Tanya's point of view
Monday na. Lumipas na ang araw mula noong party ni Allia nung Wednesday. Mula nung party ay di na ako nagtutor. Buti nalang at hindi na ako kinulit ni Tristan. Alam niya naman siguro kung ano ang ginawa niya.
"Huy! Sino ba kasi yung nakalast dance mo?" Pangungulit ni Aicelle.
"Wala, umalis na ako bago mag last dance." Sagot ko.
"Weh? Nakita nga kita habang nag-e-eighteenth dance eh. Sumasayaw ka pa." - Aicelle.
Mukhang wala ata akong kawala dito ah.
"Oo na, sumayaw ako hanggang last."
"Eh bakit ka umalis nung nagtanggalan na ng maskara?" - Nikka.
"Trip ko lang."
"Eh? Pangit ba partner mo?" - Allia.
Magsasalita na sana ako nang biglang pumasok si Tristan sa room at dumaan sa harap namin.
"Hindi naman talaga. Trip ko lang umalis."
Napatingin sa akin si Tristan dahil sa nasabi ko.
"Eh bakit di ka na bumalik? Nakita ka nalang namin na tulog na." - Nikka
"Nanghihina na ako eh. Atsaka ayoko na ring magtagal doon sa party."
Pumasok na si Sir Magtalas.
"Sino yung mga sumayaw sa party ni Ms. Allia?" - Sir Magtalas.
Marami ang nagtaas ng kamay. Halos lahat pala sa room ay sumayaw.
"Sino yung mga naka-last dance niyo?" - Sir Magtalas.
Inisa-isa ni Sir Magtalas yung mga nagtaas ng kamay para sabihin kung sino ang mga nakasayaw nila.
"Eh sino yung last dance niyo, sir?"
Tanong ng isa naming kaklase.
"Si Mam Judith."
Nag-yiee ang mga kaklase namin na parang kinikilig. Well lagi naman kasing nakikitang magkasama sina Sir Magtalas at Mam Judith eh.
"Eh ikaw naman, Mr. Javier?"
Tumayo naman si Tristan at sinabing...
"Si Ms. Tanya po sir."
Nagulat ang mga kaklase ko kahit sina Aicelle, Allia, Nikka, Chris, at Joshua. Nakita kong kumunot ang noo ni Joshua habang nakatingin sa akin.
"Ms. Tanya, totoo ba ito?"
Naghihintay ang lahat sa sagot ko.
"Opo, sir. Siya nga po ang naka-last dance ko."
Naghiyawan ang lahat. Sino ba naman kasing hindi magugulat? Alam nilang lahat na magkaaway kami. Totoo naman kasi.
"So, what's the plan, Mr. Javier?"
Ngumiti si Tristan at tumingin sa akin.
"Balak ko ho siyang ligawan."
Nagkagulo na ang lahat sa sinabi ni Tristan. Parang may sanib silang nangingisay sa kilig.
"So, paano ba yan, Ms. Tanya?" - Sir Magtalas.
"Sir, excuse po. Pupunta lang po ako sa clinic. Parang tumataas po kasi yung dugo ko."
"Ok, Ms. Tanya, you may go."
Nakita kong tumatawa pa si Sir bago ako lumabas. Para akong lutang na naglalakad dito ngayon sa hallway. Seryoso ba siya?
Naramdaman kong may humawak sa braso ko. Si Tristan.
"Pwede ba Tristan wag ngayon? Pagod ako."
Hindi niya ako binitawan. Naglakad lang siya papuntang oval park habang nakasunod lang ako dahil ayaw niyang bitawan ang kamay ko.
"Ano? Bakit mo ako dinala dito? Sisigawan mo nanaman ako? Tristan, pagod na ako."
"Di ko gagawin yon, Tanya. Yung sinabi ko kanina, totoo yun. Kaya Tanya, hayaan mo akong ligawan ka. Please, Tanya?"
"Tapos ano? Itutulad mo ako sa mga girlfriends mo? At kung di ako pumayag na ligawan mo ako, titigil ka ba? Hindi naman diba? I'm sorry, Tristan, pero ayokong isugal ang puso ko sayo at kung kanino man. Kaya kung may balak kang ituloy ang kung anong balak mo, please lang wag mo nang ituloy."
"Tanya, kung akala mong nagloloko ako, hindi, dahil mahal kita. Hindi ko alam kung bakit pero handa akong ligawan ka sa ayaw mo at sa gusto mo. Papatunayan ko sayo na ikaw yung taong dapat iniingatan at hindi sinasaktan. Dahil binago mo ako. Basta maghihintay ko para sayo, Tanya."
Nakita kong naglandas na ang mga luha sa kanyang pisngi. Nanginginig na din ang kanyang mga kamay na nakahawak sa akin. Bakit ako pa? Sa dinami-dami ng tao sa mundo napaibig ko pa ang isang lalaking nangwawasak ng puso ng iba?

BINABASA MO ANG
Sayo
RomantizmTanya narrates the story of how the death of her father changed everything she knew about love.