Twenty-seventh Chapter (Epilouge)

4 0 0
                                    

Tanya's point of view

Hindi ko akalain na mangyayari ang lahat ng iyon. Pero sabi nga nila, sa paglipas ng panahon hindi mo aakalain na tapos ka nang dumaan sa madilim na kabanata ng iyong buhay. Tulad ng kantang 'Sayo', minsan ay tama at mali ang mga desisyon na ating nagagawa kaya humahantong sa isang masakit o masayang katapusan ang lahat.

Hindi naman dahil sa naiwanan ka ay wala nang happy ending ang lahat. Dahil ang isang masayang happy ending ng isang kwento ay nakabase sa kung paano gagawing masaya ang katapusan. Tulad namin ni Tristan, gumawa kami ng isang masayang kwento pero nagtapos sa isang malungkot na katapusan. Pero mas pinili naming dalawa na maging masaya sa kabila ng lahat ng nangyari.

Sabi nga nila, pagkatapos ng matinding unos ay isang masaya na pagbangon. Oo, masakit nga mawalan at bumitaw sa taong mahal mo. Pero ganun talaga. May buhay na masaya at malungkot. Kamusta na kaya siya? Hmm.

~Kriiiing~

Pumasok na ang Literature teacher namin na si Mam Karen.

"Guys! Ipasa niyo na ang proyekto niyo! Sigurado bang nasa 10,000 words ang mga kwento na naisulat niyo tungkol sa mga sarili niyo?"

Nagsigawan ang lahat. Ipinasa ko na kay Aicelle ang proyekto ko para maibigay kay mam.

~The end.~

SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon