Sixth Chapter

5 0 0
                                    

Tanya's point of view

"Uy! Tanya, help me naman please? Help mo ako magreview. Onti lang naman. Di kasi ako masyado nakapagreview kagabi eh. Walang kasing nagbabantay sa kapatid ko kagabi. Iyak siya ng iyak eh. Di tuloy ako nakapagreview ng maayos."

Pagmamakaawa ni Aicelle.

"Ok, sige. Tara."

Nagreview na nga kami hanggang makarating na sina Nikka, Chris, Allia, at Joshua. Sabay sabay na kaming nagreview bago magsimula ang exam.

~Blaag!~

Napatigil ang lahat sa pagsasagot ng exam ng marinig ang malakas na paglagabog ng pinto.

"Oh, Mr. Javier! Late ka na naman! Hindi mo ba alam? Exam niyo ngayon! Umupo ka na sa likod ni Ms. Madlang-awa. Kayo! Magpatuloy na kayo sa pagsasagot sa exam!"

Paninigaw ni Sir Magtalas. Lagi nalang kasing ganyan si Tristan eh. Kung minsan naman may dala pang babae na di namin kaklase.

Umupo na nga si Tristan sa likod ko.

"Oh! Sagutan mo! Alam mo naman ang mga rules diba Mr. Javier? Basta walang kopyahan."

Nakafocus na nga ulit ang lahat sa pagsasagot ng exam. Pero ako? Hindi! Naiirita na ako dito. Kanina pa ako kinakalabit dito ni Tristan. Ano ba kasing problema nitong taong ito? Naiirita na talaga ako. Nilingon ko siya.

"Ano?"

Pabulong kong sabi.

"Pakopya. Wala pa akong sagot eh"

Ipinakita pa niya ang papel niya na pangalan pa lang ang nakasulat. Ano namang pake ko kung wala pa siyang sagot diba?

Lumingon na ulit ako sa test paper ko. Pero di parin niya ako tinitigilan at ngayon ay hinahatak niya ang buhok ko.

"Ano nanaman?" Bulong ko ulit.

"Please? Ide-date kita."

Aba't! Tingin niya crush ko siya? Napakaechosero naman nitong lalaking ito oh! Pakisapak please?

"Mukha mo! Magsagot ka ng sarili mo."

Nagsagot na ulit ako ng exam. At ngayon hinahatak nya ang uniform ko.

"Ayoko nga kasi."

Sabi ko sa kanya. Nako dapat matuto siyang sumagot ng exam mag-isa.

"Please? I will give you money."

At ngayon iniisip niya na mukha akong pera?

"Sorry, but hindi ako mukhang pera, ok? Kaya mo yang sagutan kasi malaki ka na diba?"

Nakita kong nanggigigil na siya at parang gusto na akong pigain dahil ayokong magpakopya.

"Please na? Gagawin kitang girlfriend ko."

At ngayon parang gusto ko na siyang sampalin.

"Sorry, di ako pumapatol sa mga taong walang PUSO!"

Panggigigil ko sa kanya.

"Pass the papers now! Time na class!"

Sigaw ni Sir Magtalas. Nagsimula nang magpasa ng papel ang mga kaklase ko. At ngayon pinipisil-pisil ni Tristan ang balikat ko na parang minamasahe.

"Pwede ba! Tigilan mo nga ako! Wala akong paki kung wala kang masagot! Hindi ka kasi nagreview eh! At ngayon nagpupumilit kang pakopyahin kita? Tumigil ka!"

Paninigaw ko kay Tristan.

"Ano to Mr. Tristan Lois Javier? Nakakahiya ka! Isa kang estudyante ng Malayan pero nangongopya ka lang! Ms. Madlang-awa, you may pass your paper. On others, you may go. Tristan, akin na ang papel mo!"

Binigay naman ni Tristan ang papel niya na agad naman na pinunit ni sir.

"Mr. Javier, pinapatawag ko ang mga magulang mo bukas. Kailangan ko silang makausap or you will be suspended!"

Nakakatakot ang mukha ni Sir Magtalas na parang gusto na niyang ibitin si Tristan ng patiwarik. Lumabas na kaming lahat ng classroom at iniwan namin mag-isa sa classroom si Tristan.

SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon