K.S.A.I: CHAPTER SIX

2 0 0
                                    

Hosea POV 

"Anak bilisan mong magbihis d'yan, may bisita ka." Nagtaka naman ako sa sinigaw ni mom mula sa sala at kasalukuyan akong nandito sa loob ng kwarto ko at nag-aayos
ng mga gamit ko dahil papasok na 'ko sa Rebels High.

Sino naman kaya yung bisita na sinasabi ni mom? 

Tinignan ko pa yung ityura ko sa salamin at napangiti ako, hindi sa pagmamayabang pero ang ganda ko talaga.

'Miss Ganda!' 

Parang may kung anong sariling bibig ang utak ko at wala sa sariling narinig ko 'yun, toss Asher. Napagpasyahan ko ng bumaba at...

O_O

"Good morning, for you." Iniabot sa 'kin ni Hexikiel yung bouquet flowers at kinuha ko naman 'yun tyaka ko s'ya hinarap...

"Anong ginawa mo dito?" Tanong ko at nakangiti naman sya...

"Pupunta na 'ko sa company namin sumabay kana sa 'kin." Sagot n'ya sa 'kin.

"May motor ako." Alam ko na napapansin n'ya ang ginagawa kong pagsusungit sa kanya, hindi ko din alam ang nangyayari sa 'kin kung bakit ako nagsusungit ng ganto.

"Anak mag pahatid kana kay Hexikiel, ginamit ng dad mo yung motor mo kanina at mahina na ang preno nun baka mapano kapa. Iho alam kong ihahatid mo ang anak ko mamayang uwian ikaw na ang bahala sa kanya." Nag-usap pa silang ni mom at ilang saglit inalalayan pa 'ko ni Hexikiel na makapasok sa kotse nya, umupo ako sa passenger seat at isinarado nya 'yung pinto at naupo sa driver seat para magmaneho.

Maski ako napansin ko din na humina ang preno ng ginagamit kong motor at ang balak ko sana pagka-uwi ko idiretso ko 'yun sa paayusan namin. Napabalik ako sa ulirat ng makita kong nasa harap ko si Hexikiel. 

Hindi ako gumalaw at pigil ang hininga ko dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa, akala ko kung anong gagawin nya pero napanatag ang kalooban ko ng makita kong sinuotan nya 'ko ng seatbelt at kaagad na pinaandar yung kotse. 

Tahimik lang ang naging byahe namin at walang bumabasag ng katahimikan, kahit nakatingin ako sa labas nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na pasulyap sulyap sya sa 'kin.

"Salamat, mauna na 'ko." Binitbit ko yung bag ko at binuksan yung pintuan ng kotse pero napahinto din kalaunan dahil may humawak sa braso ko at kaagad ko yung nilingon.

"A-anong oras uwi mo?" Tanong n'ya sa 'kin.

"6:00 pm." Nakangiti s'yang tumango at kaagad na 'kong naglakad papasok ng Rebel High.

"Hindi natin sya gagalawin dahil sabay-sabay tayong susugod sa kanya."

"Maghanda na s'ya dahil mas malakas na tayo sa kanya."

Napahinto lamang ang mga grupo ng kalalakihan ng dumaan ako at nakatingin silang lahat sa 'kin, unang tingin ko pa lamang sa mga 'to alam ko ng mga sisiga-siga 'to base narin sa mga suot nila at mga hikaw nila sa ibat-ibang parte ng muka. 

Imbis na pansinin pa dumiretso na 'ko sa paglalakad, napatahimik ang mga estudyante ko ng pumasok na 'ko at kaagad na naupo.. Tahimik kong nililibot ang paningin ko pero may muka akong hindi nakita, wala sya buti naman.

"Good morning." Sabi ko at nanatiling nakaupo, wala naman silang inimik o pagbati mula sa 'kin.. 

Ano pa bang aasahan ko Rebel High 'to.

"Get one whole sheet of paper and copy and answer this quiz for today." Habang idinidikit ko yung manila paper sa white board naririnig ko ang mga kaguluhan nila.

King student and I [COMPLETED]Where stories live. Discover now