Eleventh Chapter

2 0 0
                                    

Tanya's point of view

Ang aga ko ngayon sa school kaya ako lang mag-isa. Kaunti palang din yung nandito sa room. Dumating na rin si Tristan kasama yung mommy niya.

Nang pumunta na sila sa guidance office ay sumunod ako para makita kung paano siya papagalitan ng mommy niya.

"Tanya! Saan ka pupunta?"

Ay! Andito na si Joshua. Sayang hindi ko na makikita kung paano mapapagalitan si Tristan.

"Kanina ka pa nandito? Ok kana ba?" Tanong ni Joshua.

"Hindi naman, medyo kaninang onti lang naman. Oo nga ok na ako, maaga nga ako natulog eh."

Nginitian niya ako kaya nginitian ko nalang din siya pabalik.

Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan na para akong inaaya na sabay na kaming pumunta sa room pabalik.

"Tanya, alam kong dahil sa pag-amin ko kahapon ay awkward na tayo ngayon, pero sana bumalik tayo sa dati na parang walang nangyari at super close parin. Mahal kita kaya ayokong malayo ka sa akin."

Inalis ko ang kamay ko at ngumiti.

"Ok, Joshua. Baka mamaya dumating na sila."

At agad-agad namang sabay-sabay na pumasok at nagsiksikan sa pintuan sina Aicell, Allia, Chris, at Nikka sabay lumapit sa amin.

"Tanya, ok ka na ba?" Tanong ni Allia.

"Oo, okay na ako."

"Di nga? Ok ka na ba talaga?" Pangungulit ni Chris.

"Oo nga, kulit!"

"Sorry kung waka na kami kahapon pagkagising mo." Sabi ni Allia.

"Buti nalang at naiwan si Joshua para bantayan ka." Sabi ni Aicelle.

Nagsimula na ang klase ng biglang kumatok ang isang tao sa labas. Binuksan ng kaklase ko ang pinto at saka naman pumasok si Sir Magtalas.

"Ms. Tanya Madlang-awa, pinapaawag ka."

Nagulat ako at ang lahat atsaka ako tiningnan. Kinakabahan na ako. Wala naman akong nagawang mga kasalanan eh.

Lumabas na ako at sumunod kay Sir Magtalas.

~

Pagdating sa Guidance office, nakita ko si Mam Natividad, ang guidance counselor; mommy ni Tristan, at si Tristan. Tinitigan pa ako ni Tristan hanggang sa makaupo ako at saka nang-irap.

"Iha, anong ginawa ni Mr. Javier sayo?" Tanong ni Mam Natividad.

"Uhm pinilit po niya ako na pakopyahin ko siya tapos po non ay hinatak niya ako sa likod ng school atsaka pinagsisigawan."

"Well Mrs. Javier, dahil po sa ginawa ni Tristan, kailangan ho natin siyang pagawain ng community service or ipasuspend nalang po siya." Sabi ni Mam Natividad.

Ayan! Dapat nga sa kanya iyan. HAHAHA!

"Miss, pwede po bang wag nalang ganoon ang ipagawa niyo kay Tristan?" Pagmamakaawa ni Mrs. Javier.

"Well, kung mapapatawad siya ni Ms. Madlang-awa siguradong pwedeng di na niya iyon gagawin."

Eh? Ako pa ang ginawang last choice ni Mam Natividad. :3 Tumingin si Mrs. Javier na parang nagmamakaawa. Papatawarin ko na ba? Hmm?

"Sige po, pinapatawad ko na ho si Tristan."

Ayt! Nasabi ko ba iyon? O_O

"Nako salamat, Tanya? Sorry kung ano mang kasalanan na nagawa ng anak ko para sayo."

Niyakap pa ako ng mommy ni Tristan. Si Tristan tinitingnan lang ako.

Paglabas namin biglang dumating ang daddy ni Tristan.

"Ano nanamang ginawa mo, Tristan!" Paninigaw ng Daddy niya.

"Hon, wag mo nang pagalitang si Tristan. Kaso lang naman ng pangongopya ang nangyari." Sagot ng mommy niya.

"Ang bobo bobo mo kasi! Ano bang ginagawa mo? Pagpapalit-palit lang ng girlfriend ang ginagawa mo! Nakakahiya ka! Paano mo mapapalawig ang kumpanya pag ipapamana ko na sayo?"

Yan sigi! Tapos bugbugin mo!

"Ipapatutor kita simula ngayon, pag di ka umayos mas mabuti pang itakwil kita at iwan sa lansangan." Dagdag ng daddy niya.

"Tanya, pwede bang ikaw nalang ang mag-tutor sa anak ko?" Sabi ni Mrs. Javier.

Tatanggi ba ako? Bahala na si Captain Barbell, pang allowance ko din ito.

"Ok po, sige. Tinatanggap ko po."

"Tuwing Tuesday, Thursday, at Saturday ka nalang magtutor sa kanya." Sabi ng mommy niya.

SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon