Tanya's point of view
"Andaming tao!"
Manghang mangha ako sa dami ng tao ngayon. May iba na sobrang maporma at maganda. Andami ding guwapo sa campus.
"Tanya, buti nalang at magkaklase tayo. Nakakatakot mag-isa dito baka mamaya mapagtripan pa ako dito."
"Oo nga. Buti nalang talaga, Nikka."
Si Nikka, bestfriend ko mula pa nung highschool ako. Iskolar din siya katulad ko. Pareho din kami ng course, BSBA.
"Ruiz Hall, 4th floor, room 16. This way po, mam."
Sabi ng babae na napagtanungan namin. Buti nalang at may mababait dito
"Tara na Tanya, at baka mahuli pa tayo."
Pumasok na kami sa aming first subject. Mukha namang mababait ang aming mga kaklase. Meron ding mukhang mataray at puro salamin, make-up o cellphone lang ang hawak. Hay nako, di porket mayayaman sila eh nagsasayang nalang sila ng pera at di na mag-aaral.
~
"Class, ako si Miss Juliet Alcazar. Pwede niyo akong tawaging Miss Judith-"
Nagulat ang lahat ng biglang makarinig ng pagkalabog ng pinto. May isang lalaking pumasok at umupo nalang ng di bumabati ng good morning o mag sorry dahil late. Aba't! Napakayabang naman ng lalaki, di ba niya alam na may teacher na? At nagcecellphone-cellphone pa. Tss.
"Well class, ayun na nga. Ako na ang magiging teacher ninyo sa Filipino I for whole semester. Ngayon, gusto ko magpakilala kayo sa isa't-isa dahil mamaya, magkakaroon tayo ng pairing for the talent portion!"
Maraming nagulat sa sinabi ni mam. Talent portion???? Tapos by pair? Tss.
Nagsimula na silang magpakilala hanggang sa ako na ang susunod.
"Hi, ako si Tanya Madlang-awa, labing pitong taong gulang, taga Quezon City."
Yung iba kong kaklase tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Sino ba naman kasi ang papasok sa isang mayamang university na isang hamak na mahirap lang, diba?
~
Natapos na nga ang lahat sa pagpapakilala. Nagtawag na si Mam Judith ng pangalan para ipagpair sa Talent portion.
"Nikka Vicente, at Joshua Gomez."
Hays, babae at lalake ang pairing. Kung kami nalang sana ni Nikka ang pares edi sana mas madali.
"Tanya Madlang-awa, at Tristan Lois Javier."
Ha? Sino daw? Di ko kilala yun ah, sandali baka masungit partner ko.
"Sino si Tanya Madlang-awa diyan?!"
Grr! Sino yung sumisigaw ng pangalan ko? Nakakahiya!
"Ms. Tanya, punta ka dito para pag-usapan natin yung magiging talent mo. Dali asan ka na ba?!"
Ano daw? Ang yabang naman ng lalaking yun! Pag nakita ko siya, sasapakin ko siya sa mukha.
"Hoy! Ms. Tanya! Nasaan ka na? Naligaw ka na ata!"
Lumapit ako sa lalaking tumatawag sa akin at saka ko kinalabit sa likod na siya namang unti-unti niyang pagharap.
"Ikaw nanaman!" Sabay naming pagsigaw.
"Anong ginagawa mo dito? Paano nakapasok ang tulad mo dito?"
Ay aba't kumukulo na ang dugo ko dito.
"Pake mo ba? Ikaw ba may-ari ng eskwelahang ito? Di dahil mahirap ako, di na ako pwede pumasok dito."
Ngumisi ngisi lang siya sa akin.
"Shut-up! Ano ang talent mo?"
"Wala akong talent."
Tinitigan niya lang ako sabay-
"Hahahaha! Ikaw? Walang talent? Nakakahiya!"
Napakayabang oh! Paki sapak, please?
"Bakit, ikaw ba?"
Sigurado ako, wala din itong talent.
"Marunong akong mag-gitara. Inggit ka? Ganto nalang gawin mo, kakanta ka."
"Pero baka pumiyok ako, nakakahiya!"
Mabuti pang lamunin nalang ako ng lupa kesa sa kumanta.
"Ok class, let's give Tanya and Tristan an applause!"
Hala! Kami na agad? Nasaan ang hustisya? Sana di nalang kami una.
~
Buti nalang at natapos na yung talent portion na yun. Grabe para akong aatakihin sa puso. Buti nalang at di ako pumiyok kanina. Nakakahiya yun lalo na't partner ko yung Tristan na yun.
"Honey, antagal nating di nagkita. Alam mo, namiss kita."
Anubayan ang haharot naman nila. Di man lang nahiya. Dito pa talaga sa library.
"Honey, I'm sorry. Pero break na tayo."
Awts! Ang hard nun ah! Napaka naman nung lalaki. Kung makita ko lang mukha niya, kakalmutin ko talaga, kaso nakatalikod eh. Umiiyak-iyak na yung babae.
"Pero bakit? May iba ka nanaman ba? Sabi mo mahal mo ako?"
Yan ateng! Ipaglaban mo! Huahuaha nako! Ganyan talaga yang mga lalaking yan!
"Alam mo namang isa akong cassanova diba? Bakit kasi nagpupumilit ka pa na ipagsiksikan ang sarili mo?"
Ay aba't napaka nun ah! Titirisin ko na talaga yung lalaki.
"Bakit? Alam mo namang mahal na mahal kita, Tristan!"
Tristan? Hmm di naman siguro yun yung kaklase ko diba? Hmm siguro?
"Tigilan mo na ako! Di kita mahal at kahit kailan, di kita mamahalin!"
Tumayo na yung lalaki at dali daling dumaan sa harapan ng pwesto ko at nakangiti.
Oh my! Tristan Lois Javier! Napakasama niya talagang tao! Isang halimaw na nagpapadugo sa puso ng mga babae. Ganun pala siya.
Yung babae naiwang luhaan kaya nabasa tuloy yung book na hawak niya.
Lumabas ako ng library para sampalin si Tristan. Napakakapal ng mukha eh! Pagkabukas ko ng pinto, si Tristan nakita ko na nagsa-soundtrip na parang walang nangyari. Gusto ko na talaga sana siyang sampalin. Kaya lang tinawag ako ni Nikka.
"Oh bakit?"
Hinatak lang niya ako.
"Oh bakit ba? Saan tayo pupunta, Nik?
"Uuwi na tayo."
Oo nga pala, tutulungan ko pa si inay.
Habang nag-aabang kami ni Nikka ng tricycle, nakita ko ulit si Tristan na may kaakbay na ibang babae. Aba't cassanova nga tulad ng narinig ko na sinabi niya kanina.
"Tantan! Tara na, nandito na yung tricycle."
Sumakay na kami ni Nikka. Pinagmamasdan ko sina Tristan at ibang babae habang papalayo ang tricycle.
Oras na ng pagtulog pero di pa ako makatulog. May pasok pa naman ako bukas! Nag-try na ako uminom ng gatas pero waepek tapos nagbilang ako ng tupa pero wala pa rin! Mag-aalas onse na oh! Grrr!
![](https://img.wattpad.com/cover/269146000-288-k604884.jpg)
BINABASA MO ANG
Sayo
RomanceTanya narrates the story of how the death of her father changed everything she knew about love.