K.S.A.I: CHAPTER SEVEN

2 0 0
                                    
Hosea POV

Tatlong araw na, tatlong araw na 'kong hindi makatulog ng maayos. 

Tatlong araw na magmula nun pero hindi parin ako makarecover sa mga nangyari, sa'n ba s'ya kumuha ng lakas ng loob at kapal ng muka para sabihin ang mga bagay na 'yun?! Nakakainis talaga, pakingnega.

~FLASHBACK~

""Kung iniisip nyo pong purong kahibangan ang sinabi ko pwes nagkakamali po kayo dahil mahal na mahal ko po ang anak nyo."

"Kung iniisip nyo pong purong kahibangan ang sinabi ko pwes nagkakamali po kayo dahil mahal na mahal ko po ang anak nyo."

Hindi ko maintindihan kung bakit nagpaulit-ulit ang mga katagang binitawan nya hindi lamang sa tenga ko kundi pati narin sa utak ko...

Dun na 'ko napatitig ng husto sa kanya... Gusto ko syang sapakin at sabunutan pero hindi ako makagalaw o makatayo man lamang kahit na magkatabi lamang kami... Narinig ko ang pagtawa ni mom dahil sa sinabi ni Asher...

"Iho, alam mo bang madaming nanliligaw sa anak namin pero maski isa wala pang nagiging boyfriend 'yan dahil sa tatay n'yang strikto." Tatawa-tawang sabi ni mom, totoo 'yun dahil kapag pumupunta sila dito sa bahay sa gate pa lamang lalabasin na 'to ni dad at magtatakbuhan na ang mga 'yon, tapos sya?! 

Papa'no n'yang nasasabi 'yang mga ganyang bagay kay Dad?!

"Hindi po 'yan ang gusto kong malaman kundi ang sagot n'yo po." 

What the heck! tumingin pa s'ya Kay dad na seryoso lamang na nakatingin sa kanya.

"Sa lahat ng nanligaw sa anak ko ikaw pa lamang ang naglakas loob harapin ang baril ko, nakikita kong mahal mo ang anak ko dahil sa mga sinasabi ng mga mata mo. Walang problema kung mahal mo ang anak ko, pero teacher ang anak ko at estudyante ka n'ya at masakit mang sabihin pero bawal 'yon sa batas." Tama ang sinabi ni Dad pero ipagkaila ko man gusto ko na mapag-isipan na n'yang itigil ang kahibangan n'ya.

"Alam ko hong bawal 'yon pero hayaan n'yo po 'kong ipakita sa kanya kung gaano ko s'ya kamahal." King-inis, tinamaan na ng lintik sumasakit ang ulo ko sa isang 'to.

"Nahihibang kana ba?! try mong iuntog yang ulo mo para magising ka!" Hindi ko na mapigilang sumigaw sa kanya.

"Wala sa 'kin ang desisyon, napatunayan mo sa 'king mahal mo ang anak ko base sa pagiging matapang mong harapin ako pero nasa kanya parin ang desisyon at kung anong magiging pasya ng anak ko du'n kami." Seryosong sabi ni Dad at tumango naman si Asher, sa sobrang inis ko kaagad akong nagmartya paalis at kaagad na pumasok sa kwarto ko at inilock 'yun.

King student and I [COMPLETED]Where stories live. Discover now