Tanya's point of view
"Oh bakit ang aga mo umalis kahapon? Sabi ko sayo kakainin pa natin yung dalang merienda ni mommy. Tinetext din kita nun ah. Pagkatapos mong sukatan biglang wala ka na."
Pagtatanong ni Allia.
"Sorry ah. Tinext kasi ako ni inay eh. At saka palowbat narin ako nun at walang load. Sorry talaga."
Saka naman pumasok si Tristan sa classroom.
"Omg! Andiyan na yung nangongopya."
Bulong ni Nikka. Tumawa lang sina Aicelle, Allia, at Chris. Si Joshua, nagsa-soundtrip lang sa tabi.
Lumapit si Tristan sa kinauupuan namin.
"Tanya, salamat nga pala sa date natin kahapon, hinding-hindi ko yun makakalimutan."
Umalis na agad si Tristan at nagtungo sa upuan niya sa dulo.
"Oh my gosh!"
Sabay-sabay na bulong nina Aicelle, Allia, at Nikka.
"Nakipag-date ka kay Tristan?"
Tanong ni Chris. Napatingin naman sa akin si Joshua dahil sa narinig.
"Nako mahabang kwento."
"Sabi mo pinauwi ka ng inay mo." - Aicelle
"Sorry guys, umalis na ako noon kasi late na ako sa date namin."
"Kwento mo nalang yung nangyari, Tanya." - Nikka
"Sige na nga."
Nag-ayos sila ng upuan na parang paikot.
"Ganito kasi yan. Nung nag tutor ako sa kanya nung sabado, binigyan ko siya ng quiz. Sabi niya pag naperfect niya daw yung quiz, ide-date daw niya ako."
"At pumayag ka naman?"
Tanong sa akin ni Aicelle.
"Oo, kasi akala ko di niya yun kayang iperfect, pero ayun nagawa niya kaya nakipag-date ako bilang tugon sa usapan namin."
"So, saan kayo pumunta? Ano yung ginawa niyo?" - Nikka
"Ayun, pumunta kami sa floating resto sa Manila bay, nagorder kami ng seabass na may garlic rice. Tapos sumayaw kami ng Thinking out loud na tinugtog ng orchestra. Kasabay namin yung mga ibang pares na matatanda, at teens. Actually ayaw ko talaga na sumayaw pero pinilit lang niya ako kaya sumayaw na lang din ako kasama siya."
Nakita kong nanggigigil na si Joshua at gusto ng sapakin si Tristan.
"Wow! Nakakakilig naman!" Nikka
"Tumigil ka na." - Allia
"Oo nga pala, birthday ko na sa Wednesday. Diretso nalang kayo Nikka, Aicelle, at Tanya bukas sa bahay after school. Mag-sleep over nalang kayo doon para doon narin kayo maayusan ok? Para makita niyo na din yung gown at syempre para di awkward na sumakay ng jeep at tricycle pauwi sa bahay ng nakagown, ok?"
Tumango tango lang kami sa mga sinabi ni Allia, at saka nagyaya na si Chris na mag canteen.
Napakaboring ngayong araw na ito. Wala na kasi yung mga teachers, as in wala ka talagang makikitang prof na palakad lakad dito sa campus. Ang mga estudyante naman ay pakalat-kalat lang.
~
Babayaran ko na sana ang kinuha kong sopas pero sabi ng nagtitinda ay wag nalang. May nagbayad na daw kasi. Binigyan lang ako ng papel na agad ko namang ibinulsa, at saka na ako bumalik sa table namin.
"Antagal mo naman." - Aicelle
"Antagal kasing maluto ng binili kong sopas kaya hinintay ko nalang hanggang sa maluto."
Hinigop ko na ang sabaw ng sopas at tahimik narin silang kumakain.
"Papasok ba kayo bukas?" - Nikka
"Oo, Nikka. Bakit?"
Sabay-sabay na pagsagot namin nina Allia, Aicelle, at Chris.
"Wala daw pasok hanggang Friday. Nag-outing daw pala lahat ng mga teacher." - Nikka
"Edi wag nalang tayo pumasok." - Chris
"Tamang-tama punta nalang kayo bukas agad, kasi wala naman palang pasok bukas."
~
Pagkauwi ko, sumabay na ako kay inay sa hapunan at naghugas ng mga pinggan. Nagpahinga lang ako ng sandali at saka naghanda para sa aking pagtulog. Papikit na sana ako ng maalala ko ang papel na ibinigay sa akin ng tindera. Nasaan na nga ba iyon?
Hinanap ko sa bag ko pero wala. Nang bigla kong naalala nasa bulsa pala ng palda na suot ko kanina. Hala! Basa na ata iyon! Kinuha ko ang uniform kong palda na nakasampay at saka kinapa ang bulsa.
Hala lagot! Nabasa nga siya. Ibinuklat ko ang basang papel atsaka ko isinampay habang nakatapat sa electricfan. Antagal namang matuyo! Inaantok na ako -___-
Hindi pwedeng bukas ko yan basahin. Makikita ni inay na nakasampay ay mababasa siya. Bahala na nga! Inaantok na talaga ako eh!

BINABASA MO ANG
Sayo
RomanceTanya narrates the story of how the death of her father changed everything she knew about love.