Winona POV
Patingin-tingin ako kay Asher habang nagtatrabaho ako dahil kanina pa s'ya wala sa sarili n'ya.
Naikwento naman sa 'kin nung dalawa yung nangyari kaya nagkagan'yan 'yan kaya nalaman ko.
At lahat nang nangyari n'on kay Asher sa Section C alam ng lahat ng rebel high dahil may pakpak ang balita.
Hayop ang tatlong babae na 'yon.
Pero kung tutuusin mas hayop ang nag-utos na gawin nila 'yon.
Planado at wala man lamang kaming nagawang mga kaibigan n'ya.
Hindi ako makapaniwala na s'ya ang mag-uutos ng bagay na 'yon para lang I frame up si Asher.
Pero dahil hindi ko nagustuhan ang ginawa nila kay Asher ako ang humarap sa kanila.
"Neo kunin mo ang gamit at uuwi na tayo." Nagulat man ang kapatid ko ngunit ng tignan n'ya kung sa 'n ako nakatingin kaagad s'yang kumilos at umalis sa tabi ko para sundin ang inutos ko.
Wala sa sarili si Asher habang inaasikaso ang mga customer at baka maulit na naman ang dati.
Lumapit ako sa kanya at tinapik-tapik s'ya dahil hindi n'ya naramdaman ang presensya ko.
"Itigil mo na 'yan uuwi na tayo." Napabuntong hininga lang ako habang sinusundan s'ya ng tingin ng mauna pa 'tong lumabas habang nakayuko.
Tsk tsk.
"Sabunutan naba natin ang teacher na 'yon?" Natawa ang kapatid ko ng samaan ko s'ya ng tingin at kaagad na sinundan si Asher.
Iniiwasan n'ya si Asher dahil sa eksena na nakita n'ya limang araw magmula ngayon...
Bakit n'on hindi n'ya gawin 'yon?
Mukang nagkakagusto na rin ang teacher na 'yon sa kanya...
Sabihin na nating nagmamahalan kayo pero hindi 'yan matutuloy kung nasa paligid n'yo lang ang humahadlang sa inyo.
...
"Ate bakit hindi mo kausapin yung teacher na 'yon?" Hindi naman ako nakaimik dahil sa sinabi ng kapatid ko.
Naisip kona rin 'yan pero alam ko ang mangyayari kapag ginawa ko 'yon.
Hindi s'ya maniniwala sa 'kin.
"Narinig ko nga sabi ni Rodz pinapak s'ya nung tatlong maharot na mga babae na 'yon." Mas lalong nag-init ang ulo ko dahil don.
Si Rodz ang dati naming kaklase nung 2nd year high kami.
"Nako kung hindi nagkaamnesia si Asher baka ni titigan s'ya ng babae dudukutin n'ya ang mata." Tama s'ya, naalala ko dati may kumapit na babae sa braso n'ya binali n'ya 'yon kaya hindi na nagtangka ang mga babaeng nagkakagusto sa kanya at ngayon sinamantala nila ang kahinaan n'ya dahil alam nilang wala s'yang Laban dahil hindi na s'ya kinakatakutan.
"Kwentuhan mo naman ako anong ginawa mo sa mga malalandi na 'yon?" Napangiwi ako ng dali-dali s'yang lumapit sa 'kin at excited malaman ang sagot sa tanong n'ya.
Eto lang kaseng kapatid ko ang pinagsabihan ko tungkol sa tatlong malalandi na 'yon.
Ang kakati nila mga hayop.
"Bakit ba gustong gusto mo malaman? Gusto moba gawin ko sa 'yo?" Tamo 'tong isa na 'to daig pa 'ko kung makairap irap.
"Kung ano mang ginawa mo kulang pa 'yon dapat gan'to!" Napahawak ako sa pisngi ko ng sampalin n'ya ko kayat sinabunutan ko naman s'ya.
![](https://img.wattpad.com/cover/269143922-288-k570633.jpg)
YOU ARE READING
King student and I [COMPLETED]
RandomNote: There is no law when it becomes to me.... "WAGGG!!!" Napatingin kaagad ako sa likod ko at may nakita kong babaeng estudyante na nakaupo sa sahig... Kaagad ko yung nilapitan at nakarinig ako ng mga bulung-bulungan... 'Hay mga chismosa't chismos...