K.S.A.I: CHAPTER TWENTY TWO

0 0 0
                                    

Asher POV

"Hoy anong ityura 'yan? HAHAHAHA." Inayos ko yung sarili ko dahil tawa parin ng tawa si Winona sa 'kin....

"Kinakabahan kase ako mamaya e." Pag-amin ko sa kanya at nag takip ng muka gamit ang dalawang palad ko...

"Tsk grade 7 palang mag lalaban mamaya wag kang ano." Tatawa-tawa nyang sabi at tumabi mula sa pagkakaupo ko...

"Btw diba Ikaw yung muse sa section nyo?" Natawa ko ng ayusin nya yung buhok nya at ipitik 'yun sa ere tapos nakangiting tumango habang iniipit yung buhok nya dun sa gilid nung tenga nya...

"Ako kase ang pinakamaganda sa section A syempre ayoko namang tanggihan yung gusto ng section kaya para narin makita yung kagandahan ko pumayag ako." Hinampas nya 'ko ng umiling-iling ako habang tumatawa...

"Hindi ako maganda Asher?!" Hindi ko sya sinagot at nag-iwas ng tingin...

"Kailan ba talagang ganyan ang suot mo dun?" Tanong ko sa kanya at sinipat naman nya ng tingin yung kasalukuyan nyang suot ngayon at tumingin sa 'kin... Naka jersey kase sya na may tatak ng section nila sa harap at sa likod naman nun ay ang posisyon nya na 'muse' ngunit kung sa player naman ng basketball ay mahahaba yung jersey nilä yung kay Winona naman ay kita yung pusod tapos naka maikling jersey short na mas lalong nagpakita ng kaputian at kakinisan ng kutis nya...

"Oo e bakit sexyng sexy ka ba sa 'kin? ano kaba Asher wag kang magpahalata parangtanga 'to HAHAHAHA." Naputol lamang 'yung pag-uusap namin ng lumabas si Neo mula sa kwarto at rumampa sa harap namin...

"Bat ganyan suot mo? HAHAHAHA." Mas lalo kong natawa ng itaas nya yung kamay nya na may hawak na dalawang pompoms na pink...

"I'm a cheerleader at mas maganda ko sa ate ko!" Wow meron pä palang mga ganun-ganun... Habang busy yung dalawa sa pagkuha ng litrato sa isat-isa ay kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko at tinignan 'yun...

Nung sabado pa 'ko walang paramdam sa kanya napapansin nya kaya? Miss na nya siguro ako... Matapos kase ang pagkanta ko nung araw na 'yun ay umalis na 'ko dahil hindi ko na kayang makita ang pagpapa-iinggit na ginagawa ni Hexikiel sa 'kin...

"Nandito na kame!" Napabalik ako sa ulirat at itinago uli yung phone ko sa bulsa...

"Woah grabe ang hot naman dito." Sigaw ni Ethan na ngayoy pinapaypayan ang sarili habang nakatingin kay Winona...

'Pa'no pä kaya yung isa.'

"Here's your jer-

"Oh bunganga mo Jansen baka pasukan ng bangaw 'yan!" Natatawang sigaw ni Ethan habang nakatingin kay Jansen na nakangangang nakatingin kay Winona...

"Hoy bakulaw anong tinitingin-tingin mo sa 'kin?!" Duon lamang napaayos ng sarili si Jansen at iniabot sa 'kin yung jersey na hawak nya...

"Kala mo sexy lake naman ng tyan." Mahina ng bulong ni Jansen na sapat lamang para kaming dalawa ang makarinig...

"Hoy Asher anong binubulong-bulong nyan dyan?!, nako wag mo ko antayin at talagang masisipa kita!" Nanggagalaiting sigaw Winona... Pero hindi sya pinansin ni Jansen at nauna nang umakyat sa may kwarto ko... Rinig ko pa yung sigaw na Winona habang sinusundan namin si Jansen...

"King pagkabihis mo ipatong mo 'tong jacket na 'to dahil tanging Ikaw lamang ang magsusuot nyan." Nagtataka man sa sinabi ni Jansen ay tinanggap ko 'yun at dumiretso na sa may banyo nung kwarto ko... Tinignan ko yung jersey at nakita kong kulay pula Ito na animoy nag aalab tas sa harapan nun ay may korona ng isang hari tapos sa ibabaw nun ang section namin...

King student and I [COMPLETED]Where stories live. Discover now