Twenty-fifth Chapter

2 0 0
                                    

Tristan's point of view

Hindi ko maintindihan. Isa lang siyang masayang hapunan at ngayon ay pinagbabawalan na ako. Hindi ko akalain na ang ama pala ni Tanya ang nagligtas sa akin noong bata pa ako. Namatay pala siya nang dahil sa akin, at ngayon ay itinadhana na maging kami ni Tanya.

Oo, alam kong ako ang may kasalanan kung bakit sumagip at nagbuwis ng buhay ang tatay niya. Oo, masakit ang mawalan pero sana hindi naman ipinaparamdam sa amin iyon at pinaghihiwalay kami. Ayokong masaktan si Tanya nang dahil sa akin. Ayokong makita ng nasasaktan si Tanya, at umiiyak.

"Tristan, namiss kita."

Pagyakap sa akin ni Tanya habang umiiyak. Pinunasan ko ang luha niya.

"Na-miss din kita, Tanya. I'm sorry."

"Wag kang magsorry, Tristan. Masaya naman ako sayo eh. Kung siguro mapapanganib ka ulit ay pipilitin ko ulit na iligtas ka."

"Tanya, hindi mo iyon kailangang gawin. Mas pipilitin kong isugal ang buhay ko para sayo, dahil mahal kita."

"Mahal din kita, Tristan."

Hinalikan ko siya sa noo at tumigil narin siya sa kanyang pagluha.

"Pagkatapos natin sa tutorial mamaya, ipapakilala na kita kay mommy at daddy."

"Okay, Tristan."

~

Pagkatapos nga ng klase ay pumunta na kami sa bahay. Habang nag-aaral kami ni Tanya ay kinakabahan ako. Sana ay matanggap siya nina mommy at daddy.

"Okay ka lang ba?" - Tanya

"Oo? Medyo?"

"Wag kang kabahan. Pati ako kinakabahan sayo eh."

Nang matapos ang pag-aaral namin ay pumunta na kami sa Dining area. Pagkatapos kasi lagi ng pag-aaral ay pumupunta na kami doon at sumasabay kay mommy at daddy na maghapunan.

Pagkababa namin ay umakyat na si Aling Betty para tawagin sina mommy at daddy. Nang sila ay makababa na ay nagsimula nang kumain ang lahat. Tahimik lang at walang umiimik.

Tiningnan lang ako ni Tanya at halatang kinakabahan siya, kaya nginitian ko lang siya.

"Ma, pa... May girlfriend na po ako."

"Sino anak? Maganda ba? Matalino?" - Mommy

"Maganda po siya at matalino. Siya ho ang bumago sa akin at mahal na mahal ko siya."

"Binago ka? Sino nga?" - Daddy

"Si Tanya po, Tanya Madlang-awa. Siya po."

Itinuro ko si Tanya at ngumiti siya kina mommy at daddy.

"Oh my! Salamat sayo at binago mo ang anak ko." - Mommy

"Sa kanya nga ho ako nagpapasalamat kasi lagi niya ho akong pinapasaya." - Tanya

"Hindi maaari!" - Daddy

"Bakit, dad?"

"Isang hamak na mahirap lang siya! Hindi siya mayaman! Ang mga mahihirap ay mukhang pera. Ayoko sa kanya. Sisirain lang niya ang buhay mo, Tristan. Pag mas pinili mo siya na isang mahirap, ay itatakwil na kita."

"Dad, kahit mahirap siya, ay mahal ko siya. Hindi importante sa akin kung mayaman siya o mahirap. Hindi ko kayang mawala siya sa akin. Kung ayaw niyo siya, pwes hindi ko rin ikaw tanggap. Lagi mo nalang akong tinatakot na itatakwil mo ako, edi gawin mo! Hindi ako natatakot."

"Tristan, tama na." - Tanya

"Anak, wag mong sigawan ang daddy mo." - Mommy

"Lumayas kayo! Ikaw Tristan, kung gusto mo pang bumalik dito ay hiwalayan mo ang isang hamak na mahirap na babaeng iyan! Layas!" - Daddy

Lumabas na kami ni Tanya. Atsaka ko siya niyakap.

"Wag kang-iiyak. Tandaan mo na mahal na mahal kita."

"Mahal din kita."

Atsaka ko siya hinalikan ulit sa noo, at umalis na kami.

SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon