Tristan's point of view
Alam niyo ba kung anong meron ngayon? 1st anniversary na namin ni Tan. Hindi ko inakalang magtatagal kami ng ganito. Napakasaya ko.
Marami naring nagbago simula noong naging kami. Lagi na ring sweet sa akin si Tanya. Pero minsan nahihimatay pa rin siya at minsan naman ay ang taas ng lagnat. Pero ayaw naman niya magpacheck-up. Gastos lang daw kasi.
Hmm. Ano kayang ibibigay ko sa kanya ngayon? Chocolates? Ayoko. Teddy bears? Hindi siya mahilig sa ganon. Hmm.
"Hello po. Ano po bang maganda para po sa anniversary? Sige po, dadaanan ko nalang po diyan."
Ayan, may ibibigay na ako.
"Tan, kanina ka pa? Sorry ah, nagpatulong kasi si inay sa paghahanda ng mga gulay."
"Hindi naman, kararating ko lang. Ano, tayo na?"
Naglakad na kami papunta sa school.
"Happy anniversary, Tan!"
Pagbati sa akin ni Tanya habang may hawak na box.
"Ano to, Tan?"
"Bracelet! Bigay ko. Sorry kung yan lang ah."
Sabi niya habang kinakabit ang bracelet na may nakaukit na 'Tan'.
"Okay lang to. Ang cute kaya!"
"Talaga? Eh ikaw, anong regalo mo?"
"Secret!"
"Eh? Baka wala ah."
"Meron talaga, ok?"
Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa school.
"Happy anniversary sa inyo!"
Sabay-sabay na pagbati nina Allia, Nikka, at Aicelle.
"Nako guys, thank you!" Pagpapasalamat ni Tanya.
Hanggang sa dumating na ang mga professor at nagklase na kami. Saan ko kaya ibibigay yung gift ko?
Tanya's point of view
Umabot na nga kami ng isang taon. Oo, first anniversary namin at di ko akalain na nagtagal kami. Andami na rin kasing nagbago. Di na siya bumalik sa pagiging playboy.
Kinekwento ko kay inay na may boyfriend na ako pero hindi pa niya nakikita si Tristan. Hindi pa alam ng magulang ni Tristan na may relasyon kami pero nagtuturo parin ako kay Tristan.
~Kriiiiing!~
Tapos na ang klase. Pumunta na kami sa ovalpark para gumawa ng mga assignments. Pero bago kami makarating sa ovalpark ay wala na sina Tristan, Chris, at Joshua. Hmm. Nasaan na iyon at biglang nawala? Saan kaya sila pumunta?
Pagdating namin sa oval park ay umupo na kami sa damuhan.
"Nasaan sila Chris?" - Aicelle
"Hindi ko alam, bigla nalang silang nawala." - Allia
Nagulat kami nang may biglang tumugtog ng gitara. Kinikilig na sina Aicelle, Allia, at Nikka. Pagharap ko sa likod ko, nakita ko si Joshua na tumutugtog ng 'Sayo' sa gitara. Si Chris naman ay may hawak na cartolina na may nakasulat na 'Happy Anniversary, Tan'. Asaan si Tristan? Lumapit siya at may ibinigay sa akin, Cosmos flower.
"Cosmos, ibinibigay ko ito sayo bilang simbolo ng kagandahan. Dahil ikaw ay maganda, Tan."
Kinuha ko lang ang bulaklak. Sunod niyang ibinigay ay pulang rosas.
"Eto naman Red rose, means love. I love you, Tan."
"I love you too, Tan."
Ngumiti naman siya.
"Daffodil means you are the only one for me. Ikaw lang ang nag-iisa sa puso ko. Hinding hindi kita ipagpapalit sa kahit sino dahil binago mo ang buhay ko, and I respect you so much."
Nagsimula nang tumulo ang luha ko dahil sa saya at hindi dahil sa lungkot. Sunod niyang ibinigay ang hyacinth na kulay asul, na ang ibig sabihin ay sincerity.
"Eto naman ang Hyacinth, dahil sincere ako sa lahat ng bagay. At lahat ng bagay na ginagawa ko ay para sayo, dahil mahal kita."
Nagpupunas na ako ng luha. Sunod niyang ibinigay ay Forget me not.
"Tan, ito naman ay Forget me not flower. Siguro naman alam mo na ang meaning, nasa pangalan na kasi ng bulaklak. Wag na wag mo akong kakalimutan. Gusto kong isipin mong lagi na mahal na mahal kita, Tanya."
Kumuha ulit siya ng bulaklak, ang miniature na rose.
"Tanya, tulad ng Forget me not flower, always remember me, pagkagising mo, pag natutulog ka, at pag nalulungkot ka."
Kumuha naman siya ng Narcissus flower.
"Narcissus flower. Tan, I want to stay sweet to you always, tulad ng pagiging sweet mo sa akin."
Andami ko na ngang hawak na flower. Ngayon naman, ang binigay niya ay ang Azalea flower.
"Tan, itong Azalea flowers. I want you na laging alagaan ang sarili mo para sa akin. Take care always for me, Tan."
"Eto naman ay Phlox flower, meaning our souls are united. Naniniwala kasi ako na soulmates tayo at pinag-isa ni God para maging masaya sa bawat isa."
"Ito naman ay Amaranth. Means never fading. Sinisigurado ko sayo na ang pagmamahal ko sayo ay hindi maglalaho at hindi magbabago. Ikaw lang ang natatangi sa puso, isip at buhay ko."
Lalong kinikilig sina Aicelle, Allia, at Nikka sa likuran. Kumuha naman ulit si Tristan ng Antirrhinum flower na ang ibig sabihin ay no secrets.
"Tanya ko, ipinapangako ko sayo at sa lahat lahat na hindi ako magsisikreto sayo sa lahat ng bagay at sa lahat ng oras."
Ngumiti siya sa akin na parang sinasabi na ako nga lang ang mahal niya. Ang huling bulaklak na inilabas niya ay ikinagulat ng lahat at kahit ako rin. Napasinghap ako ng makita ko yung bulaklak. Alam niyo ba kung ano? CYCLAMEN, at ang ibig sabihin nito ay resignation o goodbye.
"Tanya, alam kong nagulat ka dahil alam mo ang sinisimbolo ng bulaklak na ito. Oo, ang ibig sabihin nito ay goodbye o pamamaalam, pero ipinapangako ko na hinding hindi kita iiwanan dahil mahal na mahal kita, Tanya. Hindi ko kayang iwan ka dahil ayokong makitang nasasaktan ka at umiiyak nang dahil sa akin. Pangako ko na ikaw lang ang tanging babaeng gusto kong makasama habang ako'y nabubuhay."
Naglabas siya ng lighter atsaka sinunog ang bulaklak na Cyclamen. Pagkatapos ay niyakap niya ako. Napaiyak ako lalo nang maramdaman ko ang yakap niya. Pagkatapos ay naglabas siya ng isang box at nang buksan niya ito ay may kwintas na silver na ang pendant ay letter T na may diamonds.
"Happy anniversary, Tan."
Bati niya habang sinusuot sa akin ang kwintas.
"Di mo naman kailangan na bumili ng ganito eh." Sambit ko
"Ok lang. Mahal naman kita."
"Ok sige, kayo na talaga sweet!"
Nagtawanan lang ang lahat at kami ni Tristan dahil sa sinabi ni Aicelle.
"Mahal kita, Tanya ko."
"Mahal din kita, Tristan."
Atsaka niya ako niyakap ulit at hinalikan sa noo. Sana nga ganito nalang kami palagi, yung masaya.
"Punta ka bukas sa bahay ha? Ipapakilala na kita kay inay, okay?"
"Okay, Tan."

BINABASA MO ANG
Sayo
RomanceTanya narrates the story of how the death of her father changed everything she knew about love.