Twenty-second Chapter

2 0 0
                                    

Tristan's point of view

Napakasaya ko talaga kahapon. Sinagot na ako ng taong mahal ko. Akala ko hindi niya ako sasagutin. Akala ko tingin niya sa akin ay ganoon parin tulad ng dati. Pero kung alam lang niya kung paano niya nabago ang lahat nang dumating siya sa buhay ko.

"Tan, dito na ako!"

Tawag ko kay Tanya nang dumaan na siya sa kanyo kung saan ako laging naghihintay sa kanya. Lumapit siya sa akin at sabay na kaming naglakad.

"Bakit ba kailangan mo pa akong ihatid sundo?"

Pagtanong niya sa akin.

"Dahil girlfriend kita. Ang girlfriend dapat inaalagaan."

"Bakit ka nga pala nagkagusto sa akin?"

Tumingin pa siya sa akin.

"Hindi ko alam. Basta nung una kitang nakita, tapos nung inaway mo ako dahil sa pangongopya, at sa pagpapalit-palit ko ng girlfriend. Siguro doon nagsimula kaya nabago mo ako at naging gusto kita."

Nakita kong ngumiti lang siya.

"May payong ka ba?" Tanong niya sa akin.

"Wala eh. May problema ba?"

"Wala naman. Ang init kasi."

Nang pagdating namin sa school, pumasok na agad kami sa room. Agad-agad naman silang nagkwentuhan nina Allia, Aicelle, at Nikka.

"So, alam mo na ang feeling ng magkaboyfriend?" - Nikka

"Ano bayan, kung makatanong naman kayo eh parang matagal na kami eh kahapon lang kaya. Pwede wag excited?"

Napangiti lang ako sa sinabi ni Tanya. Nang bigla nalang kaming may narinig mula sa speaker na nakalagay sa right side ng classroom namin.

"Malayans, dahil may ini-schedule na brownout mamayang 12 ng tanghali hanggang 8 ng gabi para ayusin ng Meralco ang linya ng kuryente ay sinususpinde na namin ang mga klase. Pwede na kayong umuwi."

Naghiyawan ang lahat ng aking mga kaklase dahil sa narinig na balita. Malapit na palang mag-twelve ng tanghali. Ano nanamang gagawin namin? Maaga pa para umuwi.

"Guys, kung sa ovalpark nalang kaya ulit tayo?" Pagyayaya ni Chris.

Pumayag naman ang barkada kaya ngayon ay papunta na kami sa Oval park. Akbay-akbay ko lang ngayon si Tanya habang sabay-sabay kaming lahat na naglalakad.

"Tanya" - Allia

Napatingin naman si Tanya kay Allia.

"Bakit, Allia?" - Tanya

"Nagdurugo yung ilong mo."

Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Allia. Napahawak naman si Tanya sa ilong niya at naramdaman niyang may dugo. Binigyan ko siya ng panyo na agad naman niyang pinunas sa ilong niya na may dugo.

"Ok ka lang ba, Tan?"

"Oo, sa sobrang init lang siguro ito."

Umupo na kaming lahat sa damuhan.

"Sure kang okay ka lang talaga, Tanya?" - Joshua

"Tumingin ka sa taas para mawala at matigil na ang pagdurugo ng ilong mo." - Aicelle

Tumingala naman si Tanya at maya-maya'y nawala na ang pagdudugo ng ilong niya.

"Nagugutom na kayo? Alas dose na, anong gusto niyong kainin na tanghalian? Magpadeliver nalang tayo." - Chris

"Ako Chicken joy nalang." - Allia

"Ako din, tulad ng kay Allia." - Nikka

"Ako burger steak nalang." - Aicelle

"Ikaw, Tanya?" - Chris

"Yung yum burger nalang." - Tanya

"Ako din, ganon nalang." Pagsagot ko

Nagpadeliver na nga sa Jollibee si Joshua. Nang dumating ay kumain na kaming lahat. Napansin kong napahawak si Tanya sa dibdib niya.

"Tan, may problema ba?"

"Na-nahihirapan akong huminga."

Nakita kong naghahabol na siya ng hininga. Lahat ay lumapit at nagsimula na siyang paypayan nang bigla na lang siyang bumagsak.

~Blaag!~

"Gising, Tanya! Gising!"

Nagkakagulo na ang lahat dahil kay Tanya.

"Dalhin na natin siya sa Clinic." - Nikka

"Hindi pwede, brownout na." - Allia

"Kotse, dali!" - Joshua

Tumakbo na si Chris sa kotse niya na malapit lang. At saka ko binuhat si Tanya at ipinasok sa loob ng kotse. Pumunta na kami sa malapit na ospital na hindi brownout.

May lalaking lumapit sa amin na may dalang stretcher, nilapag ko doon si Tanya.

"Sir, ano pong nangyari? Tanong ng nurse.

"Na-na-nahimatay po." - Aicelle

Itinulak na nung lalaki ang stretcher at dinala sa Emergency ward. Tinignan ng doktor si Tanya at pinalagyan ito ng oxygen mask. Matapos nun ay lumapit na sa amin ang doktor.

"Well, nahimatay lang siya dahil sa hindi siya makahinga. Nakita namin na may dugo pa sa ilong niya. Pero don't worry, dahil lang yan sa stress at init ng panahon. Mamaya ay magiging okay narin siya at pwede nang umuwi."

Tumango lang kami sa mga sinasabi ng doktor. I'm sure she'll be fine. Siguro nga stress lang iyan. Sana nga ay maging ayos na siya.

Paglipas ng isang oras ay nagising na rin si Tanya.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko

"Oo, ayos lang ako. Ano bang nangyari?"

"Kanina naghahabol ka ng hininga at biglang nahimatay kaya dinala ka namin dito sa ospital." - Allia

"Okay na ako. Tara na, ayoko na dito."

Nang madischarge siya ay umalis narin kaming lahat at nagpasyang umuwi na.

SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon