First Chapter

9 0 0
                                    

Tanya's point of view

"Magandang umaga!"

Grabe napasarap ata ang tulog ko ah. Mamimili pa ako ng mga gamit sa eskwela, pasukan na kasi bukas.

Ako si Tanya Madlang-awa, labing pitong taong gulang. Unang taon ko palang sa kolehiyo sa Unibersidad de Malayan. Isa akong iskolar mula sa aming mayor.

Wala na akong ama, nawala siya noong limang gulang palang ako. Sabi ni inay, kaya daw nawala si itay ay dahil sa pagligtas niya sa isang lalaking bata na muntik nang masagasaan kaya si itay ang nabunggo ng sasakyan.

"O anak, tulala ka nanaman diyan. Di ba bibili ka pa ng gamit mo para sa eskwela?"

Anubayan, natulala pala ako. Di ko kasi maisip kung bakit pa nawala si itay. May balat ba ako o si inay sa batok?

"Nay, sasama muna ako sayo sa pagtitinda ng gulay."

Isang palingkera ang aking inay. Nagtitinda siya ng mga gulay. Minsan tinutulungan ko siyang magtinda pag walang pasok.

"Hindi anak, umalis ka na. Maraming tao sa Divisoria ngayon at baka matagalan ka pa sa pag-uwi."

"Salamat, inay. Sige ho, mauna na ako. Ingat ka, inay."

"Ikaw din, anak."

~

"Anubayan! Dito pa ako ibinaba. Andaming sasakyan na dumadaan. Mamaya, mamatay ako ng di oras nito!"

Unti-unti na akong naglakad habang naka-walk sign nang-

"Aaahh!"

Buo pa ba ang katawan ko? Buhay pa ba ako?

Napaupo ako dahil akala ko mamamatay na ako. Ansakit tuloy.

"Ano ba! Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? Kita mong bawal pang tumawid! Kung gusto mong magpakamatay, pwede wag nalang pabunggo? Nakakaperwisyo ka eh!"

Aba! Ang kapal naman ng lalaking ito!

"Ako? Ako po? Tingnan mo na naka-walk sign pa oh! Atsaka hindi ako magpapakamatay!"

Naiirita na ako sa lalaking ito!

"At ako pa ngayon ang sinisisi mo?"

"Oo! Di marunong sumunod sa batas trapiko! Dapat sayo di binibigyan ng lisensiya!"

"Tumigil ka! Pinagtitinginan na tayo! Tumayo ka na!"

Pinagtitinginan na pala kami. Nakakahiya!

"Ansakit kaya ng binti ko! Napilayan ata!"

"Umalis ka diyan! Trapik na oh!"

"Ang kapal talaga ng mukha mo!"

Halatang naiirita na siya nang bigla nalang akong binuhat.

"Ano ba! Ibaba mo ako!"

Tinatry kong umalis sa pagkakabuhat niya at tumatadyak-tadyak sa ere.

"Tumigil ka!"

Sabay ibinagsak ako sa isang upuan sa harap ng restaurant.

"Aray! Ansakit nun oh!"

"Alam mo dahil sayo, late na ako!"

"Aba! Ako pa? Ang kapal naman ng mukha mo! Walang hiya! Walang modo! Kung marunong ka kase sumunod sa batas trapiko, edi sana di ito mangyayari sa akin!"

"Kung kailangan mo ng pera, oh eto!"

Kumuha siya ng pera sa wallet niya at ibinato sa akin.

"Oh, ayan. Wag na maarte, aalis na ako!"

"Grrr!"

Kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya. Ang kapal talaga ng mukha. Ang sakeeet!

"Miss, mag-oorder ho kayo?"

"Hindi, nakikiupo lang. Napilayan kasi ako."

Nagpaika-ika ako sa paglalakad habang namimili sa Divisoria. Walang silbi ang dalawang oras na pag-upo ko dun sa restaurant.

Teka, magkano ba yung binigay nung lalaki kanina? Mabilang nga.

"Isa, dalawa, tatlo, apat, lima.."

Aba! Limang libo? Hays napakayabang na tao. Basta basta nalang nagtatapon ng pera. Walang asal. Siguro mayaman yun. Di bale, itatago ko nalang to para pag nagkita kami, ibabalik ko ito sa kanya.

"O anak, ano nangyari sa iyo? Bakit paika-ika ka maglakad?"

"A inay, wala lang ito. Natapilok lang. Hayaan mo nay, bukas ay wala na ito."

"Gusto mong samahan kita kay Aling Isidra para ipahilot yan?"

"Nay wag na, okay lang talaga ako."

Tristan's point of View

Ay nako! Nakakainis talaga yung babaeng yun! Di tuloy ako nakapaghang-out with my friends! Panira ng araw yung babaeng yun ah!

Ako si Tristan Lois Javier, labing pitong taong gulang. Isang guwapo at mayamang lalaki.

Sabi nila, easy go lucky daw ako at cassanova. Dapat kasi ang mga babae, pinapaikot at niloloko! Well, I don't care sa mga girls kahit isumpa nila ako. Marami pa namang babae diyan na puwedeng maloko eh! Pare-pareho lang naman sila, mga mukhang pera.

"Sir, hinahanap na ho kayo ni Mam."

Anobayan! Panira si Aling Betty! Siya ang isa sa sampung kasambahay dito sa bahay.

"Oo sige, bababa na ako."

Hay nako, si mommy nanaman. Dali-dali akong bumaba at pumunta sa dining area para sa hapunan kasama si mommy.

"O Lois, pasukan mo na bukas ha? Matulog ka ng maaga."

Si mommy talaga oh, iniispoiled ako palagi. Si daddy naman, President ng company kaya laging nasa office.

"Ok po, mommy."

SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon