagad natin."

"Gago 'wag nga daw gumawa ng gulo e."

Hindi kona pinansin ang mga nagbubulungan na estudyante na para bang may pinagkakaguluhan na kung ano.

Jusko, bat pa nga ba 'ko magtataka e Rebel High 'to.

"M-ma'am Hosea?!" Huminto kaagad ako at hindi alam kung sa'n titingin dahil halos ang mga estudyante ay sa 'kin nakatingin ngayon.

T-teka sino sa mga estudyanteng 'to tumawag sa 'kin?

"Pre, si Ma'am nga!" Napakunot yung noo ko ng paligiran ako ng mga estudyante ng Rebel High.

Hinarangan ang daraanan ko!

"Ma'am Hosea long time no see, kame 'to Ma'am!" Tanging kamay na kumakaway lamang ang nakikita ko sa unahan dahil sa tatangkad ng mga estudyante ng rebel high.

"Ma'am mga dayo 'yan dito, kame bahala sa 'yo." Napangiwi ako dahil sa isang estudyante na 'yun.

Teka ano bang nangyayari?!

Kinalabit ko ang isang lalake.

"Alis, nagmamadali ako." Wala na silang nagawa kundi bigyan ako ng daan.

Matapos mahawi ang daan napatigil ako sa pagpupunas ng pawis ko dahil sa dalawang estudyante na nasa harap ko.

O_O

T-teka....

"Grabe pre mas lalong gumanda si Ma'am 'no?! Taena tignan mo oh!" Natawa kaagad ako dahil sa mga ityura ng mga 'to.

"Normal lang 'yan, yung matulala ka sa 'kin." Napailing-iling kaagad ako dahil sa kahambugan ng isa pa nitong kasama.

"Ginagawa n'yo dito?!" Natatawang tanong ko sa dalawang mahangin na 'to.

"Ma'am kilala mo sila?" Tanong ng isang estudyante ng Rebel high.

"Pumasok na kayo sa room n'yo, may klase pa kayo." Hindi sila sang-ayon ngunit wala na silang nagawa kundi sumunod sa 'kin.

Tumingin ako sa dalawang hunghang na 'to.

"Mga pasimuno ng gulo, tsk." Imbis na mainis natawa pa ang mga 'to sa sinabi ko.

Isang lalaking matangkad na ang pangalan ay Rhenzel at kambal tuko nyang si Szymon.

"Gara namang bat dito ka nila nilipat?" Tanong ni Szymon pero nagkibit-balikat lamang ako.

Imbis na manatili sa p’westo naglakad ako paakyat at habang nakasunod sila sa 'kin nagtanong-tanong sila ng mga bagay-bagay patungkol sa 'kin.

Kamusta daw ba 'ko dito at nalaman ko ring trip lang nilang magpunta dito dahil galing sila sa Wyoming Restaurant.

"Seya sino sila?" Bungad sakin ni Aiko dahilan para tumingin ang iba kong co-teachers.

"Mga estudyante ko dati sa kabila." Napatango na lamang sila dahil alam na nila ang sinabi ko.

Ibinaba ko sa table ko yung mga gamit ko dahil may half-hour pako para sa next room na papasukan ko.

"Limit your words." Paalala ko sa dalawa na naintindihan naman nila.

Mamaya kung ano-ano sabihin nila sa school nato abangan pa sila sa labas, mahirap na.

Kinuha nila ang upuan ng mga co-teachers ng makaalis ang mga 'to. Ako, at dalawang 'to pati narin sila Aiko ang nandito ngayon sa pwesto namin.

King student and I [COMPLETED]Where stories live. Discover now