Eighth Chapter

5 0 0
                                    

Tanya's point of view

"Ano bang problema mo at dinala mo pa ako dito?!"

Pasigaw kong sabi kay Tristan.

"Ako? Hindi mo alam? Dahil sayo pinapatawag ang magulang ko!"

"Excuse me! Hindi ko kasalanan yun dahil kasalanan mo yun!"

"Talaga? Eh kung pinakopya mo ako edi sana hindi nangyari ito!"

"Wow! Kung nag-aaral ka palagi edi sana hindi ka nangongopya! Puro pagpapalit-palit ng girlfriend lang ang ginagawa mo!"

"Well, hindi mo ako kilala kaya wala kang karapatang bastusin ako."

"Well, Tristan Lois Javier, diba? Oh ayan, kilala na kita. Masaya ka na? Atsaka oo nga pala oh! Binabalik ko na."

Kinuha ko ang bag ko sa kanya. May kinuha ako doon at inilagay ko ang limang libo sa palad niya na binigay niya sa akin noon sa divisoria.

"Teka, ibig sabihin ikaw yung?"

Iniisip niya kung ako ba talaga o hindi yun. Ambilis makalimot!

"Oo! Alam mo bang isang linggong masakit ang paa ko dahil sa pagkakapilay noon? At kung magagalit ka sa akin dahil di kita pinakopya, well quits na tayo. Atsaka hindi ka naman talaga dapat pinapakopya eh.

Napatigil siya doon sa sinabi ko.

"Alam mo bang dahil sayo, sa hindi mo pagpapakopya eh magagalit sakin ang mommy ko."

Ako pa talaga ang sinisisi nito.

"Kung nag-aaral ka sana ng mabuti edi sana di ito nangyari, at ano namang paki ko kung magalit ang nanay mo!"

Parang gusto ko na siyang ipabala sa kanyon para lumipad at mawala nalang siya dito.

"Ayokong magrounded sa bahay! Hindi ko makikita ang girlfriend ko at ayokong magagalit ang daddy ko sa akin."

"Eh kung ayaw mong magrounded sana di ka nangyari, ok? At kung makapagreklamo ka naman na di mo makikita ang girlfriend mo eh papalit-palit ka naman ng girlfriend eh! At kung magalit man ang daddy mo, edi mas masaya!"

"Wala kang alam sa buhay ko kaya kung magpalit-palit man ako ng girlfriend, wala ka nang paki."

Gusto ko nang umalis dito.

"Okay Okay! Masaya ka na ba? Dahil nasabi mo na ang lahat? Aalis na ako at may next class pa ako."

Aalis na sana ako pero bigla niyang hinawakan ang braso ko at saka hinatak.

"Hindi pa! Galit na galit ako sayo ngayon kaya miserable na ang buhay ko! Kung hindi ka humarang sa daan noon, edi sana hindi ganito ang buhay ko!"

Kumukulo na talaga ang dugo ko dito. Kanina pa! Grr!

"Ako? Kung tumitingin ka sana sa traffic sign, edi sana di rin ganito kamiserable ang buhay ko! So ngayon, pwede umalis na ako?"

Aalis na ulit sana ako pero hinatak niya ulit ako sa kanya at hinalikan! O___O at may narinig nalang akong..

"Tristan! Paano mo nagawa sa akin ito? Sabi mo mahal mo ako! Tristan, alam mong mahal na mahal kita pero bakit? Bakit mo ito nagawa?"

Nakita kong napaluhod ang babae at nagsimula nang magdabog at magwala. Tumayo siya at pinagsisisipa ang mga sirang armchair.

Humiga siya sa lupa sa gubat at nagpadyak-padyak na parang isang batang inagawan ng candy.

May pumuntang dalawang babae na kaibigan ata nung nagwawala. Atsaka siya pinilit na tumigil hanggang sa tumigil na rin ito at saka sila umalis.

Binitawan na rin ako ni Tristan.

~Paaaaak!~

Sinampal ko siya.

"Ang kapal ng mukha mo! Ninakaw mo ang first kiss ko! At ginawa mo pa akong kabit mo!"

Minamasahe pa niya yung pisngi niya.

"Ang sakit nun ha! Ano namang paki ko kung first kiss mo yun? Atsaka ayoko sa babaeng yun, napakadesperada. Ikaw? Alam ko namang may crush ka din sa akin eh."

At nagpacute pa siya at nagbeautiful eyes.

"Wow! Ang kapal talaga ng mukha mo ano? Di ako magkakagusto sa isang taong walang ginawa sa buhay kung hindi ang magloko at manakit ng iba. Kaya pwede na talagang umalis diba? Late na late na ako sa klase ko."

At saka na dumating sina Joshua.

"Uy, Tanya kanina pa tayo late sa class!"

Sabi ni Allia.

"Kanina ka pa kaya namin hinahanap, nandito ka lang pala."

Sabi ni Chris.

"Ano ang ginawa niya sayo?"

Pagtatanong ni Joshua na parang gusto nang suntukin si Tristan.

"Wala, kaya alis na tayo."

Hinatak ko na sila at iniwan namin si Tristan mag-isa at nakatulala. Tingnan nalang natin kung ano mangyayari sa kanya bukas pag nalaman ng nanay niya yung ginawa niya. Sigurado ako na magiging grounded siya. HAHAHA!

SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon