Sixteenth Chapter

2 0 0
                                    

Tanya's point of view

Mine-make-upan na nga kaming apat ngayon sa kwarto ni Allia. Nakikiliti ako sa pagbbrush sa mukha ko. Andaming koloreteng kailangan ilagay! Dapat pulbo nalang atsaka lipbalm, tapos! Hindi yung marami pang ganito. Tapos kinukulot pa yung buhok ko. Ang init! Andami talagang arte sa buhay!

"Mam Tanya, tapos na po."

Sabi nung babaeng nag-ayos sa akin.

"Ayan! Tapos na tayong make-upan. Let's take a selfie!"

Pagyayaya ni Allia habang nangangalikot sa cellphone niya. At nagselfie na nga kaming apat.

Pumasok kami nina Aicelle at Nikka sa isang guest room kung saan nakalagay ang mga damit na susuotin namin na nakalagay sa mga mannequin... Napakaganda ng mga damit. Pang mayaman talaga ang itsura. Parang nakakahiyang gamitin kasi baka madumihan lang.

Kinuha ko na ang gown ko at tiningnan ang postura sa salamin kung kasya at bagay ba ito sa akin. Violet cocktail dress siya na tube. May black beads and ribbon laces sa bandang dibdib. Ung ribbon sa beywang color black, tapos yung palda niya violet yung loob na tela tapos may naka ibabaw na black mesh na hanggang tuhod, at may kinakabit ding black na mesh sa may bewang pero hanggang sa sa baba na ang haba niya. Sayad sa lupa.

Pumasok na ako sa CR at nagbihis. Ang hirap niya isuot kasi baka masira yung make-up. Akala ko nung una di siya magkakasiya sa akin. Ang hirap kasi i-zipper eh. Yun pala matigas lang ang zipper para daw di ito madaling mababa tapos may lock din siya na hook.

Pagkatapos magbihis, kitang kita na bagay na bagay din kina Nikka at Aicelle yung gown. Cocktail dress lang din yung kanila, pero syempre iba-iba ng style ng dress.

May pumasok na babae na may dalang tatlong box ng sapatos. Atsaka inabot isa-isa sa amin ang mga box na may kanya-kanyang pangalan! Atsaka na umalis ang babae.

Omg! May heels! Di naman ganoon kataas pero baka matapilok parin ako nito. 4 inches lang naman ho. Hahaha! Ok na ito di tulad kina Nikka na 6 inches ang taas ng heels.

May pumasok ulit na babae at nagbigay ng mask. Masquerade party kasi ang theme ng party. Half mask lang naman ang ibinigay. Mata lang naman ang tinatakpan ng maskara.

Isinuot na namin ang maskara at sapatos atsaka kami lumabas ng guestroom kung saan nakita namin si Allia na naghihintay sa hallway. Sabay-sabay kaming bumaba at pumunta sa garden kung saan ang daming tao ang nagkekwentuhan. Lahat sila at nakamaskara at walang nagtatanggal nito. Napakaganda ng mga gown nila. Nasaan na si Joshua?

Nagsimula na ang party mula sa 18 roses. Isinayaw sa Allia ng iba't-ibang lalaki habang nakamaskara. Di rin pinapakilala kung sino sino sila. May lumalapit lang at bumubulong na sila ay kasali sa 18 roses.

Sunod naman ay ang 18 candles. Tulad ng kanina, di tinatawag ang mga pangalan. May lumalapit lang at bumubulong na kailangan mong magsalita sa harap. Nagulat ako nang may kumalabit sa akin.

"Mam, kayo na daw ho ang sunod."

Hala? Ako talaga? Oh my God! Seryoso?

"Seryoso? Ako talaga, Kuya?"

Tanong ko na ikinatango lang nung kumalabit sa akin. Natawag na kasi sina Aicelle at Nikka kaya sigurado talagang kasama ako. Hindi pa naman ako ready! Anong sasabihin ko? Well, bahala na si Batman.

SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon