Seventh Chapter

5 0 0
                                    

Tanya's point of view

Dumiretso na nga kami sa Canteen para sa lunch.

"Ano ba talagang nangyari kanina?"

Tanong ni Chris.

"Hay nako. Kasi naman pinipilit niya talagang pakopyahin ko siya."

"Ano nga sinasabi niya sayo?"

Tanong ni Allia.

"Nung una, sabi niya pag pinakopya ko siya, ide-date daw niya ako. Baliw diba?"

Napailing si Joshua sa sinabi ko.

"Wow! Grabe yun ah!"

Sabi ni Aicelle.

"Yung pangalawa, sabi niya pag pinakopya ko siya, bibigyan daw niya ako ng pera."

"Ay nako! Nakakainis yun ah! Ginawa ka pang mukhang pera."

Sabi ni Nikka.

"Kaya nga eh! Nakakairita! Yung huli, sabi niya pag pinakopya ko daw siya, magiging girlfriend daw niya ako."

"Woo! Intense! Grabe naman siya! Di dahil mayaman siya eh magagawa na niya ang lahat."

Sabi ni Aicelle.

"Hayaan mo na yun, wala lang siyang magawa sa buhay. Atsaka di ka nun babalingan ng galit no. Takot yun magrounded ng nanay niya."

Sabi ni Joshua.

"Weh? Paano mo nasabi?" - Nikka

"Spoiled kasi si Tristan ng nanay niya. Pero pag hindi sumunod or may nagawang kasalanan eh ginagrounded siya ng mommy niya. Lagi kasing pasaway si Tristan eh." - Joshua

"Eh, yung daddy niya?"

Pagtatanong ko.

"Daddy niya ang presidente ng Javier Group of Industries. Hindi sila close ng daddy niya. Galit na galit yun sa kanya kahit maliit o malaking gulo na nagagawa ni Tristan."

Grabe pala. Nakakaawa siya. Pero nakakainis parin siya.

Nagpatuloy na nga kami sa pagkain ng lunch. Kwentuhan at tawanan habang nasa canteen.

"Ta-tanya, sa likod mo."

Sabi ni Aicelle. Paglingon ko, nakita ko ang mga nanlilisik na mga mata ni Tristan.

"Tumayo ka diyan!"

Galit na sabi ni Tristan.

"Pwede ba tigilan mo si Tanya!?"

Sabi ni Nikka.

"Tayo sabi! Tayo! Tayo!"

Panggagalit ni Tristan.

"Pre, tigilan mo si Tanya."

Sabi ni Joshua. Pero hindi siya nakikinig. Nakatingin na sa amin lahat ng tao sa canteen dahil kay Tristan.

Patayo na sana ako ng pigilan ako nina Allia. Hinawakan ni Tristan ang braso ko.

"Wag ka sumama."

Sabi ni Allia. Atsaka hinawakan ni Joshua ang braso ko.

Kinuha naman ni Tristan ang bag ko bago pa makuha ito ni Joshua na nakasabit lang sa upuan ko. At saka niya ito isinukbit sa kanya.

Ngayon, habang tinititigan ko siya, parang nagliliyab ang mata niya na baka ilang segundo lang ay masusunog na kami dito dahil sa tingin niya.

"Akin na yan!"

Pagsigaw ko sa kanya.

"Sumama ka!"

Pamimilit ni Tristan.

"Hindi ako sasama sayo!" Sabi ko.

Ngayon ay para na siyang saasbog sa galit.

Kinuha ni Tristan ang kamay ko at dahil doon ay natapon ang hawak kong pagkain at saka niya ako hinatak-hatak.

Nagpupumiglas na ako dahil sa sakit na dulot ng pag-hawak niya sa kamay ko. Sobrang higpit kasi.

Sinubukan din maghabol sa amin nina Joshua. Pero naligaw sila dahil kung saan saang pasikot sikot kami dumaan ni Tristan.

"Bitawan mo nga ako! Saan mo ba ako dadalhin?"

"Kung ako sayo, magdasal ka na."

Omg! Ano ba kasi ito? Grr! Kanina pa kami takbo ng takbo at marami narin ang nakakabangga namin. Para na akong makakaladkad dahil pagod na ako.

Hanggang sa huminto na kami sa mapunong part sa likod ng school na tambakan ng mga sirang armchair, kung saan walang katao-tao. Atsaka niya ako binitawan. Ngayon ay pareho na kaming naghahabol ng hininga.

SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon