Ninth Chapter

5 0 0
                                    

Tristan's point of view

~"Wow! Ang kapal talaga ng mukha mo ano? Di ako magkakagusto sa isang taong walang ginawa sa buhay kung hindi ang magloko at manakit ng iba."~

Sino ba ang babaeng yun at laging ginugulo ang mundo ko? At ano to? Ang lakas ng kabog ng puso ko. Di ko alam kung bakit. Imposibleng may gusto ako sa kanya. Ayoko sa taong ganun, at ayokong umibig dahil ang mga babae dapat laging pinapaluha.

Ang lambot ng mga labi niya. Kung ako ang first kiss niya, alam niyo din ba na siya ang first kiss ko? Nakakagulat diba? Oo, playboy nga ako at nagpapalit-palit ng girlfriend, pero kahit isa sa kanila, wala pa akong hinalikan.

Pero hindi! Hindi ito pwede! Ayoko sa kanya! Grr! Ginagawa niyang miserable ang buhay ko!

Tanya's point of view

Nakakapanginig talaga ng dugo at laman yung taong yun! Parang gusto ko siyang kaladkarin at ihulog sa bangin na kung saan ang babagsakan ay dagat na maraming pating!

Ninakaw niya ang first kiss ko! Napakakapal talaga ng mukha! Kung ginawa niyang miserable ang buhay ko, pwes, gagawin kong pinakamiserable ang buhay niya na mas pipiliin niyang mamatay nalang. HAHAHA!

"Tanya, lutang ka nanaman diyan."

Pagyuyugyog sa akin ni Nikka.

Nandito kami ngayon sa oval park ng school. Di na kami nakapasok ng last subject dahil late na kami. Buti nalang nung nakaraang araw ginawa ang exam doon sa subject na iyon.

"Ok ka lang ba talaga?" Tanong ni Aicelle.

"Oo, ok nga lang talaga ako."

"Ano ba talagang nangyari?" Pagtatanong ni Allia.

"Wala naman talaga. Inaway lang niya ako dahil doon sa Cheating thingy."

Sabi ko na agad namang ikinapaniwala nila. Buti nalang talaga at nandito lang sila. Di ko man masabi ang totoo,pero alam kong lagi silang nandito para sa akin at di ako iiwan.

"Ay, oo nga pala may tutorial ako kay Mara ngayon."

Patayo na sana ako ng bigla akong hinawakan sa braso ni Joshua.

"Aa Tanya, bukas pa yun kasi kahapon yung una, Monday."

Bigla kong naalala na bukas pa pala yung susunod na tutorial.

"Tanya, mukhang stress ka ngayong araw ah? Tumakbo nga naman ng sobrang malayo at makipag-away sa anak ng kung sinong halimaw eh siguradong nakakastress yun. Uwi ka na kaya? Uwian narin naman eh. Kaya sabay-sabay na tayo." Sabi ni Nikka.

"Sabay nalang kayo sakin Nikka, Aicelle, at Tanya. Ihahatid ko nalang kayo sa bahay niyo." Pag-aalok ni Allia.

"Siguro nga kailangan ko ng umuwi. Allia, wag nalang. Baka maabala ka pa namin."

Tumayo na nga kaming lahat at sabay sabay na nagligpit ng gamit. Dumaan muna kami sa canteen para samahan sina Allia at Nikka para bumili ng pagkain.

"Ayaw mo talagang kumain, Tanya?" - Nikka

"Ayoko nga talaga. Busog pa ako, siguro pag-uwi ko nalang ng bahay saka ako kakain."

"Ayaw mo talaga? Ililibre kita." - Allia

"Hindi talaga, next time nalang."

Dumaan din kami sa library para samahan si Chris magsauli ng hiniram niyang libro, at pagkatapos ay naglakad lakad pa kami sa buong campus.

"Guys, magkakaroon pala ako ng party sa bahay. Alam niyo na, Debut. Pero don't worry, I'll give you nalang mga gowns. Masquerade party ang theme. Basta punta kayo ha? Next next month na."

Sabi ni Allia. Tumango-tango nalang kami. Mayaman kasi sila kaya magiging engrande ang party niya. Special yun kase debut niya, at papahiramin pa niya kaming mga gowns.

"Tara, uwi na tayo." Pag-aaya ni Chris.

Bigla nalang lumabo ang paningin ko at...

~Blaaag~

SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon